Soneto - ang tulang ito ay tungkol sa damdamin at kaisipan. Ito ay may 14 na
taludtod. Dito ay may mapupulot na aral ang mambabasa. Ang halimbawa ng
soneto ay ang Sonnet on Worker's Rights ni Amado M. Yuson na isinalin sa
wikang Filipino ni Joey A. Arrogante. Ito ay pinamagatang Soneto sa mga Karapatan ng Manggagawa.
--------------------------------------
Soneto ng Buhay
Sa balabang niyog, aking namamalas
Ang palabang buwang lumantad-sumilip
Sa abot-tanaw ko'y sultanang liwanag
Na napapaasam sa aking pag-ibig¦
Sa lunday na puting kabigin-itulak
Pati paningin ko'y naglalakbay langit
Aling puso kaya ang di-mangangarap
Kung ang kalikasa'y isang panaginip
Umigpa sa aking manlulumong diwa
Ang mga anino niring panimdim
Ang dalitang iwi'y nalimot na kusa
Madaling araw na, nang ako'y gumising
Pangarap! Pangarap! Pangaraping buhay!
Kaambil: ligaya; katapat; libingan!
muli, inaasam-asam ko
ang pagkakataon
gaya no'ng minsan
isang maaliwalas na hapon
sa may dalampasigan
dahan-dahang huminahon
ang iyong kalooban
tulad ng mga alon
at ako na nasa iyong tabi
ay tila anak ng dagat
na nakasisid ng perlas
nang ika'y mangusap.
Oda sa mga Ordinaryong Araw (Kay Karen Empeno)
NI PHILIP ANORICO*
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VII, No. 20, June 24-30, 2007
Lagi akong nagbabakasakali
Baka ikaw ang nakatabi ko sa bookstore,
Nakasiksikan sa jeep,
O nakasalubong sa overpass.
Lagi, dinadalaw mo ako
Sa mga ordinaryong araw
na katulad nito.
Kapag nakakakita ako
Ng nakatalikod na babaeng maliit,
Lampas-batok ang buhok,
Balingkinitan ang katawan,
Hinihintay kong humarap siya
Sa pag-aakala at pag-asang
Ikaw na nga iyon.
Sa mga ordinaryong araw
Na katulad nito
Lagi, dinadalaw mo ako.
At nang manghiram ako
Ng aklat sa UP Main library
Nagitla ako namng mabasa sa borrower's card
Ang pangalan mo -
Karen Empeno.
Katulad nito
Lagi, dinadalaw mo ako
Sa mga ordinaryong araw.
Leron, leron sinta
Buko ng papaya,
Dala-dala�y buslo,
Sisidlan ng sinta,
Pagdating sa dulo�y
Nabali ang sanga
Kapos kapalaran,
Humanap ng iba.
Gumising ka, Neneng,
Tayo�y manampalok,
Dalhin mo ang buslong
Sisidlan ng hinog.
Pagdating sa dulo�y
Lalamba-lambayog,
Kumapit ka, Neneng,
Baka ka mahulog.
Ako�y ibigin mo�t
Lalaking matapang,
Ang baril ko�y pito,
Ang sundang ko�y siyam.
Ang lalakarin ko�y
Parte ng dinulang
Isang pinggang pansit
Ang aking kalaban.
Dalagang Pilipina
Ang dalagang Pilipina,
Parang tala sa umaga,
Kung tanawin ay nakaliligaya,
May ningning na tangi at dakilang ganda.
Maging sa ugali,
Maging sa kumilios
Mayumi, mahinhin, mabini ang lahat ng ayos;
Malinis ang puso, maging sa pag-irog
May tibay at tinig ang loob.
Bulaklak na tanging marilag,
Ang bango ay humahalimuyak;
Sa mundo�y dakilang panghiyas,
Pang-aliw sa pusong may hirap;
Batis ng ligaya at galak,
Hantungan ng madlang pangarap;
Iyan ang dalagang Pilipina,
Karapat-dapat sa isang tunay na pagsinta
Sit-si-rit-sit
Sit-si-rit-sit, alibambang,
Salaginto�t salagubang,
Ang babae, sa lansangan,
Kung gumiri�y parang tandang.
Santo Ninyo sa Pandakan,
Putoseko sa tindahan,
Kung ayaw kang magpautang
Uubusin ka ng langgam.
Mama, mamang namamangka,
Pasakayin yaring bata,
Pagdating mo sa Maynila,
Ipagpalit ng kutsinta.