Open Question |
|
|
pahinge man po ako ng mga halimbawa ng alamat-3.,kwento-2.,parabula-2.,awiting bayan-2.,sawikain-10.,sanaysay-3.,nobela-1.,palaisipan-15.,dula-2.,asap?
Answered Question - 28291 views
|
 |
|
|
|
|
|
| Answers:
|
 |
|
|
ALAMAT NG LANSONES
Tumunog ang kampana sa munting Kapilya ng isang nayon sa bayan ng Paete, lalawigan ng Laguna. Napabalikwas si Manuel at masuyong ginising ang nahihimbing na kabiyak. "Gising na Edna, at tayo'y mahuhuli sa misa." Marahang nagmulat ng mga mata ang babae, kumurap-kurap at nang mabalingan ng tingin ang asawa ay napangiti.
Mabilis na gumayak ang mag-asawa upang magsimba sa misang minsan sa isang buwan idinaraos sa kanilang nayon ng kura paroko ng bayan. Hindi nagtagal at ang mag-asawa ay kasama na sa pulutong ng mga taga-nayong patungo sa Kapilya. Magkatabing lumuhod sa isang sulok ang magkabiyak at taimtim na nananalangin. "Diyos ko," and marahang panalangin ni Edna, "Patnubayan mo po kami sa aming pamumuhay, nawa's huwag magbago ang pagmamahal sa akin ni Manuel." Si Manuel naman ay taimtim ding dumadalangin sa kaligtasan ng asawa, na alam niyang nagtataglay sa sinapupunan ng unang binhi ng kanilang pag-iibigan.
Nang matapos ang misa ay magiliw na inakay ni Manuel ang kabiyak at sila'y lumakad na pauwi sa kanilang tahanan. Sa kanilang marahang paglalakad ay biglang napahinto si Edna.
"Naku! kay gandang mga bunga niyon," ang wika kay Manuel sabay turo sa puno ng lansones na hitik na hitik sa bunga. "Gusto ko niyon, ikuha mo ako," ani Ednang halos matulo ang laway sa pananabik. Napakurap-kurap si Manuel. Hindi niya malaman ang gagawin. Alam niyang ang lansones ay lason at hindi maaring kainin ngunit batid din naman niyang nagdadalang-tao ang asawa at hindi dapat biguin sa pagkaing hinihiling. Sa pagkakatigagal ng lalaki ay marahan siyang kinalabit ni Edna at muling sumamong ikuha siya ng mga bunga ng lansones.
"Iyan ay lason kaya't hindi ko maibibigay sa iyo." Pagkarinig ni Edna sa wika ng asawa ay pumatak ang luha. Sunod-sunod na hikbi ang pumulas sa kanyang mga labi. Parang ginugutay ang dibdib ni Manuel sa malaking habag sa asawa ngunit tinigasan niya ang kanyang loob.
Masuyong inakbayan ni Manuel ang asawa at marahang nangusap. "Huwag na iyan ang hilingin mo, alam mo namang iya'y lason. Hayaan mo at pagdating natin sa bahay ay pipitas ako sa duluhan ng mga manggang manibalang."
Walang imikan nilang tinalunton ang landas patungo sa kanilang tahanan. Ang maaliwalas na langit ng kanilang pag-iibigan ay biglang sinaputan ng ulap. Ni hindi sinulyapan ni Edna ang mga manggang manibalang na pitas ni Manuel sa kanilang duluhan. Ang babae'y laging nagkukulong sa silid, ayaw tumikim man lamang ng pagkain at ayaw tapunan ng tingin ang pinagtatampuhang asawa.
Hindi nagtagal ang babae'y naratay sa banig ng karamdaman. Hindi malaman ni Manuel ang gagawin sa kalunoslunos na kalagayan ng asawa."Edna, ano ba ang dinaramdam mo?" lipos na pag-aalalang wika ni Manuel habang buong pagsuyong hinahaplos ang noo ng maysakit.
Marahang iling lamang ang itinugon ng nakaratay at dalawang butil ng luha ang nag-uunahang gumulong sa pisngi. Balisang nagpalakad-lakad si Manuel sa tabi ng maysakit. Hindi niya matagalang tignan ang payat na kaanyuan ngayon na kaibang-kakaiba sa dating Ednang sinuyo niya't minahal. Wala na ngayon ang namumurok na pisngi, ang dating mapupungay na mga mata'y malalamlam, wala na ang ningning ng kaligayahan, maputla ang dati'y mapupulang mga labi at mistulang larawan ng kamatayan.
Nang hindi na niya makaya ang damdaming lumulukob sa kanyang pagkatao ay mabilis na nagpasiya. Kukunin niya ang mga bunga ng lansones. Ang bunga ng kamatayang pinakamimithi ng kanyang asawa. Sa wakas ay isinuko rin niya ang katigasan ng kanyang loob, dahil sa matinding abag sa kabiyak.
Nanaog siya at tinungo ang puno ng lansones. Nanginginig ang kamay na pinitas ang isang kumpol ng bunga ng kamatayan.
"Diyos ko, tulungan mo po kami, pinakamamahal ko ang aking asawa at wala nang halaga sa akin ang buhay kung siya'y mawawala pa sa aking piling," nangangatagal ang mga labing marahan niyang naiusal kasabay ng mariing pagpikit ng mga mata. Sunod-sunod na patak ng luha ang nalaglag sa pagkagunitang ang bungang iyon ang tatapos sa lahat ng kanilang kaligayahan.
Sa pagmumulat niya ng paningin siya'y nabigla. Anong laking himala! May nabuong liwanag sa kanyang harapan at gayon na lamang ang kanyang panggigilalas noong iyon ay maging isang napakagandang babaing binusilak sa kaputian. Humalimuyak ang bangong sa tanang buhay niya ay noon lamang niyang masamyo. Sa tinig na waring isang anghel ay marahang nangungusap ang babae. "Anak ko, kainin mo ang bungang iyong hawak."
Nagbantulot sumunod si Manuel sapagkat alam niyang ang bungang iyon ay lason. Sa nakitang pagaalinlangan ni Manuel ay muling nangusap ang babaeng nakaputi. "Huwag kang matakot, kainin mo ang bungang iyong hawak." Pagkasabi noo'y kumuha ng isang bunga sa hawak na kumpol ni Manuel at ito'y marahang pinisil.
Mawala ang takot ni Manuel at mabilis na tinalupan ang isang bunga ng lansones. Anong sarap at anong tamis! Nang ibaling niya ang paningin sa babaeng nakaputi ay nawala na ito. Biglang naglaho at saan man niya igala ang kanyang mata ay hindi makita. "Salamat po, Diyos ko!" ang nabikas ni Manuel. Biglang sumigla ang katawanni Manuel at hindi magkandatutong pinitas ang lahat ng mga bungang makakaya niyang dalhin at nagdudumaling umuwi sa naghihintay na asawa. |
0  :  0 | 0% AC
|
|
 |
|
|
ALAMAT NG MACOPA
Noong mga unang taon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sinasabing tahimik at maligayang namumuhay ang mga tao sa isang nayon sa Kailokohan. Madaling naihasik ng mga Kastila ang Kritiyanismo sa nayong yaon sapagkat ang mga mamamayan at mababait at masunurin. Kilala rin sila sa kasipagan at pagkamadasalin.
Ganyan na lamang ang pagmamahal at pag-iingat ng mga tao roon sa gintong kampana sapagkat nananalig silang sa kampanang yaon nakasalalay ang takbo ng kanilang pamumuhay. Nagsisilbi yaong inspirasyon nila sa buhay. Lalo silang nagsisikap na mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
Ang kampanang ginto ay naging sagrado at napakahalaga sa mga mamamayan, naging laging usap-usapan hanggang mabalitaan ng masasamang loob sa isang malayong pook. Nais din nila ang kasaganaan, kaya't hinangad nilang mapasakanila ang kampana. Lihim silang bumalangkas ng kaparaanan. Nalaman nilang sa itaas ng simbahan nakalagay ang kampana. Isang gabing madilim ay nagsipaghanda sila at sandatahang tinungo ang pook ng simbahan. Mangyari na ang mangyari, pilit nilang kukunin ang kampana.
Sa kabutihang-palad, may nakapagbalita naman sa mga pari sa napipintong panloloob sa simbahan. Nalaman nilang ang kampana ay nanakawin kaya't buong ingat nila iton ibinaba at lihim na ibinaon. Ipagsasanggalang nila ito anuman ang kanilang sapitin!
Nang dumating ang masasamang loob ay hindi na nila nakita ang kampanang ginto. Laking galit nila! Dahil sa pagkabigo, pinagpapatay nilang lahat ang nasa simbahan sapagkat ayaw magtapat sa kinaroroonan ng kampana.
Anong lungkot sa taong bayan kinabukasan! Patay lahat ang mga tao sa simbahan - ang mga pari, sakristan at ilang mga tauhan ! Wala ang kampana at walang nakakaalam kung saan ito naroroon.
Inasikaso ng taong bayan ang mga bangkay ng nasawi at inilibing ang mga iyon nang buong dangal.
Mula noon, ang tagingting ng kampana ay hindi na narinig sa nayong naturan. Nalungkot na ang mga tao at nawalan na sila ng sigla at pag-asa. Tinamad na rin sila at natuyo ang kanilang pananim. Umunti na ng umunti ang kanilang ani at mga alagang hayop.
Lumipas ang maraming taon at ang tungkol sa kampana ay nalimot na ng mga tao. Nangamatay na ang matatandang nakakaalam sa kasaysayan ng kampanang ginto at ang mga kabataan nama'y wala nang nalalaman tungkol doon.
Sa loob ng bakuran ng simbahan ay may tumubong isang punong di pa kilala ng mga tao. Ito'y nagbunga ng hugis kampana, makikislap na pula ang labas at maputing parang bulak ang laman. Sapagkat nasa bakuran ng simbahan, ang mga bunga'y sa gintong kopa sa simbahan naihambing ng mga tao.
"Parang kopa!" ang sabi ng ilan.
"Maraming kopa!" ang bulalas naman ng marami.
Simula noon, kung tawagin ng mga tao ang pook simbahan ay sinasabing, :Doon sa maraming kopa, doon sa makopa."
Nang matagalan, ang puno ay nakilala na sa tawag na makopa.
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
 |
|
|
ALAMAT NG PINYA
Matamis at masarap ang nasabing prutas lalo na kapag katamtaman ang pagkahinog. Maraming nagsasabi na ito raw ay magaling na pantunaw lalo na kapag bagong kain tayo. Kung bakit maraming mga mata at kung bakit pinya ang tawag sa kanya ay malalaman nating sa ating alamat.
Sa isang malayong pook ng lalawigan don nakatira ang mag-inang si Aling Osang at si Pina na kaisa-isang anak. Palibhasa bugtong na anak, hindi ito pinagagawa ng ina at sa halip siya ang nagtatrabaho ng lahat ng gawaing bahay. Ang katuwiran ng ina ay "maliit pa naman si Pina." Marahil ay paglumaki na ay gagawa rin siya. Kung kaya ang gawain ni Pina ay maglaro, maligo, magbihis at matulog. Si Pina ay lumaki sa layaw dahil na rin kay Aling Osang.
Nais na sana ng ina na turuan ang anak na gumawa, ngunit naging ugali na nito ang katamaran. Kaya sa malimit na pangyayari, hindi na mautusan ng ina ang anak, palibhasa'y ina kaya matiisin. Kung ayaw magtrabaho ng anak, siya na ang gumagawa.
Hanggang isang araw si Aling Osang ay nagkasakit at halos na nakahiga na lamang. "Naku! ang nanay ko, bakit ka nagkasakit?" ang tanong ni Pina. "Ewan ko nga ba," ang wika ng ina, sabay utos na kung puwedeng ipaglugay nito ang nanay. Sinunod naman nito ang utos ng ina at sa ilang saglit ay inihain na ito ni Pina, ngunit mamait-mait sapagkat ito'y sunog. Ganun pa man ay natuwa na rin ang ina pagkat kahit papaano siya'y napagsilbihan ng anak.
Tumagal ang sakit ni Aling Osang ngunit nagrereklamo na si Pina na pagod na raw ito sa paglilingkod sa ina.
Isang umaga, si Pina'y nagluto at maghahain na lamang ito ngunit hindi makita ang sandok. "Saan kaya naroroon ang sandok?" ang sambit nito.
"Hanapin mo, naririyan lamang yan," ang sagot ng ina.
"Kanina pa nga ako hanap ng hanap eh ! Talagang wala!" ang muling sabi ng anak.
"Bakit ba hindi ka na lang magkaroon ng maraming mata ng makita mo ang hinahanap mo! ito talagang anak ko, walang katiyaga-tiyaga," ang sabi naman ng ina.
"Marami naman kayong sinisermon pa" ang wika ng anak sabay panaog. Marahil ay hahanapin niya ang sandok sa silong at baka nahulog.
Lumipas ang mga oras ngunit hindi na nakabalik si Pina sa itaas. Nawala siya na parang bula na naglaho at walang nakakita sa kanya kahit kapitbahay. Ilang araw ang nakaraan sa tulong at awa ay gumaling na si Aling Osang. Hinanap ng ina ang anak ngunit talagang hindi na nakita.
Isang araw, sa may bakuran ay mataman na nagwalis si Aling Osang. Laking gulat niya ng makita nito ang tumubong halaman sa malapit sa kanilang tarangkahan. Dinilig niya ito at inalagaan araw-araw. Di nagtagal at nagkaroon ng bunga. Napansin niya ito at tila maraming mata. tuloy naalala nito ang sinabi niya sa kanyang anak. At bigla na lang nawala ang kanyang maal na anak ng mga sandaling iyon.
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
 |
|
|
KWENTO:
Ina, Ina Bakit Ninyo Ako Ginawa?
ni Mark Anthony V. Obsioma
Ina, ina, bakit mo ako ginawa?... Ito ang tanong ni Michael, isang walong taong gulang na batang lalaking lansangan sa kanyang ina. Ina bakit ninyo ako ginawa?
Ina bakit ninyo ako ginawa? Umiiyak-iyak si Michael nang aking ininterbyu noong Miyerkules ng hapon tungkol sa kanyang buhay kung bakit siya isang palaboy. Dapat sana ay nasa paaralan siya sa mga oras na iyon.
Ina bakit ninyo ako ginawa? Bakit ninyo ako pinapabayaan? Hindi ninyo ba ako mahal?
Nasaan na kayo ni itay?
Si Michael ay isang palaboy. Madalas siyang makikita sa labas ng MSU-IIT na nakikipagtakbuhan sa mga kapwa palaboy at minsan sa mga mag-aaral ng nasabing unibersidad sapagkat hinihipo-hipo niya ang mga babaeng mag-aaral kapag hindi ito nagbigay ng pera. Akala mo'y nakikipaglaro siya sa mga mag-aaral sapagkat may dalang tawa at ngiti kapag siya'y hinahabol. Ikaw'y magtataka kung kilala ba ng mga babaing ito ang batang si Michael. Minsan din ay kalaro niya ang mga kapwa bata na tila'y walang problema sa buhay. Mga batang musmos na dapat ay nasa paaralan nagbabasa at nag-aaral para sa kanilang kinabukasan.
Iniwan si Michael ng kanyang ina at ang lola at lolo na lang ang nag-aalaga sa kanya. Ang kanyang ina ay sinasabing nag-aabroad bilang domestic helper ngunit hindi na ito nakabalik sa kanilang bahay. Ang ama naman niya ay iniwan sila ng kanyang ina noong nalaman buntis ito at hindi na nagpakita. Kaya tanong ni Michael, Ina bakit ninyo ako ginawa?
Ina bakit ninyo ako ginawa? Minsan tanong ng bata kung mahal ba nila siya. Sa mga oras na siya'y ginawa ay naisip ba nila ang hirap na kanilang papasukin. Mula sa mga ngiti at sarap, naisip man lang ba nila kung gaano ito ka sarap ay siya ring kahirap kapag siya'y lumabas na? Napag-usaupan ba nila ang magiging kinabukasan ng batang naghahanap ng aruga ng isang ama't ina? Mga tanong ng isang bata na nandiyan lamang sa kanyang isipan at sa kanyang pusong sugatan.
Paano na lang ang sinabi ni Rizal na "Ang Kabataan ang pag-asa ng bayan" kung patuloy at mayroong mga magulang na pinababayaan ang kanilang mga anak. Ano na lang ang magiging kinabukasan ng mga batang walang kasalan at nadamay lamang sa mga hangal na magulang. Kung hindi man lang magagawa ng mga magulang ang kanilang tungkulin para sa kanilang mga anak, ang mabuti siguro'y huwag ninyo na lang buhayin ang inyong magiging anak . Dahil mahirap ang kanilang sitwasyon at mahirap na lumaki na walang mga magulang na mas masakit pa sa isang hiniwang bawang.
Ina, bakit ninyo ako ginawa?
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
 |
|
|
SINE-SINE LANG
Sine-Sine Lang
ni MARK ANTHONY V. OBSIOMA
Wanted: Trabaho!
"Uyy? Ano 'to, trabaho" Talaga namang sinuswerte ka ah? hehe?
Iyan si Mark ang taong palaging naghahanap ng trabaho. Talagang masipag si Mark ? sa paghahanap ng trabaho. Hindi siya namimili ng trabaho kasi para sa kanya ay ang pagkakaroon ng trabaho ay makakatulong sa kanya sa pagpaparami ng mga karanasang trabaho. Ang ilan sa mga trabahong napasukan na niya ay ang pagiging isang waiter sa sikat na Japanese restawrant, iyon ang gusto niya subalit naging janitor lamang siya dahil sa nakabasag siya ng isang mamahaling gamit, kaya na demote. Naging isang clerk rin siya sa opisina ? subalit napagbintangan siya na nagnakaw sa isang mamahaling vase sa opisina ng Institute Librarian sa isang sikat na unibersidad sa Iligan. Namasukan rin siya bilang isang manager sa isang manokan na restawrant pero naging isang taga-ihaw lamang siya dahil sa ninakaw ang ilang mga bote ng softdrinks kaya na demote na naman. Kaya talagang hindi namimili si Mark sa kung anong trabaho dahil kahit anong trabaho, malaki man o maliit ang sweldo basta ito?y mabuti at hindi galing sa masama ay marangal na iyon. Iyan si Mark ang masipag at hindi namimili ng trabaho.
Isa lamang si Mark sa ilang milyong Pilipino na naghahanap ng trabaho.
Isang umaga habang papunta n asana siya sa kanyang trabaho bilang isang supervisor sa isang malaking kompanya sa Cagayan de Oro, itago na lang natin ito sa pangalang Nesley.
?Prrrtttt!!..? sabi ng gwardya.
?Ano na naman ang problema mo gard? I.D lang ba. Nakita mo ?to? I.D. ko yan? MARK ANTHONY V. OBSIOMA ? gusto mo pa e-espel ko? MA-A-RA-KA-A-NA-TA-HA-O-NA-YA-VA-I-BA-SA-I-O-MA-A . Alam mo ba 'yon? Alfabetong Pilipino 'yon. Huh!" Buong pagmamalaki ni Mark sa gwardya.
"Alam ko 'yon, ulol! Nakita mo 'to? Di ba ikaw yan? Bawal ka ng pumasok sa kompanyang ito. Dahil sa ginawa mo sa president ng kompanya."
Hindi na pinapasok si Mark sa kompanyang Nesley. Sapagkat hindi niya alam na ang taong pinagtitripan niya ang ang presidente ng kompanyang Nesley. Kaya mula sa opisina ay naglakad ito papuntang syudad. Sa kakalakad niya ay nakita niya ang karatulang: WANTED: TRABAHO!
Agad-agad niyang hinanap ang address na nakalagay sa karatula. Pinuntahan niya ang address hanggang sa nakita rin niya ang parehong karatula at siya'y pumasok.
"Ah eh, gard, gusto ko sanang mag apply."
"Ah ganun ba? Ok, magbabayad ka muna para makapasok."
"Magkano naman?"
"60 pesos"
"Ha? Ang mahal mahal naman. Hindi naman ako pumunta rito para magbayad. Pumunta ako rito para mag apply."
"Oo, nga. Kaya magbayad ka muna." Sabi ng gwardya.
"Pambihirang buhay to oh."
Pumasok na si Mark sa loob ng establisamento. Ngunit panay ang sigaw niya dahil sa madilim ang lugar. Buong akala niya ay ang trabahong naghihintay sa kanya ay isang taga-ayos sa mga sirang bombilya o iyong electrician. Kaya proud na proud si Mark dahil ito'y pinag-aralan niya ng anim na buwan sa Mesda bilang bokasyunal na kurso. May nakita siyang mga taong nasa madilim na lugar habang may kasamang mga kapwa lalaki. Marami at ang iba'y tig-iisa.
Pumasok si Mark at buong akala'y isang electrician, isa lang palang tig-ooperate ng pelikula sa isang sinehan na puro bold ang palabas.
Haha! Kapag galing sa mabuting trabaho kahit malaki o maliit ang sweldo, ito?y marangal at dapat ipagmalaki.
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
 |
|
|
Leron, Leron, Sinta
Leron, leron sinta
Buko ng papaya,
Dala-dala'y buslo,
Sisidlan ng sinta,
Pagdating sa dulo'y
Nabali ang sanga
Kapos kapalaran,
Humanap ng iba.
Gumising ka, Neneng,
Tayo'y manampalok,
Dalhin mo ang buslong
Sisidlan ng hinog.
Pagdating sa dulo'y
Lalamba-lambayog,
Kumapit ka, Neneng,
Baka ka mahulog.
Ako'y ibigin mo't
Lalaking matapang,
Ang baril ko'y pito,
Ang sundang ko'y siyam.
Ang lalakarin ko?y
Parte ng dinulang
Isang pinggang pansit
Ang aking kalaban.
Dalagang Pilipina
Ang dalagang Pilipina,
Parang tala sa umaga,
Kung tanawin ay nakaliligaya,
May ningning na tangi at dakilang ganda.
Maging sa ugali,
Maging sa kumilios
Mayumi, mahinhin, mabini ang lahat ng ayos;
Malinis ang puso, maging sa pag-irog
May tibay at tinig ang loob.
Bulaklak na tanging marilag,
Ang bango ay humahalimuyak;
Sa mundo'y dakilang panghiyas,
Pang-aliw sa pusong may hirap;
Batis ng ligaya at galak,
Hantungan ng madlang pangarap;
Iyan ang dalagang Pilipina,
Karapat-dapat sa isang tunay na pagsinta
Sit-si-rit-sit
Sit-si-rit-sit, alibambang,
Salaginto?t salagubang,
Ang babae, sa lansangan,
Kung gumiri?y parang tandang.
Santo Ninyo sa Pandakan,
Putoseko sa tindahan,
Kung ayaw kang magpautang
Uubusin ka ng langgam.
Mama, mamang namamangka,
Pasakayin yaring bata,
Pagdating mo sa Maynila,
Ipagpalit ng kutsinta.
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
 |
|
|
PARABULA
Ang Pulubi
Minsan may dalawang pulubi na nasa lansangan na namamalimos ng barya sa mga nagdaraan.
Isang gabi, sila'y ginising mula sa pagkakahimbing ng isang nakasisilaw na liwanag. At mula sa liwanag na iyon ay may namataan silang isang pambihirang nilalang.
Maganda ang damit at gawa sa mamahaling bato ang kasuotan nito. Natuwa and dalawang pulubi.
"Ito na marahil ang hari ang mga hari," ang sabi ng isa. "Tama! Pagkakalooban niya tayo ng kayamanan, at hindi na uli tayo kailangan pang mamalimos!"
Lumapit nga sa kanila ang hari at sila'y kinausap. "Ano ang maaari ninyong ihandog sa akin?" ang tanong nito. Nagtaka and isang pulubi. Bakit sila pa ang magbibigay? Ang naisaloob niya.
Samantalang ang ikalawang pulubi ay nagmamadaling nagbukas ng kanyang sako at kumuha ng pinakamalaking piraso ng tinapay na mayroon siya. "Anong gagawin mo?" ang tanong ng naunang pulubi dito.
"Iaalay ko sa kanya ang pinakamalaki kong tinapay." "Nababaliw ka na ba? At papaano ka?" "Karapat-dapat lamang ipagkaloob sa hari ang nararapat para sa kanya at ito ang aking gagawin!"
Inalay nga ng pulubing yaon ang malaking piraso ng tinapay. "Ito lang po ang aking maipagkakaloob," ang sabi pa nito sa hari." Ngunit ito na po ang pinakamalaking bagay sa buhay ko. Nawa'y tanggapin ninyo." Tinanggap ng hari ang tinapay na alay ng pulubi.
Nang balingan nito ang isa pang pulubi ay nakita nitong nagkukumahog ng naghahagilap ang pulubing iyon sa paghahanap ng maipagkakaloob. Sa wakas, nakakita rin ito ng pinakamaliit na butil ng mais. Inalay nito sa hari ang naturang butyl ng mais. "Heto lang ang maaari kong ipagkaloob sa inyo," ang sabi pa nito. Iyon lang at tinanggap iyo ng hari. At bigla ngang naglaho ang liwanag at nawala na rin ang hari. Maya-maya'y may napansin ang isang pulubi sa buhat-buhat niyang sako. Animo bumigat iyon. Nang buksan niya iyon, laking gulat niya sa nakita! Sa loob ng sako ay may nakalagay na ginto! Isang malaking piraso ng ginto na 'sing laki ng tinapay na ipinagkaloob niya sa hari! Napalunok ang isa pang pulubi nang makita iyon. Nang bisitahin din niya ang kanyang sako, hindi siya nagulat nang makita niyang nakalagay na ginto doon. Gintong 'sing liit ng isang butyl ng mais na ipinagkaloob niya.
MENSAHE:
Kung ano ang itinanim, siyang aanihin. Kung ano ang ipinagkaloob natin sa Diyos ay siya rin nating tatanggapin.
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
 |
|
|
PARABULA
Ang Mabuting Samaritano
May isang taong nanlalakbay buhat sa Jerusalem patungong Jericho. Hinarang siya ng mga tulisan, kinuha pati damit sa katawan, binugbog at halos patay na nang iwan. Nagkataong dumaan doon ang isang saserdote at pagkakita sa taong nakahandusay, siya'y lumihs at nagpatuloy sa kanyang lakad. Dumaan din ang isang Levita, ngunit tiningnan lamang niya ito at nagpatuloy ng kanyamg lakad. Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doo. Nakita niya ang hinarang at siya nahabag. Lumapit siya, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat nito at tinalian. Saka isinakay ang tao sa kanyang sinasakyang hayop, dinala sa bahay-panuluyan, at inalagaan doon. Kinabukasan, dumukot siya ng dalawang denaryo, ibinigay sa may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi, "Alagaan mo siya, at kung magkano man ang kakulangan niyan, babayaran ko sa aking pagbabalik."
MENSAHE:
Sino nga ba abg tunay na nagmamahal sa kanyang kapwa? Ito ang katanungan sinagot ng Panginoong Hesus sa pamamagitan ng parabulang ito . At maliwanag ang kasagutan. Ang tunay na nagmamahal sa kanyang kapwa ay yaong gumagawa ng kabutihan ditto. Gumagawa ng kabutihan ngunit hindi umaasa ng anumang kapalit. Ipinakita rin sa parabulang ito na hindi basehan ng pagiging maka-Diyos ang relihiyon at anyo. Nasa gawa ang tunay na pananampalataya, at ang pinakamabisang paraan upang maipahiwatig ito ay sa pamamagitan ng pagmamahal mo sa iyomg kapwa.
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
 |
|
|
halimbawa ng parabula:
Damon at Pythias
Sina Damon at Pythias ay magkaibigang matalik. Sila'y nagmamahalan ng higit pa sa magkapatid. Minsan, may nagawa si Pythias na isang bagay na ikinagalit ng hari. Ang hari ng Roma ng mga panahong iyon ay isang malupit na hari. At wala itong kinikilalang katwiran. Ipinakulong nito so Pythias. Nagmakaawa si Damon sa malupit na hari, alang-alang sa kanyang sa kanyang kaibigan.
"Pakawalan n'yo na po siya," ang hiling niya. Ngunit matigas ang hari sa desisyon nito.
"Hindi ko siya pakakawalan. Sa katunayan, kamatayan ang dapat igawad sa kanya! Tama! Kamatayan nga!" Lalong nahabag si Damon para sa kanyang kaibigan ngunit ano nga ba ang kanyang magagawa?
"Mahal na hari," ang sabi na lang ni Pythias na noon di'y tanggap na ang kapalaran."Kung kamatayan man ang dapat igawad sa akin, malugod kong tatanggapin. Ngunit pahintulutan nyo po sana akong Makita ang aking mahal na asawa at mga anak bago ako mamatay." Nag-isip ang hari.
" Nasa malayong lugar ang iyong pamilya. Papaano ako makatitityak na kapag pinayagan kita'y muli kang magbabalik?" Noon nagsalita si Damon,
"Hayaan ninyong ako ang makulong kapalit ng aking kaibigan, hanggang sa siya'y makabalik."
"At kung hindi na siya magbalik?" ang tanong ng malupit na hari.
"Kung ganoo'y ako ang inyong patayin kapalit niya," tugon ni Damon. Natuwa ang malupit na hari sa pangyayari. Pinayagan nitong makaalis si Pythias para dalawin ang pamilya at ikinulong si Damon kapalit nito. Sa isip-isip ng hari, dito niya ngayon masusubukan ang magkaibigang ito.
Makalipas ang ilang Linggo, iyon na ang sukdulan ng panahong ipinagkaloob ng hari kay Pythias na magbalik ito. Ngunit hindi pa rin ito dumarating noong araw na iyon.
"Tuluyan ka nang pinabayaan ng kaibigan mo. Sinasabi ko na nga ba't hindi na siya magbabalik," ang sabi ng hari kay Damon.
"Naantala lang siya marahil. Ngunit alam kong siya'y magbabalik," tugon ni Damon.
"At paano ka nakatitiyak?" "Dahil si Pythias ay isang mabuti at matalik na kaibigan. Hindi niya ako hahayaang mapahamak." Natawa ang hari,
"Ang taas ng pananampalataya mo sa iyong kaibigan. Isa kang hangal! Kapag hindi nakabalik ang kaibigan mo hanngang sa paglubog ng araw, mamamatay ka kapalit ng buhay niya!" Dumating nga ang paglubog ng araw. Hindi pa rin dumating si Pythias. Tuwang-tuwa ang hari.
"Ngayo'y tanggapin mo ang kamatayan bunga ng pagtataksil ng iyong kaibigan!" ang sabi nito. Ngunit hanggang sa huling sandali; umaasa pa rin si Damon sa pagbabalik ni Pythias.
"Alam kong babalik siya�Babalik siya�" Itinaas na ng malupit na hari ang espada nito upang pugutan ng ulo sa sarili niyang kamay si Damon. Nang biglang may sumigaw sa bukana ng palasyo. "Huwag!" ang sabi nito. Napatingin si Damon sa pinagmulan ng sigaw at laking tuwa niya sa nakita. "Pythias!" "Narito na ako. Pakawalan n'yo na ang kaibigan ko," ang sabi ni Pythias sa hari. "Namatay ang aking kabayo habang ako'y naglalakbay pabalik kung kaya't ako'y naatagalan. Kinakailangan kong tumakbo patungo rito para lamang umabot sa kasunduan at mailigtas ang buhay ng aking kaibigan. Ngayong narito na alo, handa ko nang tanggapin ang aking kamatayan." Ngunit nagsalita agad si Damon, "Hindi. Hindi ka dapat mamatay Pythias. May pamilya ka. Asawang nagmamahal at mga anak na naghihintay sa iyo sa tahanan, samantalang ako'y wala. Ako na lang ank patayin ninyo kapalit ng aking kaibigan, mahal na hari!" Hindi makapaniwala ang malupit na hari sa nasaksihan. Hindi siya makapaniwalang may ganoong klase ng pagkakaibigan na handang ibuwis ang buhay para sa isa't isa. "Kung mayroon lang sana akong kaibigan na tulad ninyo, handa kong ipagpalit ang anumang kapangyarihan o karangyaan. Sige, lumaya kayong dalawa! Wala ni isa man sa inyo ang dapat mamatay." At masaya ngang lumaya sina Pythias at Damon.
MENSAHE:
Ang tunay na magkaibigan ay hindi nag-iiwanan. Ang tunay na kaibigan ay handang mag-alay ng kanyang buhay para sa kapakanan ng kanyang kaibigan. Katulad ng pagmamahal ni Hesus sa atin.
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
 |
|
|
Ang sawikain o idioma ay salita o grupo ng mga salitang patalinghaga ang gamit. Ito'y nagbibigay ng di tuwirang kahulugan.
mga halimbawa:
AHAS - taksil; traydor
Halimbawa:
Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay isa palang ahas.
ANAK-DALITA - Mahirap
Halimbawa:
Magsikap kang magaral kahit ikaw ay anak-dalita.
ALILANG-KANIN - utusang walang bayad, pakain lang; pabahay at pakain ngunit walang suweldo.
Halimbawa:
"Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong natin. Alam naman ninyo na siya ay alilang-kanin lang."
BALITANG-KUTSERO - balitang hindi totoo o hindi mapang-hahawakan.
Halimbawa:
Huwag kayong mag-alala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitang-kutsero.
BALIK-HARAP - mabuti ang pakikitungo sa harapan ngunit taksil sa likuran.
Halimbawa:
Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi magiging mabuting kaibigan.
BANTAY-SALAKAY - taong nagbabait-baitan
Halimbawa:
Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay.
DI MADAPUANG LANGAW - maganda ang bihis
Halimbawa:
Wow! Parang di madapuang langaw si Tirso sa suot nitong tuxedo.
DI MAKABASAG-PINGGAN - mahinhin
Halimbawa:
Sa tingin pa lang, tila di makabasag-pinggan ang kapatid ni Nestor na si Nena.
HAMPASLUPA - lagalag; busabos
Halimbawa:
Lagi kang laman ng lansangan, para kang hampaslupa.
HALIGI NG TAHANAN - ama
ILAW NG TAHANAN - ina
Halimbawa:
Ang ama, bilang haligi ng tahanan ay dapat nating igalang. Ang ina naman, na itinuturing na ilaw ng tahanan, ay dapat nating mahalin.
ISANG KAHIG, ISANG TUKA - kakarampot na kita na hindi makakasapat sa ibang pangangailangan.
Halimbawa:
Karamihan sa ating mga kababayan ay isang kahig, isang tuka ang kalagayan ng buhay.
ITAGA SA BATO - tandaan
Halimbawa:
Ang masasamang bagay na ginawa mo sa iyong kapwa, gaano man kaliit, ay muling babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga mo sa bato.
ITIM NA TUPA - masamang anak
Halimbawa:
Sa isang tahanan, may pagkakataong isa o dalawang anak ang nagiging itim na tupa.
KALAPATING MABABA ANG LIPAD - babaing nagbibili ng aliw; babaing puta.
Halimbawa:
Maraming kalapating mababa ang lipad ang nakatayo sa gilid ng sinehan ng Odeon sa Sta. Cruz, Manila.
KAKANING-ITIK - walang gaanong halaga; hindi maipagpaparangalan
Halimbawa:
Talagang mahirap ang walang pinag-aralan. Tumanda na sa pagtatrabaho ang anak ni Mang Julio ngunit kakaning-itik pa rin ang kinikita.
KAPIT-TUKO - Mahigpit ang hawak
Halimbawa:
Kapit-tuko ang sekretarya sa kanyang posisyon kahit na malulugi ang kompanya at malapit nang magsara.
LUHA NG BUWAYA - hindi totoong nagdadalamhati; pakitang taong pananangis.
Halimbawa:
Huwag kang maniwala sa kanyang pananangis sa kamatayan ng mayaman ngunit masakitin niyang bana. Iyan ay luha ng buwaya.
MAHANGIN ANG ULO - mayabang
Halimbawa:
Mula nang manalo sa Lotto ang dating hardinero ay naging mahangin ang ulo ng mga anak nitong lalaki.
MATALAS ANG ULO - matalino
Halimbawa:
Matalas ang ulo ni Cristina kaya nagtapos siya nang may karangalan: Valedictorian at Magna cum Laude.
MAHINA ANG LOOB - duwag
Halimbawa:
Ang taong mahina ang loob ay kailangang umiwas sa mga kaguluhan upang hindi manganib ang buhay.
MALAKAS ANG LOOB - matapang
Halimbawa:
Malakas ang loob nung pulis na lumaban at nakapatay ng apat na holdaper sa loob ng pampasaherong dyip.
MAKAPAL ANG BULSA - mapera
Halimbawa:
kilalang matagumpay na negosyante ang ama ni Renan kaya hindi nakapagtataka kung si Renan ay laging makapal ang bulsa.
MAKAPAL ANG PALAD - masipag
Halimbawa:
Makapal ang palad ni Eduardo kaya umunlad ang kanyang buhay. Isa ma siyang milyonaryo.
MAGDILANG-ANGHEL - magkatotoo sana
Halimbawa:
Hinahangad mong sana'y magwagi ako ng unang gantimpala, magdilang-anghel ka sana.
PAGPUTI NG UWAK - walang maaasahan; walang kahihinatnan
Halimbawa:
Singil ka nang singil kay Aling Greta. Babayaran ka niyan pagputi ng uwak.
PAG-IISANG DIBDIB - kasal
Halimbawa:
ang pag-iisang dibdib nina Adela at Conrado ay gaganapin sa Oktubre 18 sa darating na taon.
PUSONG-BAKAL - hindi marunong magpatawad
Halimbawa:
Ganyan ba ang sinasabi ninyong relihiyosa at maawain gayong may pusong-bakal naman at mapagtanim ng galit sa kapwa.
TINIK SA LALAMUNAN - hadlang sa layunin
Halimbawa:
Tinik sa lalamunan ang kanyang tiyuhin na lagi nang nakaayon sa kalabang pulitiko.
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
 |
|
|
Related Questions:
limang halimbawa ng mga nobela, alamat, maikling kuwento, dula, parabula, talambuhay, talumpati,anakdota,sanaysay, at pabulapatulong poh sa mga halimbawa ng dula,pabula,parabula,anekdota,sanaysay,balita,alamat....salamat poh ng marami.....
pahinge naman ng 4-sanaysay,2-dula,5-buod ng nobela,4-sabayang bigkas,3-balagtasan,4-talumpatipenge po ng copy ng 2 alamat,5 epiko,5 maikling kwento,5 kwentong bayan,5 talumpati,10, awiting bayan, 10 tula, 5 babala, 5 patalastas at 5 acrostics.bigyan nyu po ako ng mga kwento tungkol sa nobela.dula,sanaysay,epiko
halimbaw ng mga: anekdota,alamat,kwento,maikling katha,katham buhay,talambuhay,dula,sanaysay,liriko,oda,kurido,tuangpasalaysay,pastural,tulang padula,
|
|
|
|
|
|
|
 |
 |
 |
| |
Top Henyos |
 |
|
jac
Level: Henyo
Rating:

Offline |
 |
|
cklaighe
Level: Matalino
Rating:

Offline |
|
 |
|
|
 |
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|