Friday 30 July 2010 : 06:36:53 PM Welcome back Guest. Login | Register
Home Ask a Question My Profile Register
Home / Miscellaneous / Others
Open Question
    
safaircute
Level: Baguhan
Rating:

mga talmbuhay ng mga bayani
?

mga talambuhay ni:
Melchora Aquino
Benignio Aquino
Emilio Jacinto
Juan Luna
Apolinario
Mabini
Francisco Balagtas
Sultan Kudarat
Macario Sakay

Answered Question - 11362 views

  Email this Question to a friend

Research your answer in the web
    Answers:
Si Antonio Luna (Oktubre 29, 1866 - Hunyo 5, 1899) ang nakakabatang kapatid ni Juan Luna.

Ipinanganak siya sa Maynila noong ika-29 ng Oktubre, 1866 sa Binondo, Maynila. Siya ang bunsong anak nina Joacquin Luna at Laureana Novicio. Nagtapos siya ng Bachiller en Artes sa Ateneo de Manila noong 1883 sa murang edad na 15. Kumuha rin siya ng kursong parmasyutika sa Unibersidad ng Santo Tomas at nakamit niya ang kanyang lisensya sa kursong ito sa Unibersidad de Barcelona. Natapos din siya sa pagkakadalubhasa sa parmasyutika sa Ghent, Belhika. Sa propesyon ay isa siyang parmasyotiko.

Ang pagsusulat ang kanyang libangan. Iniakda niya ang El Nomatozario del Paerdismo na nalathala sa Madrid noong 1893. Ito ang kanyang pinakamalaking naiambag niya sa literaturang pang-medisina. Siya ang nagtatag ng La Independencia at nagpapadala rin siya ng mga lathalain sa ibang pahayagan.

Sa simula pa'y isa siyang tagpagtaguyod ng paghingi ng reporma sa mapayapang pamamaraan. Dahil sa hinalang siya ay isa sa mga teroristang laban sa pamahalaan, dinakip siya ng mga maykapangyarihang Kastila, nilitis at ikinulong ng mga Kastila.

Nang siya ay makalaya, nag-aral siya ng iba't ibang paraan ng pakikipaglaban sa Ghent. Pagbalik niya sa Pilipinas, sumapi siya sa rebolusyonaryong pamahalaan ni Emilio Aguinaldo. Hinirang siyang direktor ng digmaan at tagapamahalang heneral ng Hukbong Rebolusyonaryo. Siya ay ginawang kabahagi ng sandatahang lakas laban sa mga Amerikano.

Bilang isang sundalo, si Antonio'y mahigpit magparusa. Sa panahon ng pakikipagdigmaan, pinagsumikapan niyang maipailalim sa isang disiplina ang mga tauhan sa Batalyon ng Kabite. Isa sa kanyang madugong pakikipaglaban ay naganap sa La Loma na kung saan ay napatay si Major Jose Torres Bugallon. Marami pang ibang pinuno ng kalaban ang nagapi ni Heneral Luna ngunit dumating ang isang pagkakataon na sila ay natalo at ito ay naganap sa Caloocan.

Natagpuan ni Heneral Luna ang kanyang kamatayan noong ika-8 ng Hunyo, 1899 sa Cabanatuan sa lalawigan ng Nueva Ecija. Nagtungo siya roon sa pagtupad sa isang ipinalalagay na pagtawag ni Heneral Aguinaldo upang dumalo sa isang pulong.Habang nasa loob ng simbahan ng Cabanatuan, binaril siya ng mga sundalo ni Aguinaldo na inihingi niyang bigyan ng disiplina.

Sa pagkamatay ni Antonio Luna nawalan ng isang dakilang kawal at pinuno ng rebolusyon ang Unang Republika ng Pilipinas.



2 : 0 | 100% AC
Si Apolinario Mabini y Maranan (Hulyo 23, 1864 - Mayo 13, 1903), kilala bilang ang "Dakilang Lumpo" o "Dakilang Paralitiko", ay isang Pilipino theoretician na nagsulat ng konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas noong 1899 - 1901, at naglingkod bilang ang kauna-unahang punong ministro noong 1899. Ipinanganak siya sa Talaga, Tanauan, Batangas sa mahihirap na mga magulang, sina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan.

Siya ay natuto ng abakada mula sa kanyang ina at ang pagsulat ay sa kanyang ingkong natutuhan. Nag - aral siya sa mataas na paaralan at nagpatuloy sa Colegio de San Juan de Letran na kung saan natamo ang katibayan sa pagka - Bachiller en Artes at naging propesor sa Latin. Sa Unibersidad ng Santo Tomas naman siya nakapagtapos ng pagkaabogado noong 1894. Samantalang nag-aral ng batas, sumapi siya sa La Liga Filipina ni Jose Rizal.

Si Mabini ay nagkasakit noong 1896 ng "infantile paralysis" na lumumpo sa kanya. Ipinasundo siya ni Aguinaldo at sila'y nagkamabutihan. Siya'y lihim na ipinatawag ni Aguinaldo at hinirang siyang opisyal na tagapayo. Nang pasinayaan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Republika inatasan niya si Mabini bilang kalihim panglabas (prime minister) at pangulo ng mga konseho. Sa panahong ito isinulat niya ang kanyang tanyag na akdang "Tunay na Dekalogo".

Noong 1899, si Mabini ay nadakip ng mga Amerikano sa Nueva Ecija at ipinabilanggo. Kanyang isinulat noon ang "Pagbangon at Pagbagsak ng Himagsikang Filipino", "El Simil de Alejandro", at "El Libra". Noong ika-5 ng Enero, 1901, si Mabini ay ipinatapon sa Guam, ngunit kusa siyang nagbalik sa bansa noong Pebrero, 1903 kapalit ng panunumpa ng katapatan sa Estados Unidos. Siya ay nagkasakit ng kolera at namatay noong ika-13 ng Mayo, 1903 sa Nagtahan, Maynila.



2 : 0 | 100% AC
Si Melchora Aquino (kapanakan Enero 6, 1812, kamatayan Marso 2, 1919) o Tandang Sora ay hindi nagkaroon ng pagkakataong mag-aral subalit kung pakikipagkapwa tao ang pag-uusapan ay nasa kanya na ang mga katangiang maaring ituro ng isang guro sa paaralan. Siya ay may isang maliit na tindahan sa Balintawak. Tinagurian siyang Tandang Sora, sapagkat matanda na siya noong sumiklab ang himagsikang pinamumunuan ni Andres Bonifacio noong taong 1896.

Siya ay ikinasal kay Fulgencio Ramos, isang cabeza de barrio ay may anim na anak. Namatay si Ginoong Ramos noong pitong taong gulang pa lang ang kanilang bunsong anak. Mula noon siya na ang nagtaguyod sa buong pamilya at hindi muling nagpakasal.

Noong Agosto, 1896, ang kalupitan ng mga Kastila ay lalong tumindi dahil sa pagkakatuklas ng nalalapit na paghihimagsik ng mga katipunero ni Andres Bonifacio. Maraming mamamayan ang hinuli at pinahirapan at pilit na pinagtatapat ng tungkol sa mga lihim ng Katipunan. May mga nakatakas at sa kagubatan nakapagtago at dito nila nakatagpo si Tandang Sora. Kinupkop sila ng matanda, pinakain at pinabaunan ng konting salapi at pinapupunta sa lugar na ligtas sa pag-uusig ng mga Kastila. Lahat ng dumudulog sa munting tahanan ni Tandang Sora ay kanyang pinagyayaman, bata man o matanda, babae o lalaki.

Natunugan ng mga Kastila ang kabutihan ni Tandang Sora, lalo na sa mga katipunero kaya't siya ay hinuli at ipinatapon sa pulo ng Marianas. Bumalik sa Pilipinas si Tandang Sora nang ito ay nasa pamahalaan na ng mga Amerikano. Matandang-matanda na siya at walang nalalabing ari-arian. Nabuhay siyang isang dukha at namatay sa karalitaan noong Marso 2, 1919.

Siya ay nakahimlay sa kanyang bakuran sa Balintawak (na ngayon ay kinatatayuan ng Himlayang Pilipino, Tandang Sora, Lungsod ng Quezon)


http://tl.wikipedia.org/wiki/Melchora_Aquino
0 : 0 | 0% AC
Si Benigno Servillano Aquino Aquino, Jr., mas kilala bilang Ninoy Aquino o Benigno S. Aquino, Jr., ay isang Pilipinong senador na naging pangunahing kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos. Pinatay siya sa Paliparang Pandaigdig ng Maynila (na matapos ay ipinangalang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino bilang parangal sa kanya) pagkauwi niya mula sa Estados Unidos, kung saan siya ipinatapon. Ang kanyang pagkamatay ang naging sanhi ng pagka-Pangulo ng kanyang maybahay, si Corazon Aquino, na pumalit sa 20-taong rehimeng Marcos. Ayon sa mga testigo, ang mga sundalong nag hatid sa kanya pababa ng eroplano ay may mga kinalaman sa kanyang pagkamatay. May mahigit dalawang milyon na sumama sa prusisyon para ihatid si Aquino sa kanyang huling hantungan. Ang mga naging sangkot sa kanyang pagkamatay ay napalaya na noong 2007 na tinutulan naman ng kanyang anak na si Noynoy Aquino. At siya ay isa rin sa mga bayani ng Pilipinas. Ang kanyang bantayog ay makikita sa Lungsod ng Makati.

Si Ninoy ay ipinanganak noong ika-27 ng Nobyembre, 1932. Siya ay anak ng dating Assemblyman Benigno Aquino, Sr. at Aurora Aquino-Aquino ng Tarlac. Si Ninoy ay 17 taong gulang lamang ng matanyag sa pagiging isang korespondent ng digmaan sa Korea. Naging pinakabatang nahalal na punong-bayan sa Concepcion, Tarlac. Siya rin ay naging katidong teknikal ng mga pangulong sina Ramon Magsaysay at Carlos P. Garcia. Noong panahon ng panunungkulan ni Diosdado Macapagal si Ninoy ay umanib sa Partido Liberal. Siya ang naging pangkalahatang kalihim ng partido na naging daan upang siya ay mahalal na pinakabatang senador noong 1967.

Nang ideklara ang Batas Militar (Martial Law), si Ninoy ay dinakip at nakulong ng maraming taon. Siya ay nagkaroon ng sakit sa puso at pinahintulutan naman na maoperahan sa Estados Unidos. Dahil sa pagnanasang maglingkod sa bayan at sambayanang Pilipino, bumalik si Ninoy sa Pilipinas. Subalit sa kanyang pagbabalik ay hindi na niya naisakatuparan ang kanyang mga adhikain sapagkat pagtuntong pa lang niya sa paliparan ng MIA, siya ay binaril at nalugmok sa Tarmac. Ang kanyang pagkamatay noong Agosto 21, 1983 ang siyang nagmulat at gumising sa natutulog na damdamin ng taong-bayan.

Nag-alsa ang milyung-milyong Pilipino at ito ay tinaguriang "People Power." Napatalsik ang dating Pangulong Ferdinand Marcos at iniluklok ang maybahay ni Ninoy na si Corazon Aquino bilang pangulo ng bansa.



0 : 0 | 0% AC
Si Emilio Jacinto ay isinilang noong Disyembre 15, 1875 sa Trozo, Maynila. Ang kanyang mga magulang ay sina Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Solong itinaguyod ng ina ni Emilio bilang isang kumadrona ang buhay nila mula nang mamatay ang kanyang ama. Dahil sa kahirapan, si Emilio ay tumira sa kanyang tiyuhin.

Si Emilio ay nag-aral sa Colegio de San Juan de Letran at kumuha ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas subalit ito ay natigil nang siya ay sumapi sa Katipunan noong 1896. Sa gulang na 19 siya ay isa sa mga magagaling na pinuno ng Katipunan. Siya rin ang naging tagapayo, kalihim at piskal ni Andres Bonifacio. Si Emilio rin ang editor ng Ang Kalayaan, ang pahayagan ng Katipunan. Iniakda rin ni Emilio ang Cartilla, ang batas at alintuntunin ng Katipunan kaya't siya ay tinaguriang Utak ng Katipunan.

Siya ay isa ring makata at ilan sa kanyang mga tulay ay A La Patria na hango sa Ultimo Adios ni Jose Rizal. Ang ginagamit niyang pangalan sa pagsulat ay "Dimas-Ilaw".

Sa isang sagupaan sa Majayjay, Laguna, si Jacinto ay lubhang nasugatan at binawian ng buhay noong ika-16 ng Abril, 1899 sa edad na 23.



0 : 0 | 0% AC
Si Francisco Balagtas (Abril 2, 1788�Pebrero 20, 1862), Francisco Baltazar ang kanyang tunay na pangalan, ay tinuturing bilang isa sa mga magagaling na Pilipinong manunula. Florante at Laura ang kanyang pinakakilalang obra maestra.

Isinilang sa isang maliit na bayan na nayon ng Panginay, bayan na Bigaa (Balagtas ngayon), sa lalawigan ng Bulacan noong Abril 2, 1788. Bunso siya sa apat na anak nina Juan Baltazar, isang panday at Juana dela Cruz, isang maybahay.

Labing-isang taon si Kiko o Kikong Balagtas (palayaw ni Francisco) nang iluwas sa Tondo, Maynila. Namasukan bilang utusan kay Donya Trining, isang mayaman at malayong kamag-anak. Kinatutuwaan siya ni Donya Trining dahil sa kasipagan at mabuting paglilingkod kaya pinag-aral siya sa Colegio de San Juan de Letran at Colegio de San Jose. Taong 1812 nang matapos siya sa pag-aaral ng Batas sa Canones, Gramatica Castilla, Gramatica Latin, Pisika, Doctrina Cristiana, Humanidades, Teologia at Pilosopia sa edad na 24. Naging guro niya si Padre Mariano Pilapil sa Pilosopiya sa nasabing kolehiyo.

Si Francisco Baltazar ay tinaguriang "Prinsipe ng mga Manunulang Pilipino" at sinasabing "William Shakespeare ng mga Tulang Pilipino."

Natuto siyang sumulat at bumigkas ng tula kay Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) na kinikilalang pinakabantog na makata sa Tondo. Si Jose dela Cruz ay isa ring nagsilbing hamon kay Kiko para higit na pagbutihin ang pagsulat ng tula. Anupa't kinalaunan ay higit na dinakila si Kiko sa larangan na panulaan.

Taong 1835 nang manirahan si Kiko sa Pandakan. Dito niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. Ang marilag na dalaga ang nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ang tinawag na "Selya" at tinaguriang MAR ni Balagtas sa kanyang tulang Florante at Laura.

Naging karibal ni Kiko si Mariano Kapule sa pangingibig kay Maria Asuncion Rivera. Nagwagi si Nanong Capule dahil sa paggamit ng kapangyarihan at salapi. Naipakulong niya si Kiko at sa loob ng piitan niya naisulat ang tulang pasalaysay na Florante at Laura.

Nabilanggong muli si Kiko sa sumbong ng isang katulong na babae sa di umano'y pagputol ng buhok niya. Nakalaya siya noong 1860. Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng mga komedya, awit at korido nang siya ay lumaya. Namayapa siya sa piling ng kanyang asawa, Juana Tiambing at ang 11 niyang anak noong Pebrero 20, 1862 sa gulang na 74.


http://tl.wikipedia.org/wiki/Francisco_Balagtas
0 : 0 | 0% AC
Sultan Muhammad Dipatuan Kudarat (also spelled Qudarat), (1581 - 1671) was a Sultan of Maguindanao. During his reign, he successfully repelled Spanish efforts to conquer his sultanate and hindered the Christianization of Mindanao. He was a direct descendant of Shariff Kabungsuan, a Muslim missionary who propagated the Islamic faith in 14th century Mindanao.

After succeeding his father in 1619, he conquered several datus and made himself the master of the Pulangui area. He also controlled present-day Cagayan de Oro and Caraga territories and made Misamis and Bukidnon his tributaries. He was able to negotiate with the Dutch and the Spaniards so that they recognize his sovereignty over these lands. The Spaniards tried but failed to conquer him in all battles. The Spaniards were systematically defeated and forced to ransom their soldiers from the sultan. Governor-General Alonso Fajardo signed a treaty with Kudarat on June 25, 1645 which allowed Spanish missionaries to minister to the needs of the Christians in Mindanao, allowed a church built, and trade was allowed in the sultan�s territories. War once more flared in 1658 when Mindoro, Bohol and Leyte were sacked. Spain was unable to dominate the lands under Sultan Kudarat's rule.


http://en.wikipedia.org/wiki/Sultan_Muhammad_Dipatuan_Kudara...
0 : 0 | 0% AC
Macario Sacay y de Leon (or Macario Sakay) was a Filipino general in the Philippine-American War who continued resistance against the United States following the official American declaration of the war's end in 1902.

An original member of the Katipunan movement, he fought alongside Andres Bonifacio throughout the Philippine Revolution of 1896. In 1899 he continued the struggle for Philippine independence against the United States. Near the end of the Philippine American War Sacay was captured and jailed by the Philippine Constabulary. After the surrender of the last Filipino Commanding General Miguel Malvar in April 1902, President Theodore Roosevelt officially ended the Philippine American War on July 4, 1902. With the end of the war, Sacay was granted amnesty and released from prison. On November 12, 1902 the Philippine Commission passed the Bandolerism Act which proclaimed all captured resistance fighters or insurgents to be tried in court as bandits, ladrones, and robbers. In April 1904, Sacay issued his own manifesto proclaiming himself President and established his own government called Republika ng Katagalugan (the Tagalog Republic) in opposition to U.S. colonial rule. The U.S. Government does not recognize Sacay's government and through the Bandolerism Act labels him an outlaw. The Governor General, the U.S. Government, and the U.S. military leave the pursuit of Sacay in the hands of the Philippine Constabulary and Philippine Scouts. In 1905 concentration camps, often referred to as Zonas, are re-established in parts of Cavite, Batangas, and Laguna. This has little effect on Sacay and his freedom fighters. Extensive fighting continues in Southern-Luzon for months.

On 14 July 1906, after receiving a letter from the American governor-general promising amnesty for himself and his men in exchange for surrender, Sacay, one of the last remaining Filipino generals, finally surrendered.

Three days later, he was arrested nevertheless and imprisoned. Convicted as a tulisan or bandit, Sacay was executed on September 13, 1907 by hanging.


http://en.wikipedia.org/wiki/Macario_Sakay
0 : 0 | 0% AC
Si Melchora Aquino (kapanakan Enero 6, 1812, kamatayan Marso 2, 1919) o Tandang Sora ay hindi nagkaroon ng pagkakataong mag-aral subalit kung pakikipagkapwa tao ang pag-uusapan ay nasa kanya na ang mga katangiang maaring ituro ng isang guro sa paaralan. Siya ay may isang maliit na tindahan sa Balintawak. Tinagurian siyang Tandang Sora, sapagkat matanda na siya noong sumiklab ang himagsikang pinamumunuan ni Andres Bonifacio noong taong 1896.Siya ay ikinasal kay Fulgencio Ramos, isang cabeza de barrio ay may anim na anak. Namatay si Ginoong Ramos noong pitong taong gulang pa lang ang kanilang bunsong anak. Mula noon siya na ang nagtaguyod sa buong pamilya at hindi muling nagpakasal.Noong Agosto, 1896, ang kalupitan ng mga Kastila ay lalong tumindi dahil sa pagkakatuklas ng nalalapit na paghihimagsik ng mga katipunero ni Andres Bonifacio. Maraming mamamayan ang hinuli at pinahirapan at pilit na pinagtatapat ng tungkol sa mga lihim ng Katipunan. May mga nakatakas at sa kagubatan nakapagtago at dito nila nakatagpo si Tandang Sora. Kinupkop sila ng matanda, pinakain at pinabaunan ng konting salapi at pinapupunta sa lugar na ligtas sa pag-uusig ng mga Kastila. Lahat ng dumudulog sa munting tahanan ni Tandang Sora ay kanyang pinagyayaman, bata man o matanda, babae o lalaki.Natunugan ng mga Kastila ang kabutihan ni Tandang Sora, lalo na sa mga katipunero kaya't siya ay hinuli at ipinatapon sa pulo ng Marianas. Bumalik sa Pilipinas si Tandang Sora nang ito ay nasa pamahalaan na ng mga Amerikano. Matandang-matanda na siya at walang nalalabing ari-arian. Nabuhay siyang isang dukha at namatay sa karalitaan noong Marso 2, 1919.Siya ay nakahimlay sa kanyang bakuran sa Balintawak (na ngayon ay kinatatayuan ng Himlayang Pilipino, Tandang Sora, Lungsod ng Quezon)
Si Benigno Servillano Aquino Aquino, Jr., mas kilala bilang Ninoy Aquino o Benigno S. Aquino, Jr., ay isang Pilipinong senador na naging pangunahing kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos. Pinatay siya sa Paliparang Pandaigdig ng Maynila (na matapos ay ipinangalang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino bilang parangal sa kanya) pagkauwi niya mula sa Estados Unidos, kung saan siya ipinatapon. Ang kanyang pagkamatay ang naging sanhi ng pagka-Pangulo ng kanyang maybahay, si Corazon Aquino, na pumalit sa 20-taong rehimeng Marcos. Ayon sa mga testigo, ang mga sundalong nag hatid sa kanya pababa ng eroplano ay may mga kinalaman sa kanyang pagkamatay. May mahigit dalawang milyon na sumama sa prusisyon para ihatid si Aquino sa kanyang huling hantungan. Ang mga naging sangkot sa kanyang pagkamatay ay napalaya na noong 2007 na tinutulan naman ng kanyang anak na si Noynoy Aquino. At siya ay isa rin sa mga bayani ng Pilipinas. Ang kanyang bantayog ay makikita sa Lungsod ng Makati.

Si Ninoy ay ipinanganak noong ika-27 ng Nobyembre, 1932. Siya ay anak ng dating Assemblyman Benigno Aquino, Sr. at Aurora Aquino-Aquino ng Tarlac. Si Ninoy ay 17 taong gulang lamang ng matanyag sa pagiging isang korespondent ng digmaan sa Korea. Naging pinakabatang nahalal na punong-bayan sa Concepcion, Tarlac. Siya rin ay naging katidong teknikal ng mga pangulong sina Ramon Magsaysay at Carlos P. Garcia. Noong panahon ng panunungkulan ni Diosdado Macapagal si Ninoy ay umanib sa Partido Liberal. Siya ang naging pangkalahatang kalihim ng partido na naging daan upang siya ay mahalal na pinakabatang senador noong 1967.

Nang ideklara ang Batas Militar (Martial Law), si Ninoy ay dinakip at nakulong ng maraming taon. Siya ay nagkaroon ng sakit sa puso at pinahintulutan naman na maoperahan sa Estados Unidos. Dahil sa pagnanasang maglingkod sa bayan at sambayanang Pilipino, bumalik si Ninoy sa Pilipinas. Subalit sa kanyang pagbabalik ay hindi na niya naisakatuparan ang kanyang mga adhikain sapagkat pagtuntong pa lang niya sa paliparan ng MIA, siya ay binaril at nalugmok sa Tarmac. Ang kanyang pagkamatay noong Agosto 21, 1983 ang siyang nagmulat at gumising sa natutulog na damdamin ng taong-bayan.

Nag-alsa ang milyung-milyong Pilipino at ito ay tinaguriang "People Power." Napatalsik ang dating Pangulong Ferdinand Marcos at iniluklok ang maybahay ni Ninoy na si Corazon Aquino bilang pangulo ng bansa. Si Emilio Jacinto ay isinilang noong Disyembre 15, 1875 sa Trozo, Maynila. Ang kanyang mga magulang ay sina Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Solong itinaguyod ng ina ni Emilio bilang isang kumadrona ang buhay nila mula nang mamatay ang kanyang ama. Dahil sa kahirapan, si Emilio ay tumira sa kanyang tiyuhin.

Si Emilio ay nag-aral sa Colegio de San Juan de Letran at kumuha ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas subalit ito ay natigil nang siya ay sumapi sa Katipunan noong 1896. Sa gulang na 19 siya ay isa sa mga magagaling na pinuno ng Katipunan. Siya rin ang naging tagapayo, kalihim at piskal ni Andres Bonifacio. Si Emilio rin ang editor ng Ang Kalayaan, ang pahayagan ng Katipunan. Iniakda rin ni Emilio ang Cartilla, ang batas at alintuntunin ng Katipunan kaya't siya ay tinaguriang Utak ng Katipunan.



0 : 0 | 0% AC


 
   Categories
    Arts & Entertainment
    Business and Money
    Health
    Miscellaneous
    Reference
    Relationships and Beliefs
    Science and Mathematics
    Sports and Leisure
    Technology
    Academic
 
 
   Share
        Facebook
        Twitter
        Plurk
 
 
   Search
JobTitle, Company, Skills, Industry, etc.
 
 
   Top Henyos
gkumar
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
soni1
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
jeremyrimando
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
cracklings
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
writer
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
 
 
   Most Viewed

Q: ano ang batas moral?

Q: bakit mahalaga ang papel?

Q: sino ang nakakaalam ng stationery na pang housekeeping?

Q: AY NAKO.. BAKIT GANITO TONG SITE NATO SAYANG LANG MGA NIRERESEARCH NMIN SA MGA MATITINONG TANONG.?

Q: bat nung nauso ang jejemon nawala na ung mga hehemon?



 
 
Copyright ©2010 Pinoy Henyo. All Rights Reserved.