Tuesday 16 March 2010 : 12:02:52 AM Welcome back Guest. Login | Register
Search keyword:
e,g."Philippine Independence"
Home Ask a Question My Profile Register
Home / Academic / Wika at Panitikan
Open Question
    
prolink
Level: Baguhan
Rating:

tiglilimang halimbawa ng salawikain, sawikain, sabisabi, kasabihan, tanaga
?

Answered Question - 7795 views

  Email this Question to a friend

Research your answer in the web
    Answers:
Salawikain (sayings or proverbs)


Ang isip ay parang itak, Sa hasa tumatalas.

Kuwarta na, naging bato pa.

Bibig na natatakpan, hindi papasukin ng langaw.

Kung anong bukang bibig ay siyang nilalaman ng dibdib.

Mabuti pa ang kubo, na nakatira ay tao kaysa mansiyon na nakatira ay kuwago.

Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.


Ang sawikain ay mga salita o pagpapahayag na karaniwang ginagamit sa araw-araw.

anak-dalita -- mahirap
alilang-kanin -- utusang walang sweldo, pagkain lang
balitang kutsero -- hindi totoong balita
dalawa ang bibig -- mabunganga, madaldal
halang ang bituka -- salbahe, desperado, hindi nangingiming pumatay ng tao
sukat ang bulsa -- marunong gumamit ng pera, marunong magbayad at mamahala ng kayamanan
kusang palo -- sariling sipag
mabigat ang kamay -- tamad magtrabaho
malikot ang kamay -- kumukuha ng hindi kanya
isulat sa tubig -- kalimutan
mahabang dulang -- kasalan
mahaba ang buntot -- laging nasusunod ang gusto, kulang sa palo, salbahe



0 : 0 | 0% AC
Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan.

May estrukturang itong apat (4) na taludtod at pitong (7) pantig kada taludtod.

Heto ang mga halimbawa ng tanaga:

Santo Nino

Sanlaksang kaluluwa
ang bumalot sa daan.
Ang ingay at ang kulay
ay biglang naging isa.

�Roberto T. Anonuevo
26 Disyembre 2007


Tagpo sa Noche Buena

Nasok ang limang ibon
Sa singit nitong bubong.
Sumiyap ang inakay,
at dilim ang dumantay.

�Roberto T. Anonuevo
7 Disyembre 2007


http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Wikifilipino:Ta...
0 : 0 | 0% AC
Ang sawikain o idioma ay salita o grupo ng mga salitang patalnghaga ang
ganit. Ito'y nagbibigay ng di tuwirang kahulugan.

Iba't ibang Sawikain

AHAS - taksil; traydor

ANAK-DALITA - Mahirap

ALILANG-KANIN - utusang walang bayad, pakain lang; pabahay at pakain ngunit walang suweldo.

BALITANG-KUTSERO - balitang hindi totoo o hindi mapang-hahawakan.

BALIK-HARAP - mabuti ang pakikitungo sa harapan ngunit taksil sa likuran.

BANTAY-SALAKAY - taong nagbabait-baitan

BUWAYA SA KATIHAN - usisera; nagpapautang nang malaking pera.



0 : 0 | 0% AC
Tanaga:

Mataas man ang paho
Malangba ang pagtobo
Ang doso rin ang lalo't,
Hangini di maobo.


Nang ualang biring guinto,
Doon nagpapalalo
Nang magcaguinto guinto
Doon nanga songmoco.


Dahan-dahan, ang langit
Ay nagbababang-luksa;
Unti-unti, ang binhi'y
Nabubuhay sa lupa.


Nag-almusal mag-isa,
Kaning lamig, tinapa;
Nahulog ang kutsara...
Ikaw na sana, Sinta.


Puto lang ako Sinta-
May init ng bibingka,
Tamis ng maja blanca,
Sapin-saping ligaya.


Dinatnan kong tahimik
Ang lawa at namingwit;
Nasilip ka sa langit,
Hinagkan ko ang tubig.



0 : 0 | 0% AC


Related Questions:

 
   Categories
    Arts & Entertainment
    Business and Money
    Health
    Miscellaneous
    Academic
    Reference
    Relationships and Beliefs
    Science and Mathematics
    Sports and Leisure
    Technology
 
 
   Bookmarking
        Digg This
        Del.icio.us
        Yahoo My Web
 
 
   Top Henyos
jperana
Level:
Rating:
Instant Message Offline
umibigatnabigo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
boyhenyo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
cklaighe
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
colinam
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
 
 
 
 
   Most Viewed

Q: sinu-sino ang mga manunulat sa panahon ng kastila?

Q: paki boud po yung tatsulok na daigdig........?

Q: teoryang historikal?

Q: mga talambuhay ng 14 presidente ng pilipinas?

Q: anu ang liham na pasasalamat ?



 
Copyright ©2010 Pinoy Henyo. All Rights Reserved.