Sunday 05 July 2009 : 02:32:02 PM Welcome back Guest. Login | Register
Search keyword:
e,g."Philippine Independence"
Home Ask a Question My Profile Register
Home / Academic / Wika at Panitikan
Open Question
    
skull_digger
Level: Bibo
Rating:

teoryang pampanitikan?

ano ang mga teoryang pampanitikan?

at ang kahulugan?

Answered Question - 7513 views

  Email this Question to a friend

Research your answer in the web
    Answers:
Teoryang Pampanitikan

Klasisismo - pananalig pampanitikan na pinahihigitan ang kaisipan kaysa damdamin. Ang mga tauhan ay angat sa karaniwang buhay, ang anumang bagay tungkol sa kamunduhan ay iniiwasan pagkat ang mahalaga ay ang pagiging marangal sa kilos at pananalita.

Romantisismo - higit na pinahahalagahan ang damdamin, kung gaano ang higpit ng klasisismo ay gayon ang kalayaan ng romantisismo.

Simbolismo - ito ay naglalahad ng mga bagay, damdamin at kaisipan sa pamamagitan ng mga sagisag at mga bagay na mahiwaga at metapisikal. Ang ilan sa mga sagisag ay simbolo ng patnubay sa buhay.

Realismo - naglalarawan sa paraang siyentipiko at hindi namimili ng mga bagay na nadarama at napag-uukulan ng pagmamasid, inilalarawan ang buhay sa katunayan nito at walang halong idealismo.

Naturalismo - pagsisikap na mailarawan ang kalikasan nang buong katapatan. Malimit na kasingkahulugan ng realismo. Binibigyang pansin ang kapaligirang sosyal at hindi ang indibidual na katauhan.

Ekspresyonismo - ipinahahayag ng manunulat ang kanyang kaisipan lalo na ang kanyang nadarama.

Impresyonismo - ang mga bagay na di dapat ilarawan ng masusi kundi batay sa kakintalang naiwan sa isipan ng manunulat.

Surrealismo - sinisikap na matamo sa pamamagitan ng paggamit ng mga salita sa paraang salungat sa karaniwan at di karaniwan at di makatwiran.

Eksistensyalismo - hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad ng tao at binibigyan halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran.

Modernismo - ito ay tumutukoy sa isang paghihimagsik sa tradisyon, relihiyon, kaugalian at paniniwala at nagsasaad o nagpapadama upang magkaroon ng puwang ang pagbabago. Pumapalit ang bago sa luma upang lumaya ang tao sa matanda at sumisikil na batas at tuntunin, upang makasunod ang isipan at damdamin sa nagbabagong takbo ng buhay. Ang pagbabago ng kamalayan ang binibigyang diin.



0 : 0 | 0% AC
Idealismo - ito ay mula sa salitang �idea� ng griyego na nangangahulugan ng isang anyo o kabuuan ng isang bagay. Ito ay nagpapatunay na ang kaisipan ay nanggagaling sa isang bagay at babalik sa naturang bagay at ang isip ng isang tao ang pinakamahalaga sa buong daigdig.

Femenismo - dito nangingibabaw ang pamamaraan, kakayahan, karanasan at paniniwala at pananaw ng isa babae.

Formalistiko - natutukoy ang nilalaman, kaanyuan, o kayarian at pamamaraan ng pagkakasulat ng may-akda. Dito inilalabas ng manunulat ang pagiging masining sa paglikha ng akda.

Imahismo - ang tuon ng teoryang ito ay ang imahen ang nagbibigay kahulugan sa akda. Isinasaalang-alang ang malinaw na epekto ng nilalaman ng akda kahit ginagamitan ng di pangkaraniwang salita.

Sosyolohikal - salamin ng kaligiran ng isang tiyak na pook, kultura, tradisyon, kaugalian at paraan ng pamumuhay. Dito naniniwala ang kritiko na ang panitikan ay hindi humihiwalay sa lipunan.

Dekonstruksyon - ito ay hindi nagtataglay ng isang kahulugan lamang, masalimuot at maraming kontradiksyon na siyang nagpapakita ng mga "gaps, silences at omissions" ng teksto. Tago ang tunay na kahulugan dahil sa pinangangalagaang ideolohiya ng may-akda.



0 : 0 | 0% AC
1.Romantismo - ito ay isang istilo sa sining at panitikan. Mas may diin ito sa damdamin kaysa katwiran. Mas may diin sa imahinasyon at kutob kaysa lohika. Pinapanigan ng romantisismo ang maluwag na daloy ng emosyon at malayang kilos kaysa pinipigil at pag-aayos. Sa lahat ng aspeto, kabaligtaran ng klasisimo ang romantisismo. Ang pokus ay ang emosyon at imahinasyon ng tauhan sa akda. Nababatay ang tula ditto. Ang tula ay isang akdang pampanitikan na nagpapahiwatig ng matinding saloobin at maigting na kaisipang gumigising sa diwa ng mambabasa.

2.Humanismo - ang teoryang ito ay nagbibigay ng pagpapahalaga sa buhay ng isang tao. Kung saan ang sentro ng akda ay ang tao. Ang tao ang siyang pinahahalagahan dito. Siya lamang ang makagagawa ng paraan upang siya ay umunlad at ikatatagumpay niya. Siya rin ang nakagagawa ng ikababagsak at ikalalagapak ng kanyang buhay. Pwedeng gamitin ng sanaysay dito.

3.Bayograpikal - ang teoryang ito ay patungkol sa may-akda ng mga akdang pampanitikan. Siya ang nagsusulat o sumusulat ng mga akdang pampanitikan na ating nababasa magpasahanggang ngayon. Ang teoryang ito ay tumutukoy sa karanasan ng may akda sa kanyang sinulat na akda. Makababasa tayo ng ilang mga pangyayaring nangyari sa tunay na buhay ng may-akda upang masmapaganda pa nito ang paghubog sa kanyang sinulat na akda. Kakikitaan din ito ng pilosopiya ng may akda sa dahilang kababasaan ito ng kanyang pananaw. Patungkol ito sa mga bagay na nais niyang ihatid sa mga mambabasa. Pwedeng gamitin ng tula dito.

4.Klasisismo - ang isang akdang pampanitikan tulad ng kuwento ay nagpapahayag ng mga ekspresyon o saloobin ng karanasan sa buhay. Ang mga karanasan ay nagsisilbing aral na dapat maikintal sa kaisipan ng mambabasa. Kaya't dapat suriin ang pagiging marangal ng mga tauhan batay sa kilos, pananalita, paniniwala, at paghahatid ng kaisipan. Naaayon ang pagsusuring ito sa teorya ng klasisismo.

5.Realismo - Sinusuri ang akda sa pamamgitan ng pagtukoy sa tiyak na bahagi nito na nagpapatunay ng pagkakaroon ng transpormasyon ng tauhan sa pisikal, emosyonal, intelektuwal, espiritwal, at sikolohikal na aspekto. Naayon ng dula dito. Ang dula ay isang akdang pampanitikan na nagbibigay-kasagutan sa isang malalim na suliranin, naglalarawan ng kalikasan ng tao, at nagpapahayag ng tunggalian ng kalooban at damdamin ng mga tauhan.

6.Feminismo - ang teoryang ito ay mababatay sa papel na ginagampanan ng kababaihan sa tahanan o sa lipunan. Naaayon ang tula dito. Binibigyang-pansin kung paano inilalarawan ang mga babae, paano sila kumikilos, ang kanilang pananaw sa sarili at ang papel na kanilang ginagampanan sa lipunan. na ginagampanan ng kababaihan sa tahanan o sa lipunan. Naaayon ang tula dito. Ang kaisipang feminista ay bunga ng kilusan ng makabagong kababaihan noong banding 1960. May diwang pulitikal ito na mahigpit na tumututol sa lipunang patriyarkal at sexist.

7.Sikolohikal - sinasabing walang katapusan ang diwa at espiritu ng tao na makalaya sa kinabibilangangdaigdig. Sinisikap ng tao na kahit hinahangad niya ang kanyang kalayaan, naniniwala siyang hindi maihihiwalay sa daigdig ang tao nang walang pagbabagong magaganap sa kalikasan.

Ang tula ay may katangiang maglarawan ng mga tiyak na matulaing imahen batay sa isang salita, isang talutod, kabuuan at pamagat ng akda. Halimbawa, sa tulang "Ang Diyos at ang Agham", makikita ang imahen ng mga astronaut na lumapag sa buwan at ng patuloy na pagsasaliksik kung may buhay nga sa ibang planetang tulad ng Mars. Dito nailalapat ang mga kaalaman tungkol sa teoryang imahismo.

9.Eksistensiyalismo - ang mga tauhan ng akda any nagkakaroon ng mga paniniwala na labis nilang pinahahalagaan. Ipinapakita rin ng teoryang ito ang kalayaan at pagiging awtentiko. Isinasaad din ang teoryang ito, ang pagpapasiya sa sariling kilos, pagpili, at paggalaw na tanging tagapagbigay ng pagpapahalaga sa katauhan.

10. Formalismo - isa sa mga layunin nito ay mabigyan ng pagpapakahuluganang matatalinghagang salitang ginamit ng may-akda.



0 : 1 | 0% AC
Teoryang Pampanitikan


Teoryang Klasismo/Klasisismo

v Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.



Teoryang Humanismo

v Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.



Teoryang Imahismo

v Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.



Teoryang Realismo

v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat.





Teoryang Feminismo

v Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.



Teoryang Arkitaypal

v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa�t isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.



Teoryang Formalismo/Formalistiko

v Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa � walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri�t pang-unawa.







Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal

v Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.



Teoryang Eksistensyalismo

v Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).



Teoryang Romantisismo

v Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba�t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.



Teoryang Markismo/Marxismo

v Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.



Teoryang Sosyolohikal

v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin.



Teoryang Moralistiko

v Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba�t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao � ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.



Teoryang Bayograpikal

v Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga �pinaka� na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.



Teoryang Queer

v Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual. Kung ang mga babae ay may feminismo ang mga homosexual naman ay queer.



Teoryang Historikal

v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng



0 : 1 | 0% AC
Teoryang Klasismo/Klasisismo

Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.



Teoryang Humanismo

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.



Teoryang Imahismo

Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.



Teoryang Realismo

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat.





Teoryang Feminismo

Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.



Teoryang Arkitaypal

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.



Teoryang Formalismo/Formalistiko

Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa.







Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal

Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.



Teoryang Eksistensyalismo

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).



Teoryang Romantisismo

Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.



Teoryang Markismo/Marxismo

Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.



Teoryang Sosyolohikal

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin.



Teoryang Moralistiko

Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.



Teoryang Bayograpikal

Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwati


<<-= aYun lNg pO=->>
0 : 0 | 0% AC


Related Questions:

 
   Categories
    Arts & Entertainment
    Business and Money
    Health
    Miscellaneous
    Reference
    Academic
    Relationships and Beliefs
    Science and Mathematics
    Sports and Leisure
    Technology
 
 
   Bookmarking
        Digg This
        Del.icio.us
        Yahoo My Web
 
 
   Top Henyos
dome
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
cklaighe
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
attorney
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
jeremyrimando
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
cutecat_nin28
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
 
 
 
 
   Most Viewed

Q: ano ang karaniwang ayos ng pangungusap?

Q: Uri at istruktura ng diskurso at mga kahulugan nito?

Q: halimbawa ng tulang pandulaan na senakulo?

Q: ano ang wika?

Q: Ano ang mga kasingkahulugan ng mga salitang?



 
Copyright ©2007 Pinoy Henyo. All Rights Reserved.
Community of the Filipino Genius