Saturday 20 March 2010 : 08:15:46 AM Welcome back Guest. Login | Register
Search keyword:
e,g."Philippine Independence"
Home Ask a Question My Profile Register
Home / Academic / History
Open Question
    
jocela
Level: Baguhan
Rating:

talambuhay ni Ramon Magsaysay?

Answered Question - 27206 views

  Email this Question to a friend

Research your answer in the web
    Answers:
Si Ramon del Fierro Magsaysay o Ramon "Monching" Magsaysay (Agosto 31, 1907 - Marso 17, 1957) ang ikatlong pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas mula Disyembre 30, 1953 hanggang sa kanyang kamatayan.

Si Magsaysay ay isinilang sa Iba, Zambales noong Agosto 31, 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral sa Pamantasan ng Pilipinas at Jose Rizal College.

Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors bago magkadigma. Nang bumagsak ang Bataan inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at Pinalaya ng pwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales noong Enero 26, 1945. Noong 1950, bilang kalihim ng Pagtatanggol kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na lilikhain ng pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng republika. Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia.

Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Huk o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya".

Siya ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng pamahalaan. Subalit nagwakas ito ng mamatay siya dahil sa isang pagbagsak ng eroplano sa isang bundok sa Manunggal, Cebu noong Marso 17, 1957.


http://tl.wikipedia.org/wiki/Ramon_Magsaysay
0 : 0 | 0% AC


Related Questions:

 
   Categories
    Arts & Entertainment
    Academic
    Business and Money
    Health
    Miscellaneous
    Reference
    Relationships and Beliefs
    Science and Mathematics
    Sports and Leisure
    Technology
 
 
   Bookmarking
        Digg This
        Del.icio.us
        Yahoo My Web
 
 
   Top Henyos
umibigatnabigo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
boyhenyo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
kimonrold*
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
jac
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
cklaighe
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
 
 
 
 
   Most Viewed

Q: bakit sa aprika nag mumula ang pinaka unang tao sa mundo ?

Q: sino sino ang mga pamgulo ng pilipinas ?

Q: ano ang kahalagahan ng pamahalaan? plz now ko na po kailangan ung answer!!!

Q: si nu ang kaunaunahang bayani ng pilipinas ?

Q: what is the uses and importance of history?



 
Copyright ©2010 Pinoy Henyo. All Rights Reserved.