Wednesday 17 March 2010 : 05:08:33 AM Welcome back Guest. Login | Register
Search keyword:
e,g."Philippine Independence"
Home Ask a Question My Profile Register
Home / Academic / History
Open Question
    
blockhead
Level: Bibo
Rating:

talambuhay ni Gregorio del Pilar?

Answered Question - 21937 views

  Email this Question to a friend

Research your answer in the web
    Answers:
Si Gregorio del Pilar ay ang pinakabatang heneral na lumaban sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Siya ay isinilang sa Bulakan, Bulakan noong Nobyembre 14, 1875 kina Fernando del Pilar at Felipa Sempio.

Si del Pilar ay unang nag-aral kay Maestro Monico at pagkatapos ay nagpatuloy sa paaralan ng mananagalong na si Pedro Serrano Laktaw. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal noong 1880 at tumira sa bahay ng kanyang tiyo na si Deodato Arellano kung saan sinasabing itinatag ang Katipunan. Sa murang isipan ni del Pilar natimo ang mapanganib na mensahero ng mga propagandista. Noong Marso 1896, nagtapos siya sa Ateneo sa kursong Bachiller en Artes, binalak niyang magturo subalit sumiklab ang Himagsikan.

Sa murang gulang sumapi siya sa Katipunan. Naging pinuno ng maghihimagsik at sumanib siya sa tropa ni Col. Vicente Enriquez kung saan napalaban siya sa Kakaron de Sili at bunga ng maigting na pagtatanggol siya ay nahirang bilang tinyente sa gulang na 19. Ginawa siyang heneral ng isang brigada sa gulang na 22. Ang pagsalakay niya sa Paombong, Bulakan at Quingwa (ngayon ay Plaridel, Bulakan) ang nagpatanyag sa kanya. Napahanga niya si Aguinaldo at itinaas siya bilang tinyente kung saan pinalaya niya ang lalawigang ito. Nang mamatay si Hen. Antonio Luna si del Pilar ang humalili sa maliit na hukbo ni Aguinaldo. Nang tinugis sila ng mga Amerikano sa Pasong Tirad noong Disyembre 2, 1899, nagpaiwan siya upang abangan ang mga kaaway habang tumatakas si Aguinaldo. Napatay siya at ang kanyang mga tauhan sa pagtatanggol ng Pasong Tirad.



0 : 2 | 0% AC


Related Questions:

 
   Categories
    Arts & Entertainment
    Academic
    Business and Money
    Health
    Miscellaneous
    Reference
    Relationships and Beliefs
    Science and Mathematics
    Sports and Leisure
    Technology
 
 
   Bookmarking
        Digg This
        Del.icio.us
        Yahoo My Web
 
 
   Top Henyos
umibigatnabigo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
boyhenyo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
cklaighe
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
jperana
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
colinam
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
 
 
 
 
   Most Viewed

Q: sinu ba ang may karapat dapat na mag dala sa inyung relationship ang babae o ang lalaki???

Q: panu muh malalaman na isa kang pilipino?

Q: talaan ng mga hukom sa pilipinas ?

Q: Ano ang script?

Q: bakit hindi ko makita ang sagot ng mga ibnag tao dito?



 
Copyright ©2010 Pinoy Henyo. All Rights Reserved.