Friday 30 July 2010 : 06:44:37 PM Welcome back Guest. Login | Register
Home Ask a Question My Profile Register
Home / Academic / History
Open Question
    
madel8208
Level: Baguhan
Rating:

talambuhay ni graciano lopez jaena?

Answered Question - 16424 views

  Email this Question to a friend

Research your answer in the web
    Answers:
Si Graciano Lopez Jaena ay isang Pilipinong manunulat na higit na kilala sa kaniyang akdang Fray Botod. 'Butod' ang salitang Hiligaynon para sa "kabag" at katumbas din ito ng balbal na "tabatsoy".

Dukha ang mga magulang nang isilang si Graciano Lopez Jaena sa Jaro, Iloilo, noong Disyembre 17, 1856. Ang ina niya, si Maria Jacoba Jaena, ay isang mananahi lamang habang ang ama, si Placido Lopez, ay hamak na tagakumpuni ng kahit ano na lamang. Subalit nagkapag-aral nang kaunti si Placido samantalang lubhang matimtiman si Jacoba kaya tatag sa pag-aaral at sa pagsamba ang tinubuan ni Graciano.

Sa gulang na anim na taon, nang ipadala ng mga magulang kay Fray Francisco Jayme, na noon ay nagtuturo sa Colegio Provincial de Jaro, upang maturuan. Personal na tinuruan ni Padre Francisco Jayme si Graciano. Agad napansin ng frayle ang dunong ni Graciano at ang galing niyang magsalita.

Noong 1870, nag-aral siya ng Teyolohiya at Pilosopya sa seminaryo ng San Vicente. Labag sa nais ng ina, hangad ni Graciano na maging manggagamot (medico, physician). Nang sa wakas ay pumayag ang mga magulang, tinangka niyang pumasok sa Universidad de Santo Tomas sa Manila subalit tinanggihan siya. Hindi kasi siya nakatapos ng Bachiller en Artes na hindi itinuro sa seminario sa Jaro. Sa halip, ayon sa payo sa kanya, sa ospital ng San Juan de Dios siya nagsilbi bilang turuan (apprentice) ng mga manggagamot duon. Hindi pa tapos ang pag-aaral ni Graciano nang naubos ang tustos ng dukhang mga magulang, at napilitan siyang bumalik sa Iloilo. Ginamit niya kung ano na lamang ang natutunan, nanggamot sa mga barrio at baranggay sa pali-paligid.

Sa kanyang mga namasdan, lalong sumidhi ang puot niya sa lupit ng pag-api ng mga frayle sa mga tao. Nuong 1874, nang 18 taon gulang lamang, nakainitan na siya ng mga frayle dahil sa sinulat niyang "Fray Botod," prayleng bundat na matakaw at mahilig sa babae. Sabi niya na "Lagi nang banggit ang Dios at Mahal na Birhen samantalang panay ang daya at pagsamantala sa mga tao."

Hindi ito nalathala kailanman subalit maraming sipi (copias, copies) ang umikot-ikot sa Visayas. Lalong napuot ang mga frayle kay Graciano nang patuloy siyang kumalampag (campana, campaign) ng katarungan para sa mga tao. Talagang nagpahamak siya nang patayin ng Español na alcalde ng Pototan ang ilang bilanggong katutubo. Pinilit, tumanggi si Graciano na ipahayag na "natural" ang pagkamatay ng mga bilanggo. Nagsimula siyang tumanggap ng babala na papatayin siya ng mga frayle. Nuon siya tumakas sa España.

Noong Pebrero 15, 1889, inilunsad nila sa Barcelona ang pahayagang "La Solidaridad". Ang pahayagan niyang ito ay sumikat nang husto. Marami sa kanyang mga artikulo ay nailathala sa iba't ibang pahayagan. Ginamit na sandata ni Lopez-Jaena ang kanyang panulat upang ipaglaban ang makatao at makatarungang karapatan ng mga Pilipino sa ilalim ng pamahalaang Kastila.

Namatay si Lopez-Jaena sa sakit na tuberculosis sa edad na 40 sa Madrid, Espanya.



0 : 0 | 0% AC


 
   Categories
    Arts & Entertainment
    Academic
    Business and Money
    Health
    Miscellaneous
    Reference
    Relationships and Beliefs
    Science and Mathematics
    Sports and Leisure
    Technology
 
 
   Share
        Facebook
        Twitter
        Plurk
 
 
   Search
JobTitle, Company, Skills, Industry, etc.
 
 
   Top Henyos
gkumar
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
soni1
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
jeremyrimando
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
cracklings
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
writer
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
 
 
   Most Viewed

Q: explain think globally act locally. ?

Q: ano ang dapat gawin ng gobyerno para maalagaan ang kalikasan?

Q: ano ang layunin ni rizal at pangarap ni2 nung bata pa ito???????

Q: bakit kailangan ng taong mag sexxxxxxxxxzzzzzzzzzzzzzzzz?

Q: HELP PO PLS...ano po ba ang pinagmulan ng pilipinas ayon sa agham, bibliya at alamat?



 
 
Copyright ©2010 Pinoy Henyo. All Rights Reserved.