Thursday 09 September 2010 : 11:04:40 PM Welcome back Guest. Login | Register
Home Ask a Question My Profile Register
Home / Academic / History
Open Question
    
goldfinger
Level: Baguhan
Rating:

talamuhay ni juan luna
?

Answered Question - 1948 views

  Email this Question to a friend

Research your answer in the web
    Answers:
Si Juan Luna y Novicio ang nagpinta ng pamosong larawan "Spolarium". Siya ay nakilala sa buong mundo sa pamamagitan ng kanyang pinsel gaya ng pagkakilala sa kanyang mga kaibigan sa pamamagitan ng pluma at espada.

Siya ay ipinanganak noong Oktubre 23, 1857 sa Badoc, Ilocos Norte kina Joaquin Luna at Laureena Novicio sa Badoc, Ilocos Norte.

Nag-aaral siya sa Ateneo de Manila. Ang pangarap niyang maging isang mandaragat ay natupad matapos siyang mag-aral at magtrabaho sa brako sa murang gulang na 16. Marami siyang napuntahang magandang lugar at iba't ibang tao ang kanyang nakasama. Bagamat napagtala siya bilang mandaragat huminto para lamang maipagpatuloy niya ang pag-aaral sa pagpinta.

Pumasok siya Academio de Dibujo y Pintura sa Maynila noong 1876 sa kurong Bellas Artes. Ipinagpatuloy niya ang kursong ito sa Madrid, Espanya. Personal din siyang nagpaturo sa pagpinta kay Alejo Vera na siyang nagdala sa kanya sa bansang Roma, Italya upang magmasid. Pumunta siya sa Barcelona, Espanya noong 1877, doon siya naging propesyonal na pintor noong 1880 noong nipanalo niya ang ginuhit niyang The Death of Cleopatra. Nagwagi ito ng pangalawang karangalan sa Eksposisyon sa Madrid. Ito ay binili ng Gobyernong Kastila at ginawang permanenteng exhibit sa Museo Nacional de Pinturas, Salon de Pintures Modernas.

Tumanyag ang pangalan ni Luna nang ginawaran ng gintong medalya ang kanyang Spolarium sa Exposicion Nacional de Bellas Artes sa Madrid noong 1884. Ito binili rin ng Diputacion Provincial de Barcelona sa halagang 20,000 pesetas noong 1886.

Ang iba pa niyang nilikha ay ang Pacto de Sangre, Idilio, Espana y Filipinas, Lavandera, Escena Mariquina, Batalla de Lepanto, at iba pa.

Noong Oktubre, 1884, lumipat siya sa Paris kung saan niya ipinagpatulong ang pagpinta.

Si Juan Luna ay nagpakasal kay Paz Pardo de Tavera noong 1886 at noong 1894 pagkalipas ng 17 taon napagkawalay sa Pilipinas ay siya ay bumalik. Siya ay napagsuspetsahan na isa sa mga kasangkot sa pagpapasimula ng rebolusyon kaya't siya ay hinuli at ikinulong. Pinatawad siya ng Espanya noong Mayo 27, 1897.

Sa taong 1898, si Luna ay itinalaga ni Heneral Aguinaldo na isang sugo sa Europa para ipresenta ang panig ng mga Pilipino sa usaping pagkapayapaan. Siya ay inatake sa puso at namatay noong Disyembre 7, 1899 sa Hong Kong.



0 : 0 | 0% AC


 
   Categories
    Arts & Entertainment
    Academic
    Business and Money
    Health
    Miscellaneous
    Reference
    Relationships and Beliefs
    Science and Mathematics
    Sports and Leisure
    Technology
 
 
   Share
        Facebook
        Twitter
        Plurk
 
 
   Search
JobTitle, Company, Skills, Industry, etc.
 
 
   Top Henyos
allenadriane
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
writer
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
La_Gioconda
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
kimonrold*
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
attorney
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
 
 
   Most Viewed

Q: sino ang ipinadala ni haring carlos the fifth para sa expedisyon sa hilaga?

Q: cno ba sainyo ang mkakapagbigay skin ng Font na Queen, pls help me huhu...!?

Q: fields of discipline?

Q: paano nagsimula ang kaisipan hingil sa ekonomics ?

Q: explain the various developments that occurred during prehistoric times.?



 
 
Copyright ©2010 Pinoy Henyo. All Rights Reserved.