Friday 12 March 2010 : 11:56:34 PM Welcome back Guest. Login | Register
Search keyword:
e,g."Philippine Independence"
Home Ask a Question My Profile Register
Home / Business and Money / Employment
Open Question
    
hane
Level: Baguhan
Rating:

mga ibat ibang uri ng liham pangangalakal at mga halimbawa nito?

mga halimbawa ng liham pangangalakal

Answered Question - 66427 views

  Email this Question to a friend

Research your answer in the web
    Answers:
1. Liham na kumukuha ng impormasyon tungkol sa isang bagay

506 Lakas St.
Bacood, Sta.Mesa
Ika-10 ng Setyembre,______

Ang Dekano
Kolehiyo ng Businesss Administration
Pamantasan ng Santo Tomas

Ginoo:

Katatapos ko po lamang sa haiskul at nagbabalak na mag-aral sa inyong pamantasan. Nais ko pong magpatala sa Kolehiyo ng Businesss Administration. Maaari po bang malaman kung kalian at saan kayo magbibigay ng pagsusulit sa mga bagomg magpapatalang mag-aaral? Nais ko rin pong malaman kung anu-ano ang mga kailangang dalhin bago makapagsulit at gayon din ang halagang ibabayad sa application form.

Ipinaaabot kop o ang taos-puso kong pasasalamat.

Magalang na sumasainyo,
Luz Del Mundo

2. Liham na nag-aanyaya ng panauhing tagapanayam

Manuel Roxas High School Paco, Maynila Hulyo 5,_____

Dr. Estrella Roxas
Dekana, Kolehiyo ng Nutrisyon
Emilio Aguinaldo College

Mahal na Doktora Roxas:

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon, magkakaroon ang aming paaralan ng iba't ibang gawain at palatutuntunan na magbibigay-sigla sa kahalagahan ng pagdiriwang na ito.

Isang seminar na kaugnay ng Buwan ng nutrisyon ang idaraos sa aming paaralan na dadaluhan ng mga guro at tagamasid mula sa iba't ibang mataas na paaralan ng sangay ng paaralang Lungsod ng Maynila. Dahil po rito nais naming kayong anyayahan na maging panauhing tagapanayam tungkol sa paksang "Ang Kahalagahan ng Nutrisyon sa Kalusugan". Ito'y gaganapin sa ika-10 ng Hulyo, taong kasalukuyan sa awditoryum ng paaralan. Alam ko pong may malawak kayong kaalamang maibabahagi sa aming mga guro.

Inaasahan kop o ang inyong pagdalo.

Matapat na sumasainyo,
Gng. Lucila Santos Punungguro

3. Liham na humihiling ng subskripsyon

1025 Balic-Balic
Sampaloc, Maynila
Oktubre 10,______

Ang Tagapamahala
Liwayway Publishing, Inc.
2249 Pasong Tamo
Lungsod ng Makati

Mahal na Ginoo:

Kalakip po nito ang halagang dalawang daan at walongpu't walong piso (P288.00) hiro postal bilang kabayaran sa amin na buwang suskrisyon ng magasing Liwayway.
Lubos na sumasainyo,
Susan delos Reyes

4.Liham na naghahandog ng tulong sa proyekto ng Barangay Chairman

109 G. Tuazon
Sampaloc, Manila
Agosto 25, _____

G. Clemente Molina
Barangay Chairman, Bgy. 420
Sampaloc, Maynla

Mahal na G. Molina:

Nalaman ko pong naglunsad kayo ng isang proyekto tugngkol sa kalinisan at pagpapaganda ng ating barangay. Natutuwa po ako at magiging maganda ang pamayanan at hindi na natin ito ikakahiya.

Bilang isang myembro ng Kabataang Barangay, nais ko pong makatulong sa pagpapaganda at pagpapanatiling malinis ng atng pamayanan. Bubuo po ako ng isang samahan ng mga kabataan na mangangasiwa sa kalinisan ng kalyeng aming nasasakupan. Ito po'y isasakatuparan sa darating na Linggo.

Nais po naming maging bahagi ng inyong mga proyekto.

Matapat na sumasainyo, Rogelio dela Serna



0 : 5 | 0% AC


Related Questions:

 
   Categories
    Arts & Entertainment
    Academic
    Business and Money
    Health
    Miscellaneous
    Reference
    Relationships and Beliefs
    Science and Mathematics
    Sports and Leisure
    Technology
 
 
   Bookmarking
        Digg This
        Del.icio.us
        Yahoo My Web
 
 
   Top Henyos
jperana
Level:
Rating:
Instant Message Offline
umibigatnabigo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
boyhenyo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
cklaighe
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
concepab
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
 
 
 
 
   Most Viewed



 
Copyright ©2010 Pinoy Henyo. All Rights Reserved.