alas onse. naglakad na ako papuntang sunken. kakatapos lang ng report namin sa anthro, at mukhang natuwa naman yung prof namin.
ilang sandali. nasa sunken na ako. may nakitang bakanteng upuan. nilatag ang bag. nilabas ang librong etikang tagalog, sigarilyo at lighter. bahagya akong nainis. maling kaha ang dala ko. yung pangit ang lasa. e gusto ko nang magyosi. pinatulan ko na lang.
sinimulan ko ang pagbasa. ang pangit talaga ng lasa. wala akong maintindihan. sinara muna ang libro, inubos yung sigarilyo, nagmasid sa paligid. ang ganda ng sunken. napapayapa ng konti ang magulong isipan ko. mapang-aruga ang simoy ng hangin. napapawi kahit papano ang sama ng loob ko sa mundo. gusto ko ulit pumunta ng banahaw.
binuksan muli ang libro. nagbasa. mas madali siyang intindihin kaysa dun sa ibang akda ng prof ko. mas mababaw ang tagalog. mas familiar.
nasa last chapter na ako. napatigil ako sa pagbasa. iba na ang nasa isip ko. ang kanta nila. naririnig ko na ang parte niya sa kanta. nagugunita ko kung pano siya kumilos, habang tinutugtog ang kantang iyon. bawat pikit ng mata, bawat hampas sa gitara, bawat galaw ng ulo at katawan. nakikita ko sa isipan ko. malinaw na malinaw.
nilatag ko ang libro sa upuan. niyakap ang bag, na tila ba'y ito na lang ang nagbibigay ng ginhawa sa akin, tanging bagay na makukunan ko ng kapanatagan ng loob.
dumaplis sa akin ang hangin, na parang nagsasabing konting tiis na lang, konting pasensya pa. tumahimik ang mundo. napaisip ako.
sadya bang ganito kapag tumatanda ka? mas marami kang napupunang kakulangan, pagsisisi sa mga pinalipas na pagkakataon at sa paggawa ng mga bagay na hindi dapat gawin? mas maraming katanungan kaysa mga sagot?
mas malala pa ako sa hangin. wala akong direksyon. wala akong makitang layunin sa buhay. walang dahilan. walang katuturan. wala.
ganito na lang ba? parating wala? para saan pa ang paglalakbay, kung gayon?
mga tanong. walang tiyak na sagot. katahimikan lang ang sumasalubong sa akin. nakakabinging katahimikan. hudyat na kelangan ko nang umalis. bumalik sa realidad, sa kasalukuyan, at iwan pansamantala ang lugar na iyon kung saan malaya kong napupuna ang aking mga emosyon at mga katanungan, at panatag kong nahaharap ang mga kakulangan at mga puwang sa buhay ko.
pagbalik ko sa tunay na mundo, balik ulit sa pagpapanggap, pagpapanggap na lahat ay nasa ayos, na lahat ay kaya ko pa. balik ulit sa pagsuot ng maskara. kunwari'y masaya, panatag, malaya. balik ulit sa pagiging ako. ang sunken lang at gudang ang mga karamay ko sa alintanahing ito.
|