Friday 12 March 2010 : 07:16:20 AM Welcome back Guest. Login | Register
Search keyword:
e,g."Philippine Independence"
Home Ask a Question My Profile Register
Home / Academic / Wika at Panitikan
Open Question
    
kate08
Level: Baguhan
Rating:

mga uri ng tayutay at mga halimbawa?

Answered Question - 25099 views

  Email this Question to a friend

Research your answer in the web
    Answers:
Ang Tayutay
Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang madaling maunawaan, mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag. Nakadaragdag ito sa kalinawan, kapamagitan at kagandahan ng isang katha, pasalita man o pasulat.

Ilang Uri ng Tayutay
1. Pagtutulad (simile) – isang payak at lantad na paghahambing at karaniwang ginagamitan ng mga salita’t pariralang: katulad ng, tulad ng, para ng, anaki’y, kawangis ng, gaya ng, kasing-, sing-, ga-, atbp.
Hal. Para ng halamang lumaki sa tubig,
Daho’y nalalanta munting di madilig
-Francisco Baltazar, Florante at Laura

2. Paghahalintulad (Analohiya) – isang uring tambalan ng pagtutulad. Ipinahahayag ng paghahalintulad ang pagkamagkatulad ng isang kaugnayan sa ibang kaugnayan.
Hal. Ang tingin ng bubuyog sa bulaklak ay katulad ng damdamin ng binata sa dalaga.

3. Pagwawangis (Metapora) – isang tuwirang paghahambing na di gumagamit ng mga salitang katulad ng at iba pa, ngunit nagpapahayag ng hambingan sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ng isang bagay na inihahambing.
Hal. Ang awa ng Panginoon ay aking kuta laban sa mga dalita ng buhay.

4. Pagtatao (Personipikasyon) – tinatawag din itong pagbibigay katauhan at personipikasyon. Pahayag ito na ang mga katangian, gawi at talinong sadyang angkin lamang ng tao ay isinasalin sa mga karaniwang bagay. Nagagawa ang pagsasalin sa paggamit ng pandiwa o pangngalan.
Hal. Lumuha ang langit nang pumanaw si Ninoy Aquino.

5. Pamamalabis (Eksaherasyon) – isang pagpapahayag na lampas sa mahinahong larawan ng katotohanan sa hangaring magbigay-diin sa katotohanang pinagmamalabisan.
Hal. Bumaha ang dugo sa awayan ng mga magsasaka.

6. Pagpapalit-tawag (Metonymy) – isang pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga bagay na magkakaugnay.
Hal. Ang anhel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol.

7. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche) – pagbanggit sa bahagi bilang katapay ng kabuuan, o ng kabuuan bilang katapat ng bahagi.
Hal. Ang panahong ito (Mayo) ay mabulaklak.

8. Panawagan (Apostrophe) – ginagawa rito ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman.
Hal. Diyos ko, iligtas po ninyo ang aming bayan sa masamang elemento.

9. Tanong Retorikal – hindi ito naghihintay ng kasagutan at hindi rin nagpapahayag ng pag-aalinlangan.
Hal. May magulang bang nagtakwil sa kanyang anak?

10. Pag-uyam – mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam.
Hal. Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napagolo naman ng bahay.

11. Talinghaga (Allegory) – isa itong salaysay ng mga kinathang pangyayari na ang hangarin ay magbigay-kahulugan sa nga mahahalagang katunayan. Ang talinghaga ay “salaysay” at kauri nito ang tinatawag na parabula (na ang karamihan ay galling kay Kristo). Isa ittong kinathang salaysay na may mga pangyayaring maaaring nangyari sa katutubong buhay ng tao, ngunit kinatha upang maglarawan ng isang aral hinggil sa kalinisan ng pamumuhay at mabuting pakikipagkapwa.
Hal. “Ang Mabuting Samaritano”
“Ang Alibughang Anak”



0 : 4 | 0% AC


Related Questions:

 
   Categories
    Arts & Entertainment
    Academic
    Business and Money
    Health
    Miscellaneous
    Reference
    Relationships and Beliefs
    Science and Mathematics
    Sports and Leisure
    Technology
 
 
   Bookmarking
        Digg This
        Del.icio.us
        Yahoo My Web
 
 
   Top Henyos
jperana
Level:
Rating:
Instant Message Offline
umibigatnabigo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
boyhenyo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
cklaighe
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
concepab
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
 
 
 
 
   Most Viewed

Q: ano ang kasaysayan ng retorika?

Q: kwento na ginagamitan ng teoryang queer?

Q: heuristic ?

Q: mga tayutay at halimbawa nito?

Q: ano ang wikang Filipino?



 
Copyright ©2010 Pinoy Henyo. All Rights Reserved.