Si Jose dela Cruz o Huseng Sisiw ang binigyan ng karangalang Hari ng mga Makata sa katagalugan. Isinilang siya sa Tundo, Maynila noong Disyembre 20, 1746. Hindi siya nakapag-aral ngunit sa sariling pagsisikap ay natuto ng Katon at Cartilla, Doctrina Cristiana, Pilosopiya Cit Teolohiya.
Kinilala siya sa kahusayang sumulat ng mga tula kaya marami ang nagpaturo sa kanya ng pagtutugma ng mga salita. Ikinapit sa kanya ang taguring Huseng Sisiw dahil kung may nagpapagawa sa kanya ng patulang liham ng pag-ibig, ang hinihingi niyang kabayaran ay sisiw. Siya ang guro ni Balagtas sa pagtula.
Isa ang kanyang pangalan sa tatlong pangalang kakabit ng Korido sa kasaysayan ng Panitikan. Ang dalawa niyang mga kasama ay sina Francisco Balagtas at Ananias Zorilla.
Mula sa kanyang panulat ang mga koridong Clarito, Adela at Florante, Flora at Clavela, Doce Pares de Francia, Rodrigo de Villas, at ang popular na Historia Famoso de Bernardo Carpio.
Si Jose Cecilio Ramon Augusto Pangilinan de Jesus o mas kilala sa pangalan na Jose Corazon de Jesus (1894-1932), may palayaw na Pepito Matimtiman, Huseng Batute, Huseng Katuwa, Anastacio Salagubang, Sundalong Lasing, Viterbi, Paruparong Asul, Bayaning May Sugat, ay isang mamamahayag, makata at manunulat, at tulad din ni Balagtas at Rizal ay nakapagsulat ng maraming tula.
Ipinanganak siya noong 22 Nobyembre 1894 sa Sta. Cruz, Maynila at pangalawa sa tatlong anak nina Dr. Vicente de Jesus at Susana Pangilinan.
Lumaki si de Jesus sa Santa Maria, Bulakan at nagtapos ng hayskul sa Liceo de Manila, at kumuha ng abogasya sa Escuela de Derecho. Nag-aral din siya ng humanidades, operang Italyano, at piyano sa Unibersidad ng Pilipinas.
Hindi ipinagpatuloy ni de Jesus ang pag-aabogasya at sa halip ay naging isang mamamahayag. Simula 1920, nagsulat na siya sa Taliba, sa kolum ng �Buhay Maynila�, �Mga Lagot na Bagting ng Kudyapi� (Taliba) at �Mga Butlig ng Panahon�, 1922 sa Liwayway.
Nag-ambag din siya ng mga tula sa Taliba, Ang Mithi, Bagong Lipang Kalabaw, at Sampaguita.
Siya ang kinilalang �Hari ng Balagtasan�, matapos manalo laban sa kanyang pangunahing katunggali na si Florentino T. Collantes. Ang paksa ng kanilang mga debate ay tungkol sa Paruparo at Bubuyog, Bakal at Ginto, at Dalaga Kahapon at Dalaga Ngayon.
mga tula:
* Ang Manok Kong Bulik, 1919
* Ang Pagbabalik, 1924
* Ang Pamana, 1925
* Pag-ibig, 1926
* Sa Dakong Silangan, 1928
* Manggagawa, 1929
* Isang Punungkahoy, 1932
mga awit:
* Bayan Ko
* Maawa Ka
* Una Kong Pag-ibig
* Masayang Dalaga
* Bakit Ka Lumuluha
* Ang Lambing Mo
* Pusong Wasak
* Luha ni Juan de la Cruz
* Pananalig sa Pilipinas
* Kalayaan
* Arimundingmunding
* Pakiusap
* Kundiman ng Luha
mga parangal:
* kinoronahan na Hari ng Balagtasan, 1920s
* Patnubay ng Sining at Kalinangan (posthumous) mula sa Lungsod ng Maynila, 1971
Siya ay namatay noong 26 Mayo 1932 dahil sa sakit sa bituka.
wikipedia and wikipilipinas... |