Sa Aking Mga Kababata
ni José Rizal
Kapagka ang baya'y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanglang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.
Pagka't ang salita'y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharian,
At ang isang tao'y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka't ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
Ang salita nati'y huwad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.
------
"B.Mga Uri ng Tula
Ang tula sa kanyang kaanyuhan ay masasabing pasalaysay at pandulaan.
Ang tula ay pasalaysay kapag ang inilalahad ay mga tagpo p pangyayaring mababasa sa mga taludtod.
Ang tulang pandulaan naman ay may madudulang tagpo at pangyayari, madalas na itinatanghal ang ganitong ri ng tula."
Source:
I quoted
B.Mga Uri ng Tula
from
FILIPINO_HS.COM III
Batay sa Basic Educatioin Curriculum
Nimfa V. de Veluz
Eulanda V. Gilbuena
Mga May-akda
Karapatang-ari 2005 ng BOOKMAN, INC.
Inilathala ng BOOKMAN, INC.
373 Quezon Avenue, Quezon City
Tel. Nos. (02)712-3587; 740-8018; 712-4813 |