Open Question |
|
|
ibat-ibang uri ng teoryang pampanitikan?
Answered Question - 15517 views
|
 |
|
|
|
|
|
| Answers: |
 |
|
|
URI NG MGA TEORYANG PAMPANITIKAN
REALISMO
Sa teoryang ito higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan . May mga bahaging
nagpapakita ng mga makatotohanang paglalarawan sa tao , lipunan at kapaligiran.
Ang mga akdang nasa ilalim nito ay nagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan at iba pang katulong na tauhan . Pinagbabatayan nito ang totoong buhay na madaling madama ng
mga mambabasa . Nangangailangan ng mahabang panahon ang mga pangyayari . Marami rin ang tagpuan.
Ito'y na mayagpag sa Panahon ng Kastila at Makabagong Panahon.
ROMANTISISMO
Naniniwala ang mga Romantisist na ang tao ay may kapasidad na bumuo ng sarili nilang daigdig . Sa panahon ng mga suliranin makakalikha ang tao ng mga gawaing maaring makaaliw sa kanya upang sandaling lumipas ang dinadala na naghahari sa kabuuan ng akda. Ang mga ito ay maaring madama sa tulong ng mga salitang ginagamit sa akda.
Sa pamamagitan nito, makikilala ng nangingibabaw na damdaming napulutan sa kabuuan ng akda.
Ito'y namayagpag sa Panahon ng Amerikano (1990-1940)
HUMANISMO
Binibigyan -pansin ang magagandang saloobin ng taong nakapaloob sa isang akdang pampanitikan. Binibigyan din ng pansin ang magagndang damdaming taglay ng isang tao.Itinataas din ang karangalan ng tao bilang sentro ng akda.Ipinakikita ang magagandang saloobin ng tao na nakapaloob sa mga tiyak na pahayag sa akda . Maari ring idagdag ang magagandang damdaming taglay ng tauhan.Ito'y namayagpag sa Makabagong Panahon.
EKSISTENSYALISMO
Binibigyan-diin ang mga bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala , kilos, at gawi ng tauhan.Gumagawa siya ng pagpapasya na kailangan niyang harapin anuman ang magiging kahinatnan nito.Mahalagang makita ang kalakasan ng paninindigan ng tauhan.Malaya siya sa kanyang pagbuo ng desisyon at king paano niya ito harapin.Ito'y namayagpag sa Panahon ng Kastila at Kasalukuyan.
NATURALISMO
Ang mga akdang nagbibigay-diin sa teoryang ito ay nagpapakita ng mga pangyayaring nakatutulong ang mga piling salita at mga pahayag upang pangibabawin ito.Ipinakikita rin ang epekto ng kapangitan ng kalagayan sa mga tauhan nito.Ito'y isa sa mga namamayagpag sa Kasalukuyan.
Formalismo
Pinagtutuunan ng pansin sa teoryang ito ay ang mga istruktura o pagkabuo nito. Isa sa mga tinitignan ay ang kabisaan ng pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag .
Kabilang din dito ang Sukat sa tula na nagpapakita ng bilang ng pantig sa bawat taludtod.Maaring itong lalabindalawahin,lalabing-anim at iba pa.
Ang Tugmaan naman ay ang pagkakahawig ng mga tunog ng mga huling salita sa bawat taludtod.
Kariktan naman kapag gumagamit ng maririkit na salita upang mapukaw ang damdamin at kawilihan ng mambabasa.
Dahil may adhikaing gawing obhektibo ang pagsusuri , wala rin lugar ang opinyon at interpretasyon ng mambabasa.Itoy namayani sa Panahon ng Amerikano at Kasalukuyan.
MARXISMO
Mahalagang mapagtuunan ng pansin ang mga bahaging tiyakang nagpapakita ng paglabanan ng malakas at mahina; mayaman at mahirap . Makabuluhan rin kung paano natalo ng mahina ang malakas ; ng mahiyap ang mayaman.Ginagamit ng mga oriyentasyon na ito upang mabuksan ang mga isipan at ang mga mata ng tao sa pang-aapi at pagsasamantalang nagaganap sa lipunan.Ito'y sumibol sa Panahon ng Kastila at Hapon, at namayagpag naman sa makabagong panahon.
IMANISMO
Nakatutulong nang malaki sa teoryang ito ay ang mga larawang-diwa o imahe sa ikagaganda ng akda . Tumutukoy ito sa mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa. Nagpapatalas ito sa pandama ng mga mamababsa. Ito'y naghari sa Panahon ng Amerikano.
MORALISTIKO
Ipinalalagay ng mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay isang nilalang na balon ng maraming kaalamn. Ginagamit ng manunulat ang kanyang akda bilang instrumentong maaring paghanguan ng mga aral na gagabay sa pangaraw-araw na buhay at pagdedesisyon ng kanyang mambabasa. Kung gayon, maari niyang dalhin ang kanyang mambabasa sa mabuti o masamng landas. Namayagpag ito sa Panahon ng Kastila at Makabagong Panahon.
SOSYOLOHIKAL
Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto ng kanyang panahon, lugar, mga kaganapan ,kultura,at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon. Dahil dito, ipinalalagay na ang akdang kanilang nilikha ay repleksyon o salamin ng mga nagaganap sa lipunang kanyang kinalalagyan. Namayagpag ito sa Panahin ng Propaganda.
BAYOGRAPIKAL
Naniniwala ang mga bayograpikalista na ang manunulat ay nagsusulat ng mga bagay na personal niyang nararanasan at nakikita sa kanyang paligid . Kung gayon, ang mga isinusulat niyang mga akda ay mga hibo o impluwensiya ng mga karanasan at nangyari sa buhay.Ito'y namayagpag sa Kasalukuyan.
SIKOLOHIKAL
Ayon ka Freud ( Ama ng Sikolohiya ), ang tao ay isang Iceberg na lumulutang sa ibabaw ng karagatan. Nahahati ang Iceberg sa dalawa ang nakikitang bahagi at ang nakalubog na bahagi. Ang nakikitang bahagi ay ang malay na bahagi n
http://tl.wikipedia.org/wiki/Teorya_ng_panitikan
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
 |
|
|
1.Romantismo - ito ay isang istilo sa sining at panitikan. Mas may diin ito sa damdamin kaysa katwiran. Mas may diin sa imahinasyon at kutob kaysa lohika. Pinapanigan ng romantisismo ang maluwag na daloy ng emosyon at malayang kilos kaysa pinipigil at pag-aayos. Sa lahat ng aspeto, kabaligtaran ng klasisimo ang romantisismo. Ang pokus ay ang emosyon at imahinasyon ng tauhan sa akda. Nababatay ang tula ditto. Ang tula ay isang akdang pampanitikan na nagpapahiwatig ng matinding saloobin at maigting na kaisipang gumigising sa diwa ng mambabasa.
2.Humanismo - ang teoryang ito ay nagbibigay ng pagpapahalaga sa buhay ng isang tao. Kung saan ang sentro ng akda ay ang tao. Ang tao ang siyang pinahahalagahan dito. Siya lamang ang makagagawa ng paraan upang siya ay umunlad at ikatatagumpay niya. Siya rin ang nakagagawa ng ikababagsak at ikalalagapak ng kanyang buhay. Pwedeng gamitin ng sanaysay dito.
3.Bayograpikal - ang teoryang ito ay patungkol sa may-akda ng mga akdang pampanitikan. Siya ang nagsusulat o sumusulat ng mga akdang pampanitikan na ating nababasa magpasahanggang ngayon. Ang teoryang ito ay tumutukoy sa karanasan ng may akda sa kanyang sinulat na akda. Makababasa tayo ng ilang mga pangyayaring nangyari sa tunay na buhay ng may-akda upang masmapaganda pa nito ang paghubog sa kanyang sinulat na akda. Kakikitaan din ito ng pilosopiya ng may akda sa dahilang kababasaan ito ng kanyang pananaw. Patungkol ito sa mga bagay na nais niyang ihatid sa mga mambabasa. Pwedeng gamitin ng tula dito.
4.Klasisismo - ang isang akdang pampanitikan tulad ng kuwento ay nagpapahayag ng mga ekspresyon o saloobin ng karanasan sa buhay. Ang mga karanasan ay nagsisilbing aral na dapat maikintal sa kaisipan ng mambabasa. Kaya't dapat suriin ang pagiging marangal ng mga tauhan batay sa kilos, pananalita, paniniwala, at paghahatid ng kaisipan. Naaayon ang pagsusuring ito sa teorya ng klasisismo.
5.Realismo - Sinusuri ang akda sa pamamgitan ng pagtukoy sa tiyak na bahagi nito na nagpapatunay ng pagkakaroon ng transpormasyon ng tauhan sa pisikal, emosyonal, intelektuwal, espiritwal, at sikolohikal na aspekto. Naayon ng dula dito. Ang dula ay isang akdang pampanitikan na nagbibigay-kasagutan sa isang malalim na suliranin, naglalarawan ng kalikasan ng tao, at nagpapahayag ng tunggalian ng kalooban at damdamin ng mga tauhan.
6.Feminismo - ang teoryang ito ay mababatay sa papel na ginagampanan ng kababaihan sa tahanan o sa lipunan. Naaayon ang tula dito. Binibigyang-pansin kung paano inilalarawan ang mga babae, paano sila kumikilos, ang kanilang pananaw sa sarili at ang papel na kanilang ginagampanan sa lipunan. na ginagampanan ng kababaihan sa tahanan o sa lipunan. Naaayon ang tula dito. Ang kaisipang feminista ay bunga ng kilusan ng makabagong kababaihan noong banding 1960. May diwang pulitikal ito na mahigpit na tumututol sa lipunang patriyarkal at sexist.
7.Sikolohikal - sinasabing walang katapusan ang diwa at espiritu ng tao na makalaya sa kinabibilangangdaigdig. Sinisikap ng tao na kahit hinahangad niya ang kanyang kalayaan, naniniwala siyang hindi maihihiwalay sa daigdig ang tao nang walang pagbabagong magaganap sa kalikasan.
Ang tula ay may katangiang maglarawan ng mga tiyak na matulaing imahen batay sa isang salita, isang talutod, kabuuan at pamagat ng akda. Halimbawa, sa tulang "Ang Diyos at ang Agham", makikita ang imahen ng mga astronaut na lumapag sa buwan at ng patuloy na pagsasaliksik kung may buhay nga sa ibang planetang tulad ng Mars. Dito nailalapat ang mga kaalaman tungkol sa teoryang imahismo.
9.Eksistensiyalismo - ang mga tauhan ng akda any nagkakaroon ng mga paniniwala na labis nilang pinahahalagaan. Ipinapakita rin ng teoryang ito ang kalayaan at pagiging awtentiko. Isinasaad din ang teoryang ito, ang pagpapasiya sa sariling kilos, pagpili, at paggalaw na tanging tagapagbigay ng pagpapahalaga sa katauhan.
10. Formalismo - isa sa mga layunin nito ay mabigyan ng pagpapakahuluganang matatalinghagang salitang ginamit ng may-akda.
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
 |
 |
 |
| |
Top Henyos |
 |
|
gkumar
Level: Henyo
Rating:

Offline |
 |
|
soni1
Level: Henyo
Rating:

Offline |
 |
|
writer
Level: Matalino
Rating:

Offline |
|
 |
|
|
 |
 |
 |
|
|
|
|
|