Ang Po-on Isang Nobela ay isang nobela ng Pilipinong manunulat sa wikang Ingles na si Francisco Sionil Jose. Ito ang pamagat ng mahabang salaysaying ito nang maisalin ito sa wikang Tagalog. Sa Pilipinas, Po-on A Novel ang orihinal na pamagat nito sa Ingles. Sa Estados Unidos, at para sa iba pang mga bansang nakapagsasalita ng Ingles, kilala ang akdang ito bilang Dusk A Novel, na nangangahulugang takip-silim o dapit-hapon.
Balangkas
Naganap ang Po-on Isang Nobela noong kapanahunan ng mga dekada ng 1880 hanggang 1889, kung saan lumisan ang isang pamilyang Ilokano mula sa kanilang tahanang-baryo para makipagsapalaran sa silangang Pangasinan, at upang tumakas mula sa nahagip na mga kalupitan ng mga Kastila.
Isa sa mga pangunahing tauhan si Istak, isang Pilipinong Ilokano na bihasa sa pagsasalita ng Kastila at Latin, isang kakayahan na namana niya mula sa pagtuturo ng isang matandang kura paroko ng Cabugao. Maalam din siya sa sining ng panggamot. Tanging balakid lamang sa kaniyang pagiging pari ang kaniyang pagiging Indio. Namuhay siya sa isang panahon sa kasaysayan ng Pilipinas kung kailan maaaring sumiklab ang isang pag-aalsa laban sa pamahalaang Kastila, isang panahon matapos ang pagkakapatay ng tatlong paring mestiso sa Bagumbayan. Nagbabadya ang pitak ng pagkakaroon ng rebolusyon, bagaman naroroon ang kawalan pa ng pagkakaisa ng kapuluan at ng mga mamamayan noong mga panahong iyon. Nalalapit na rin ang panahon ng pagtulong ng mga Amerikano laban sa pagpapaalis ng mga namamahalang Kastila mula sa kapuluan pagkatapos ng tatlong dantaon.