Friday 19 March 2010 : 04:03:22 AM Welcome back Guest. Login | Register
Search keyword:
e,g."Philippine Independence"
Home Ask a Question My Profile Register
Home / Science and Mathematics / Social Sciences
Open Question
    
tamod
Level: Baguhan
Rating:

talambuhay ni Francisco Baltazar?

ama ng pilipinong balagtasan

Answered Question - 6086 views

  Email this Question to a friend

Research your answer in the web
    Answers:
Si Francisco Balagtas (Abril 2, 1788—Pebrero 20, 1862), mas kilala bilang Francisco Baltazar , ay tinuturing bilang isa sa mga magagaling na Pilipinong manunula. Florante at Laura ang kanyang pinakakilalang obra maestra.

Unang mga taon
Isinilang sa isang maliit na bayan na nayon ng Panginay, bayan na Bigaa (Balagtas ngayon), sa lalawigan ng Bulacan noong Abril 2, 1788. Bunso siya sa apat na anak nina Juan Baltazar, isang panday at Juana dela Cruz, isang maybahay.

Labing-isang taon si Kiko o Kikong Balagtas (palayaw ni Francisco) nang iluwas sa Tondo, Maynila. Namasukan bilang utusan kay Donya Trining, isang mayaman at malayong kamag-anak. Kinatutuwaan siya ni Donya Trining dahil sa kasipagan at mabuting paglilingkod kaya pinag-aral siya sa Colegio de San Juan de Letran at Colegio de San Jose. Taong 1812 nang matapos siya sa pag-aaral ng Batas sa Canones, Gramatica Castilla, Gramatica Latin, Pisika, Doctrina Cristiana, Humanidades, Teologia at Pilosopia sa edad na 24. Naging guro niya si Padre Mariano Pilapil sa Pilosopiya sa nasabing kolehiyo.

Si Francisco Baltazar ay tinaguriang "Prinsipe ng mga Manunulang Pilipino".


Buhay bilang manunulat
Natuto siyang sumulat at bumigkas ng tula kay Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) na kinikilalang pinakabantog na makata sa Tondo. Si Jose dela Cruz ay isa ring nagsilbing hamon kay Kiko para higit na pagbutihin ang pagsulat ng tula. Anupa't kinalaunan ay higit na dinakila si Kiko sa larangan na panulaan.

Taong 1835 nang manirahan si Kiko sa Pandakan. Dito niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. Ang marilag na dalaga ang nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ang tinawag na "Selya" at tinaguriang MAR ni Balagtas sa kanyang tulang Florante at Laura.

Naging karibal ni Kiko si Mariano Kapule sa pangingibig kay Maria Asuncion Rivera. Nagwagi si Nanong Capule dahil sa paggamit ng kapangyarihan at salapi. Naipakulong niya si Kiko at sa loob ng piitan niya naisulat ang tulang pasalaysay na Florante at Laura.


Ang kanyang mga sinulat
Orosma at Zafira, Mahomet at Constanza, Almanzor y Rosalina, Clara Belmori, Abdol y Miserena, Auredato y Astrone, Bayaseto at Dorsalica, Rodolfo at Rosamunda, Nudo Gordiano ang ilan sa kanyang mga sinulat ayon sa Ingles at tagalog.


Huling mga araw
Nabilanggong muli si Kiko sa sumbong ng isang katulong na babae sa di umano'y pagputol ng buhok niya. Nakalaya siya noong 1860. Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng mga komedya, awit at korido nang siya ay lumaya. Namayapa siya sa piling ng kanyang asawa, Juana Tiambing at ang 11 niyang anak noong Pebrero 20, 1862 sa gulang na 74.



3 : 0 | 100% AC


Related Questions:

 
   Categories
    Arts & Entertainment
    Academic
    Business and Money
    Health
    Miscellaneous
    Reference
    Relationships and Beliefs
    Science and Mathematics
    Sports and Leisure
    Technology
 
 
   Bookmarking
        Digg This
        Del.icio.us
        Yahoo My Web
 
 
   Top Henyos
umibigatnabigo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
boyhenyo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
cklaighe
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
jperana
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
jac
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
 
 
 
 
   Most Viewed

Q: anu ang climate ng Zamboanga??

Q: ano ang pinakamaingay na hayop sa balat ng lupa??

Q: pili kayo sa dalawang teorya bigbang o 7 days of creation>...........?

Q: what do you called the virus of chickenpox?

Q: brilliant planet ?



 
Copyright ©2010 Pinoy Henyo. All Rights Reserved.