Friday 19 March 2010 : 01:22:02 PM Welcome back Guest. Login | Register
Search keyword:
e,g."Philippine Independence"
Home Ask a Question My Profile Register
Home / Academic / History
Open Question
    
tyrel
Level: Baguhan
Rating:

kabuuang buod ng el filibuserismo?

buong buod ng el filibusterismo ni dr.jose rizal

Answered Question - 11912 views

  Email this Question to a friend

Research your answer in the web
    Answers:
Buod ng El Filibusterismo


Matapos ang masalimuot na pangyayari na bumabalot sa mga tauhan sa Noli Me Tangere, lalo pa itong pinaigting ng diwa ng paghihiganti, karahasan at karuwagan sa akdang El Filibusterismo sa panibagong katauhan ni Crisostomo Ibarra bilang Simuon- isang Amerikanong hilaw na mag-aalahas. Gamit ang kanyang taglay na yaman at pagiging malapit sa Gobernador Heneral ng Espanya, unti-unti niyang isinagawa ang kanyang paghihiganti sa mga prayle kasabay ng kanyang pagbabalak na itakas ang kanyang pinakamamahal na si Maria Clara mula sa kumbento ng Sta. Clara na maituturing na kakambal ng impiyerno.


Bilang kanyang paghahanda sa binabalak na pag-aalsa, tahimik siyang kumuha ng mga tauhang kanyang magiging kasangkapan. Ang isa sa mga abang ito ay si Kabesang Tales. Ginamit ni Simoun ang pagiging marahas at palaban nito upang himukin na ipaghiganti ang sariling pamilya. Di nagtagal ay sumanib din ang kanyang amang si Tandang Selo sa pagrerebelde bilang tanda ng kanyang galit sa mga Kastila partikular ang mga prayle. Ang sumunod naman ay si Quiroga. Siya ay isang negosyanteng Intsik na binigyang tulong-pinansyal ni Simoun kapalit ang kanyang pagpahintulot na ilagak ang mga baril na gagamitin sa binabalak na pag-aalsa sa kanyang tahanan. 'Di nagtagal ay nahimok din ni Simoun si Placido Penitente- isang mag-aaral na nakipagtalo sa kanyang guro dahilan sa baluktot nitong pamamalakad. 'Di naging mahirap para kay Simoun na manghimok ng kakampi sa dahilang tulad niya rin ang mga ito na napag-alab ang galit sa pakana ng mga kastila. Naiiba sa mga ito si Basilio. Sa kabila ng kapaitan ng kahapon, pinili pa rin niyang mamuhay ng walang bahid ng paghihiganti sa puso. Lubos niyang pinagpapasalamat ang pagpapaaral sa kanya ni kapitan Tiyago at ang magandang buhay na kanyang tinatamasa kasama ang kanyang kasintahan na si Juli kaya't wala na siyang mahihiling pa. Ngunit naging mapaglaro sa kanya ang tadhana. Dahil sa pagkakamali ng kanyang mga kamag-aral at mga kasapi sa AWK sa pangungutya at paggawa ng katatawanan sa mga prayle, sila'y napagbintangang mga utak ng pagbabadya ng paghihimagsik sa pamamalakad ng mga kastila. Ang mga nagkalat na paskin ay siyang naging matibay na patunay laban sa kanila. Siya'y nakulong at binawian ng lahat ng kasaganahan sa buhay. Kasabay ng kanyang pagkakakulong ay ang misteryosong pagkamatay ni Juli matapos makipagkita kay Padre Camorra upang humingi ng tulong para sa kanyang paglaya. Tuluyan naman siyang nagipit ng pumanaw si kapitan Tiyago at nang hindi siya nito pamanahan ni isang kusing. Ang mga paghihirap ng kahapon na unti-unti siyang binabalikan ay ang naging dahilan upang makianib siya sa nanghihinang si Simoun. Lubos ang pagkalumbay ng huli matapos na malaman na pumanaw na ang nag-iisang dalaga na nagbibigay-lakas sa kanya upang ipagpatuloy ang buhay. Ngunit nang magdesisyon si Basilio na makipagtulungan sa kanya, agad na sumibol muli ang kanyang diwa ng paghihiganti.


Dahil sa mapagbigay na pagmamahal ni Isagani kay Paulita Gomez hindi naging matagumpay ang balak ni Simoun na pasabugin ang tahanan ni Kapitan Tiyago na kung saan nagaganap ang magarbong salu-salo ng pag-iisang dibdib ni Juanito Pelaez at Paulita Gomez gamit ang isang mamahaling lampara. Bagkus, ito pa ang nagsilbing patunay para kay Padre Salvi na siya at si Crisostomo Ibarra ay iisa. Siya'y agad na ipinahanap upang dakipin. Upang magtago siya'y pumunta kay Padre Florentino sa pag-aakalang siya'y maiintindihan nito ngunit ang lahat ng kanyang paniniwala ay sinalungat ng pari. Nang makatanggap sila ng liham na nag-uutos na isuko ang taong tinatago ni Padre Florentino agad na nabuo sa kanyang isipan na mas mabuti pang siya'y magpatiwakal kaysa mapasakamay ng mga kastila. Namatay siyang hindi yumuyukod sa relihiyon at pamamalakad ng mga dayuhang nagpahirap sa kanya.

Ang kanyang mga kayamanan at labi ay pinaagos ni Padre Florentino sa dagat at ito'y lumubog sa kalaliman. Ito'y mananatili sa pagkakasilid hanggang ito'y matuklasan ng hinaharap.



0 : 0 | 0% AC
Nagbalik si Ibarra Crisostomo bilang Simon. NAlaman niya na hindi si Kapitan Tiyago ang ama ni Maria Clara kundi si Padre DAmaso..................................................................................................................................................................


0 : 0 | 0% AC
Nagbabalik si Crisostomo Ibarra bilang si Simoun- isang Amerikanong hilaw na mag-aalahas. Gamit ang kanyang taglay na yaman at pagiging malapit sa Gobernador Heneral ng Espanya, unti-unti niyang isinagawa ang kanyang paghihiganti sa mga prayle kasabay ng kanyang pagbabalak na itakas ang kanyang pinakamamahal na si Maria Clara mula sa kumbento ng Sta. Clara.
Bilang kanyang paghahanda sa binabalak na pag-aalsa, tahimik siyang kumuha ng mga tauhang kanyang magiging kasangkapan. Ang isa sa mga ito ay si Kabesang Tales. Ginamit ni Simoun ang pagiging marahas at palaban nito upang himukin na ipaghiganti ang sariling pamilya. Di nagtagal ay sumanib din ang kanyang amang si Tandang Selo sa pagrerebelde bilang tanda ng kanyang galit sa mga Kastila partikular sa mga prayle. Ang sumunod naman ay si Quiroga. Siya ay isang negosyanteng Intsik na binigyang tulong-pinansyal ni Simoun kapalit ang kanyang pagpahintulot na ilagak ang mga baril na gagamitin sa binabalak na pag-aalsa sa kanyang tahanan. Hindi nagtagal ay nahimok din ni Simoun si Placido Penitente. Siya ay isang mag-aaral na nakipagtalo sa kanyang guro dahilan sa baluktot nitong pamamalakad. Hindi naging mahirap para kay Simoun na manghimok ng kakampi sa dahilang tulad niya rin ang mga ito na napag-alab ang galit sa kagagawan ng mga kastila. Naiiba sa kanila si Basilio. Sa kabila ng kapaitan ng kahapon, pinili pa rin niyang mamuhay ng walang bahid ng paghihiganti sa puso. Lubos niyang pinagpapasalamat ang pagpapaaral sa kanya ni Kapitan Tiyago at ang magandang buhay na kanyang tinatamasa kasama ang kanyang kasintahan na si Huli kaya't wala na siyang mahihiling pa. Ngunit naging mapaglaro sa kanya ang tadhana. Dahil sa pagkakamali ng kanyang mga kamag-aral ,sila'y napagbintangang mga utak ng pagbabadya ng paghihimagsik sa pamamalakad ng mga Kastila. Siya'y nakulong at binawian ng lahat ng kasaganahan sa buhay. Kasabay ng kanyang pagkakakulong ay ang misteryosong pagkamatay ni Huli matapos makipagkita kay Padre Camorra upang humingi ng tulong para sa kanyang paglaya. Tuluyan naman siyang nagipit ng pumanaw si Kapitan Tiyago at nang hindi siya nito pinamanahan ni isang kusing. Ang mga paghihirap ng kahapon ay unti-unting bumabalik. Ito ang naging dahilan upang sumama siya sa nanghihinang si Simoun. Lubos ang pagkalumbay nito matapos na malaman na pumanaw na ang kanyang pinakamamahal. Ngunit nang magdesisyon si Basilio na makipagtulungan sa kanya, agad na sumibol muli ang kanyang diwa ng paghihiganti. Dahil sa mapagbigay na pagmamahal ni Isagani kay Paulita Gomez, hindi naging matagumpay ang balak ni Simoun na pasabugin ang tahanan ni Kapitan Tiyago na kung saan nagaganap ang magarbong salu-salo ng pag-iisang dibdib ni Juanito Pelaez at Paulita Gomez gamit ang isang mamahaling lampara. Bagkus, ito pa ang nagsilbing patunay para kay Padre Salvi na siya at si Crisostomo Ibarra ay iisa. Siya'y agad na ipinahanap upang dakipin. Upang magtago siya'y pumunta kay Padre Florentino sa pag-aakalang siya'y maiintindihan nito. Sinalungat ng pari ang lahat ng kanyang paniniwala. Nang makatanggap si Padre Florentino ng liham na nag-uutos na isuko si Simoun ay agad na nabuo sa kanyang isipan na mas mabuti pang siya'y magpatiwakal kaysa mapasakamay ng mga kastila. Namatay siyang hindi yumuyukod sa relihiyon at pamamalakad ng mga dayuhang nagpahirap sa kanya. Ang kanyang mga kayamanan at labi ay pinaagos ni Padre Florentino sa dagat at ito'y lumubog sa kalaliman. Ito'y mananatili sa pagkakasilid hanggang ito'y matuklasan ng hinaharap.



0 : 0 | 0% AC


Related Questions:

 
   Categories
    Arts & Entertainment
    Business and Money
    Health
    Academic
    Miscellaneous
    Reference
    Relationships and Beliefs
    Science and Mathematics
    Sports and Leisure
    Technology
 
 
   Bookmarking
        Digg This
        Del.icio.us
        Yahoo My Web
 
 
   Top Henyos
umibigatnabigo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
boyhenyo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
kimonrold*
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Online
cklaighe
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
jac
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
 
 
 
 
   Most Viewed

Q: ano ang bumubuo sa sektor ng pag lilingkod ?

Q: anu ang maging plataporma ng mga dating presidente ng pilipinas?

Q: sino sino ang mga pamgulo ng pilipinas ?

Q: si nu ang kaunaunahang bayani ng pilipinas ?

Q: bakit sa aprika nag mumula ang pinaka unang tao sa mundo ?



 
Copyright ©2010 Pinoy Henyo. All Rights Reserved.