ANG KABATAAN: GABAY NI LOLO AT NI LOLA
ni: Lamberto M. Gabriel
"Isa, dalawa, talo.. mag-aapat na linggo na pala rito sa bahay sina Lolo at Lola. Kaya naman wala akong ikinikilos na tama, lagi na lamang mali. Mabuti pa noong wala sila rito. Aba, minsan ba naman, nabambo pa ako ng walis-tambo,at ang sabi pa, 'Ang damuhong ito't pa-ots-ots pa. Kukurutin kita sa singit, tingmnan ko't aray rin naman ang isasahot mo.' At si Bonifacio, este ang Lolo ko pala, wala nang ibinandila kundi ang kanyang itak. At siyempre, ang kasunod ay sermong pahkahabahabA.
Pero noong minsan naman, panay ang haplos at halik nila sa akin at may pagmamayabanag pang sinabi ni Lolo, "Ang apo ko, pagkagwapu-gwapo. Manang-mana sa kanyang Lolo. aBA, E, WALANG SINABI SI rOGELIO dela Rosa o Leopoldo Salcedo."
Bata pa ako noon... at walang araw na hindi ko sinisino ang aking sarili, na para bang walang alalahanin, pagkat walang dapat ikabahala. Karaniwa'y mahimbing pa akong dinaratnan ng tanghali. Sa gayon ako pinatigas ng mga pagsubok. At ngayon, pagkatigpal ng marami pang taon, hindi na ako ang dating may kulaba sa mata, tatakbo at patutugis pa sa aking Lolo at Lolang may tsinelas on patpat na iwinawasiwas. Ang kamusmusan ko ay tila ulap na napawi sa busilak na langit, nagsimulang kumislot and diwa't damdamin kong minanhid ng kawalang-malay.
Kaya ako, si Huwan, sa gulang na labinsyam ay puso sa pusong nakikipagtalastasan sa inyo.Hindi masamang dakilain natin ang mga nilikhang naging bahagi rin ng ating pagkatao - ang mga magulang ng ating magulang - si Lolo at Lola - sa daigdig ng ating tahanan.
Mga kaibigan, tayo'y nilalang ng Maykapal upang kumilala, maglingkod at magmahal sa kanila. Tayo na nagkalapad na maging tao, may angking lakas at katangian, ang kanilang gabay sa katandaan. Nalalaman nating dapat ipagpasalamat ang kanilang pagpapakasakit na ginawa sa ating mga magulang. Sa pamamagitan ng pusong nakadarama,lumilingap at tumitibok, sana'y maipagkaloob ko sa kanila ang tampk na hiyas ng aking talino at kakayahan bilang pagtanaw ng utang na loob.
Nakakalungkot nga lamang isipin ang katotohanang may mga taong dahil lamang sa karunungan at kapangyarihan ay nakalimot na sa mga katungkulang tumupoad sa papel na laan para sa kanila. Kahabg-habag ang mga maralita at kulang-palad na walang hangad na magpahalaga sa mga taong halos karugtong ng kanilang hininga. Mga anak silang nagpapalagay na pabigat lamang at alalahanin ang mga Lolo at lola,at di nila pakikinabangan pa.Hindi nila inaaligatang bukas-makalawa ay mga magulang o mga ninuno rin sila sa pagtanda at mauuwi rin sa ganoong kalagayan.
Kung gayon, paano natin masasabi na ang kabataan ang gabay ni lolo at lola?Kung tayo ba'y mayaman na?A,ang maging ulirang apo o anak ay mahirap; ngunit sa pagiging uliran lamang napagaganda ang wari'y natitigang na mukha ng ating mga lolo at lola, spagkat kung ano tayo ngayon ay sa kanila rin natin utang nang buong-buo. Hindi ba't kasindami rin ng kanilang pagtitiis ang pag-aaruga sa atin?Hindi ba't kasindami rin ng kanilang mga luha ang mga dalanging iniuukol nila sa Diyos upang tayo ay magtagumpay?At dahil sa mga paghihirap na kanilang tiniis ay maaaring pinapangit silang dati'y magaganda sa ating mga paningin bilang mga supling na nag-alay ng mga malasakit at damdamin, ng pagtataguyod at kalinga sa kanilang pagtanda.
Sinasabing kung tataluntunin natin ang landas patungo sa katuparan ng ating mithiin at tayo'y marunong tumanaw ng utang na loob,pihog mayroon tayong mararating,tiyak na mayroon tayong makakamit,tiyak na mayroon tayong mapapala.Samakatwid,kina Lolo at lolanagsimulaang ating pagsulong at pag-unlad na maaaring tamasahin ng ating bayan at mamamayan upang tayo'y makiisa sa lipunang makabayan,makatao at maka-Diyos patungo sa pagkakaroon ng isang magandang Pilipinas.
At katulad ng mga kalikasang nilalang ng Diyos, tayo'y mga taong kung makatutupad ng ating mga banal at dakilang hangarin dito sa lupa, ay malugod na makapagsusulit sa Kaniya at makapagsasabing, "Ama ko, naririto akong Iyong anak...isang ganap na tagumpay pagkat ako po'y natutong kumilala,maglingkod at magmahal sa Iyo,Panginoon, sa pamamagitan ng aking mga mahal sa buhay..."
|