Binabati ko kayo sa pagkakamit ninyo ng unang gantimpala sa Patimpalak Pagsulat na ginanap noong ika- ng __________, 200__.
Dahil po dito ay inaasahan po namin na inyong bibigyang pansin lalo ang inyong kakayahang sumulat at ang iyong marubdob na pagmamahal sa sining na ito.
lubos na sumasainyo,
petrang kabayo
liham pagbibitiw
San Miguel Gin company
paghanapin city
united state of hongkong
Mga Ginoo:
Ikinalulungkot ko pong ipabatid na ako po ay nagbibitiw na ng tungkulin bilang Kargador sa inyong Piyer. Ito po ay magiging epektibo simula ika-1 ng Nobyembre taong kasalukuyan.
Umaasa po ako na inyong mauunawaan ang aking kapasyahang ito.
lubos na gumagalang,
goku de vegetta
liham ng pag-uulat
G. mario bustamante
general manager
Todopong Siete Pares
sugarol city
mahal na Tagapamahala:
buong katapatan ko pong ipabatid sa inyong kaalaman na sa buod ng aking pagkukuwenta sa mga pumasok at lumabas na pananalapi ng inyong kumpanya ay aking napatunayang walang anumang nawala o nalustay sa inyong mga pag-aari.
ang pag-uulat na ito ay bilang tugon na rin sa inyong nais na mangyari bilang pagtalima sa kagustuhan ninyong malinis ang lahat ng sangay ng inyong kumpanya.
umaasa po akong natugunan ko ang inyong pangangailangan.
Ang amin pong kumpanyang Pepsi Cola Coke ay sumulat sa inyo upang bigyan kayo ng tagubilin na ang inyo po kontrata sa amin bilang taga pagdala ng aming produkto ay matatapos na sa darating na buwan.
Dahil dito gusto po naming ipabatid agad ito sa inyo upang magkaroon po kayo ng panahon upang muling sariwain ang inyong kontrata sa amin kung nais pa ninyo kaming paglingkuran. Ganunpaman nagpapasalamat po kami sa inyong serbisyo para sa amin.
umaasa po kami na kayo ay muling pipirma ng kontrata.
Nabasa po namin sa isang pahayagan na ang inyong kumpanya ay nagtitinda ng mga librong pambata. Pwede po ba ninyo kaming padalhan ng mga presyo ng mga librong pambata na inyong ipinagbibili tulad ng mga sumusunod:
kwento ni cinderella
kwento ng matsing at pagong
kwento ni rapunzel
kwento ni snow white at pitong dwende
hansel at gretel
at marami pang ibang librong meron kayo.
umaasa po kami na tutugunan ninyo ang aming kahilingan bago matapos ang buwang kasalukuyan.