Monday 15 March 2010 : 09:40:05 AM Welcome back Guest. Login | Register
Search keyword:
e,g."Philippine Independence"
Home Ask a Question My Profile Register
Home / Academic / Wika at Panitikan
Open Question
    
rylisse
Level: Baguhan
Rating:

[tula] Ang Lumang Simbahan ni florentino Cillantes
?

tula na ang lumang simbahan

Answered Question - 3128 views

  Email this Question to a friend

Research your answer in the web
    Answers:
Ang Buong Kwento:

Sa bayan ng San Ignacio ay may isang lumang simbahan dito ibinitin yata ng tadhana ang isang malaki't basag na kampana. Sa lumang simbaha't basag na kampana ay may natatagong matandang alamat. Mayroon daw isang matandang doo'y naglalakad ang suot ay puti't may apoy sa bibig. Sa buong magdamag ay 'di matahimik ngunit ang hiwagang 'di sukat malirip kung bakit sa gabi at hindi sa umaga nagmamasid.

5:27 na ng hapon, malapit ng mag-agaw ang liwanag at dilim kaya ang mga tao'y nagsiuwi dahil pagabi na't ang gabi'y masungit upang 'di madaanan ang lumang simbahang nakakasindaksindak.

Nasira sa madla ang buong pagkatao ni Erwina Emmanuellano isang sopranong mangangawit nang mabalitaan ng buong publiko sa Espanya na isang sipulturero lamang ang kanyang kasintahan kaya ito'y nagbalak tumukas sa kanyang pamilya't umuwi ng Pilipinas upang makasama ang kasintahang matagal na niyang 'di nasilayan.

Sa gawing kaliwa ng lumang simbahan may isang lupang tiwangwang. Ginubat ito ng mga damo't makahiyang-parang sa dami ng krus doong nagbabantay nakikilala mong yaon ay libingan. Sa sama ng panahon mukhang ibubuhos na ng makulimlim na langit ang ulan. Doo'y may isang binatang iniwanan na ng malupit na tadhana. Isa siyang pilipinong pinabayaan ng amang kastila. Inaayos, linilinisa't binabantayan ang puntod ng kanyang inang sinawimpalad. Sa harapan ng lumang simbahan tumigil ang isang karawahe't bumaba ang isang kaakit-akit na dalaga. Dali-daling umalis ang mamang sakay ng karawahe dahil sa takot na magtal sa tapat ng simbahan. Lumingon ang dalaga sa gawing kaliwa ng simbahan at isinigaw ang pangalan ng kanyang kasintahan.

"Fernando. Fernando. Fernando!"

Habang nililigpit ni Fernando ang kanyang mga gamit ay narinig niya ang kanyang pangalan sa pangatlong tawag at sigaw ni Erwina.

"Erwina�.." Bigkas nito na parang nabuhayan ng loob.

Dali-daling tumakbo patungong lumang simbahan si Fernando't doo'y nasilayan ang matagal na niyang kasintahang hinihintay. Pagyakap ng mahigpit ni Fernando kay Erwina'y biglang bumuhos ang malakas na ulan. 'Di ito inintindi ng dalawa't patuloy na nagyakapan ng mahipit at nagtagpo ang kanilang maiinit na labi.

"Que contenta estoy!" Ika ni Fernando sa sobrang pananabik kay Erwina.

"Gracias a Dios Fernando."

"De donde eres?"

"Espanya."

"Erwina ang tagal na kitang hinihintay."

"Fernando pinilit ako ng Papa na sumumama sa Espanya kundi ipapatay ka niya.Fernando sa lalong madaling panahon lumayu-layo na tayo. May kaibigan akong taga Estados Unidos isasama niya tayo papunta roon."

"Oo simula nga ng dumating ang mga amerikano umalis na ang mga espanyol kaya iniwan mo ako't sumama ka sa iyong Papa."

"Fernando alam ng Papa na nandito ako kaya bukas sumama ka na sa akin."

"Oo mahal ko sasama ako sa iyo."

Sumilong silang dalawa sa loob ng simbahan. Lubos silang nananabik na magkasama dahil ang tagal nilang nawalay sa isa't isa. Hindi na nila inintindi ang nagbabadyang takot na baka may ano mang mangyaring masama sa kanila sa loob ng lumang simbahan. Hating gabi na't 'di pa tumitigil ang malakas na ulang kasabay ng mga malalakas na pagkulog at kidlat. Tumigil ito nang madaling araw na't habang magkayakap sa harapan ng altar ang dalawang magsing-irog. Nagulat ng bigla ang dalaga nang masilayan ang malaking ahas patungong pintuan ng simbahan kaya ito'y sumigaw at yinkap ang kasintahan. Ngunit paglingon ng binata sa pintuan wala namang ahas na kanyang nasilayan bagkus isang matandang naglalakad na suot ay puti't may apoy sa bibig na parang nagmamasid sa lalim ng gabi.



1 : 0 | 100% AC
"Fernando umalis na tayo dito hindi na ako makakatagal pa dito sa lumang simbahan na ito. Taga kalye Ilang-ilang ang kaibigan kong si Jon dito sa San Ignacio ngunit hindi ko rin alam kung saan 'yon."

"Erwina baka alam ng matandang 'yan kung saan ang kalye Ilang-ilang."

"Nakakasindak ang matandang 'yan at mukha siyang prayle."

"Erwina lapitan natin at ako ang magtatanong sa kanya."

"O sige Fernando pero mag-iingat ka."

Linapitan ng magsing-irog ang matanda't kinausap ng binata ito.

"Un momento, por favor. Sandali lang po." Ika ni Fernando ngunit 'di lumingon ang matanda�'t patuloy parin ito sa paglalakad.

Lumapit parin si Fernando't kinausap ito.

"Podria hablarle un ratito. Pwede po ba kayong makausap kahit sandali lang po." Ngunit 'di parin siya inimikan ng matanda.

Patuloy parin niya itong kinausap na baka matulungan sila nito.

"Podria decirme donde esta la calle Ilang-ilang? Saan po ba 'yong kalye Ilang-ilang?" 'Di pa rin umimik ang matanda.

"Por favor,como se llega a la calle Ilang-ilang?"

'Di parin umimik ang matanda't biglang lumingon ito. Ang kanyang mga mata�y nanlilisik at nagulat si Erwina sa sindak.

"Fernando halika na pabayaan mo na 'yan bilisan mo halika na!" Ika ni Erwina sa sobrang takot.

Lumabas ng simbahan ang dalawang magsing-irog at dali-daling tumakbo papalayo rito. Habang tumatakbo ang magsing-irog narinig nila ang kampanang basag na bahaw na bahaw kung ano't tumunog sa madaling araw at ang tinutugtog nito'y agunyas ng patay. Sa sobrang takot ng dalaga'y nadapa ito't hinimatay. Binuhat ito ni Fernando hanggang sa matagpuan ang kalyeng hinahanap. Nakarating sila sa bahay ng amerkanong kaibigan ng dalaga't agad silang pinatuloy nito't pinagpahinga.

Mamayang alas tres ng hapon ang biyahe ng barko sa may golpo. Hinanda lahat ng matalik na kaibigan ni Erwina ang lahat ng kanilang kakailanganin sa kanilang pag-alis.

Alas tres na ng hapon at hinihintay nila ang barkong patungong Estados Unidos sa may pier.

"Erwina sa wakas mapapanatag na rin ako, magiging maligaya at mamumuhay ako ng payapa kasama mo mahal ko."

"Fernando salamat sa Diyos at dininig narin niya ang matagal kong hinihiling na muling makakasama kita at ito na'y panghabang buhay."

Pagdating ng barkong galing Espanya 'di nila alam na kitang-kita sila ng ama ni Erwina habang bumababa ito sa barko kasama ang kanyang mga tauhan. Kasabay ng mga ito ang hari ng Espanya na balak balikan ang anak na iniwan at upang ipahukay ang simbahang siyang pinagtaguan ng kayamanan ng isang Puno ng Tulisan.



0 : 0 | 0% AC
"Erwina! Que disgusto me lleve!" Sigaw ni Armando ang Papa ni Erwina sabay kalabit ng kanyang baril.

Tumakbo ang magsing-irog at hinabol sila ng mga tauhan ni Armando. Hinarang naman sila ni Jon ang amerikano kaibigan ni Erwina.

"Erwina go! Run faster!"

Ngunit sinawimpalad ang kaibigan ni Erwina't namatay. Nang malaman ng mga amerikanong sundalo ang nangyayari dali-dali silang rumesponde't hinabol ang mga tauhan ni Armando.

Sumakay ng karawahe patungong lumang simbahan ang magsing-irog upang 'di na sila matagpuan ng ama ni Erwina. Pagdating nila ng lumang simbahan agad silang nagtungo ng altar at nagyakapan.

"Fernando ayoko nang mawalay pa sa iyo. Mahal ko hindi ko na ata kakayanin pa kung mangyayari man 'yon."

"Erwina ayoko nang mahirapan pa, ayoko nang mawalay sa iyo at ayoko ko nang mangulila pa sa iyo."

"Ako rin Fernando."

"Erwina kahit mahirap gagawin ko kung papayag ka sa gusto ko. Sa kabilang buhay doo'y matatahimik tayo, walang taong gigimbal at walang sino man ang makakpigil sa ating pagmamahalan."

"Fernando anong ibig mong sabihin?"

"Erwina gusto ko nang magpatiwakal at hinihiling kong sumama ka sa akin."

"Oh Diyos ko Fernando walang kapatawaran ang binabalak mo ngunit sadya yata ang pagibig ko sa iyo'y wagas kaya hanggang mapasakabilang buhay ako�y sasama sa iyo ng tapat."

"Oh mahal ko. Erwina ipanalangin mo ang ating mga kalulwa na sana tayo'y mapatawad ng ating mahal na bathala."

Humanap ng palang panghukay itong sawim-palad na aping binata. Habang humuhukay ang kaawa-awa sa habag sa sinta'y nanatak ang luha. Ngunit ano itong kay-laking hiwaga! Ang nadukal-dukal mga gusing luma saka nang iahon, oh laking himala! Puno ng salapi at gintong Kastila. Ang magsing-irog ay nagulat at nilimot ang binabalik nilang walang kapatawarang magpatiwakal.

"Erwina mahal ko ang daming salapi."

"Fernando sana napatawad tayo ng Diyos sa ating binalak. Oh mahal ko mamumuhay na tayo ng marangya!"

Sa malaki nilang kagalakan lumuhod sila sa birhen at nagsidasal. At sila'y umuwing pasan ng binata, nagkakang-uuyad sa malaking tuwa, ang lumang simbahan ay ipinagawa at ipinabuo ang kampanang sira.

Nagdaos sila ng pistang dakila, tugtog ng musiko'y sampung araw yata. Ang mga tao'y sobrang natuwa at ang takot sa puso ay nawala na pasukin ang lumang simbahang ngayo'y bago na at manalangin sa birheng kay amo ng mukha.

Sa utos ng hari ng Espanya na ipahanap ang kanyang anak na binata sa wakas ito'y kanyang natagpuan na at itong si Fernando ang siyang pinagpala. Nang mabalitaan ng hari na ang kasintaha'y si Erwina hindi siya nanghinayang na paghiwalayin silang dalawa dahil ang alam nito'y dating sipulturero lamang ang dati nitong kasintahan. Ngunit ang matapang na binata'y hindi nagbadya na sabihin sa kanyang amang hari ang buong katotohanan na ang kanyang minamaliit na sipulturero ay ang kanyang anak na iniwan. Walang nagawa ang hari kundi humingi ng tawad sa kanyang anak na naghirap at humingi ng tawad sa kasintahan nitong buong pusong tumanggap sa kanyang unico ihong matagal na niyang hinahanap.

Balak ng hari na dalhin si Fernando sa Espanya ngunit ito'y tumanggit tinalikuran ang pagiging hari sa hinaharap. Gusto nitong makasama ang kanyang kasintahan at manirahan ng tahimik dito sa kanyang bayang sinilangan kahit kalahati ng kanyang dugo'y dugong kastilang dumadaloy.

Nagkita sila Erwina't kanyang Papa, humingi ito ng tawad sa binata na kanyang minaliit sa pagiging sipulturero lamang. 'Di niya alam na anak pala ito ng kanyang amigo na si Haring Edwardo.



0 : 0 | 0% AC


Related Questions:

 
   Categories
    Arts & Entertainment
    Business and Money
    Health
    Academic
    Miscellaneous
    Reference
    Relationships and Beliefs
    Science and Mathematics
    Sports and Leisure
    Technology
 
 
   Bookmarking
        Digg This
        Del.icio.us
        Yahoo My Web
 
 
   Top Henyos
jperana
Level:
Rating:
Instant Message Offline
umibigatnabigo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
boyhenyo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
cklaighe
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
colinam
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
 
 
 
 
   Most Viewed

Q: Ano ang apat na uri ng pagtatala?

Q: sino ang mga akdang pangwika?

Q: mga suliranin ng mga estudyante sa asignaturang Filipino ?

Q: kahulugan ng korespondensya?

Q: teoryang historikal?



 
Copyright ©2010 Pinoy Henyo. All Rights Reserved.