Open Question |
|
|
halimbawa ng kwentong pabula?
Answered Question - 58678 views
|
 |
|
|
|
|
|
| Answers: |
 |
|
|
Ang Lobo at Ang Kambing
sang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niya ang tumalon upang maka-ahong palabas, ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan.
Noon dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining ang tinig ng lobo. "Marami bang tubig sa loob ng balon?" tanong nito sa lobo. "Oo, napakarami!" ang pagsisinungaling na sagot naman ng lobo.
Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman ngang siya'y niloko lamang ng lobo. "Ngayo'y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito," ang sabi ng lobo. "Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito," ang sabi ng kambing.
"Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan kung papaano nating gagawin iyon."
"Papaano?"
Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. "Ako muna ang lalabas. At kapag nakalabas na ako, at saka kita hahatakin palabas," pangako nito. "Sige," ang sabi naman ng kambing.
Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na ng kambing para tulungan nito'y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa'y sinabing, "Walang lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko."
Malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon.
|
1  :  1 | 50% AC
|
|
 |
|
|
Isang araw, may isang alakdan na lumilibot sa bundok upang makahanap ng lilipat. Nilakbay niya ang mga gubat, burol... Umakyat sa mga batuhan at halamanan hanggang sa umabot siya sa isang ilog.
Malawak at mahaba ang ilog kaya huminto siya at nagplano. Walang paraan para siya ay makatawid kaya't siya ay naglibot paakyat-pababa sa paligid ng ilog hanggang sa siya'y napaisip na bumalik na lamang.
Mula sa isang tabi, may nakita siyang isang palaka na tumatawid sa ilog. Naisip niyang humingi ng tulong dito.
"Magandang Umaga Ginoong Palaka!" tawag ng alakdan. "Maaari mo ba kong isakay sa iyong likod para makatawid sa ilog?"
"Ayoko nga, pano ako makakasiguro na hindi mo ko papatayin?" tanong nang nangangambang palaka.
"Dahil," sagot ng alakdan. "Kung patayin kita, mamamatay din ako dahil hindi ako marunong lumangoy!"
Mula doon ay napaisip ang palaka. May punto nga naman ang alakdan... Nguni't para makasiguro ay tinanong niya ito ulit. "Pano kung malapit na tayo sa baybayin? Maaari mo parin akong patayin tapos ay ikaw na lang ang uusad sa gilid ng ilog."
"Totoo, " sumang-ayon ang alakdan, "Pero walang paraan para ako ay umabot sa kabilang dulo ng ilog."
"O sige... pano kung aantayin mo lamang tayong makatuntong sa kabilang dulo bago mo ko patayin." sabi ni palaka.
"Ahhh... dahil kapag nadala mo na ko sa kabilang dulo, magkakaroon ako ng utang na loob sa iyo kaya't hindi ko magagawang patayin ka, diba?" sagot ng alakdan.
Sumang-ayon ang palaka na itawid ang alakdan kaya siya ay nagpunta sa kinaroroonan nito at isinakay siya. Matapos noon, ay tumawid na ang palaka sa ilog na kasama ang alakdan... Bagaman malakas ang daloy ng ilog, siniguro niya na di malulunod ang kanyang pasahero.
Nguni't sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay, naramdaman ng palaka na may tumusok sa kanyang likuran. Nang napasilip siya ay nakita niyang tinatanggal ng kanyang pasahero ang nakatusok na buntot na may lason sa kanyang likuran. Namanhin ang kanyang laman-loob hanggang sa kumalat ito sa kanyang buong katawan.
"Loko-loko!" sambi't ng palaka, "Ngayon mamamatay tayong dalawa! Bakit mo ginawa yon?"
Nagkipit-balikat ang alakdan at sinabing... "Wala akong magawa, natural na sa akin ang ganoon."
At sabay silang nalunod sa malalim na ilog.
Mula sa Eden's Bowy
|
1  :  0 | 100% AC
|
|
 |
|
|
ang kwentong pabula ay kwentong ang gumaganap na pangunahing tauhan o mga tauhan ay pawang mga hayup. kung nabasa mo ang kwento nina matsing at pagong yun ay isang halimbawa ng kwentong pabula. kung gusto mo ng kabuuang kwento ng isang pabula. pm mo ako.
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
 |
|
|
Ang Kuneho at ang Pagong
Isang araw habang naglalakad si Kuneho ay nakasalubong niya si Pagong. Palibhasa makupad maglakad ang pagong kaya pinagtawanan ito ng kuneho at nilibak.
"Napakaiksi ng mga paa mo Pagong, kaya ubod ka ng bagal maglakad, wala kang mararating niyan." At sinundan iyon ng malulutong na tawa.
Labis na nainsulto ang Pagong sa mga sinabi ng Kuneho. Para patunayan na nagkakamali ito ng akala ay hinamon nya ang Kuneho.
"Maaaring mabagal nga akong maglakad, subalit matibay ang katawan ko, hindi mo ako matatalo."
Lalo lamang siyang pinagtawanan. "nabibigla ka yata Pagong, baka mapahiya ka lamang," wika ni Kuneho.
"Para magkasubukan tayo, magkarera tayo patungo sa ituktok ng bulubunduling iyon." Itinuro ni Pagong ang abot-tanaw na bundok.
Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang na Kuneho sa hamon na iyon ni Pagong. Nagtawag pa ito ng mga kaibigan para manood sa gagawin nilang karera. Gusto niyang lalong libakin si Pagong sa harap ng kanyang mga kaibigan oras na matalo niya ito.
Nakapaligid sa kanila ang mga kaibigang hayop. Si matsing ang nagbilang para sa pag-uumpisa ng paligsahan.
"Handa na ba kayo".
Magkasabay na tumugon sina pagong at kuneho. "Handa na kami!".
"Isa..Dalawa..Tatlo.!.takbo", sigaw ni matsing.
Magkasabay ngang humakbang ang dalawa mula sa lugar ng pag-uumoisahan. Mabilis na nagpalundag-lundag si Kuneho. Halos sandaling minuto lamang ay naroroon na siya sa paanan ng bundok.
Ng lumingon siya ay nakita niyang malayung- malayo ang agwat niya kay pagong.
Patuloy sa kanyang mabagal na paglakad si pagong, habang pinagtatawanan siya ng mga nakapaligid na hayop. Hindi pansin ni Pagong ang panunuya ng mga ito. Patuloy siya sa paglakad, walang lingun-lingon.
Samantala, si Kuneho ay halos mainip na sa paghihintay na makita si pagong sa kanyang likuran. Ilang ulit na ba siyang nagpahinto-hinto, pero wala ni anino ni pagong. Palibhasa malaki ang tiwala niya sa sarili, alam niya ang kakayahan tumakbo ng mabilis, ipinasya niyang maidlip muna ng makarating an siya sa kalagitnaan ng bundok. Tutal nakatitiyak naman siya ng panalo.
Patuloy nman sa kanyang mabagal na paglakad si pagong paakyat, hanggang sa marating niya ang kalagitnaan ng bundok, naraanan pa niya si kuneho na mahimbing na natutulog at malakas na naghihilik. Nilampasan niya ito at nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa marating niya ang hangganan ng kanilang karera.
Ng magising naman si kuneho ay muli itong tumingin sa ibaba ng bundok, subalit hindi pa din makita si pagong. Humanda na siyang maglakad muli paakyat ng bundok, subalit ganoon na lamang ang gulat niya ng matanaw si pagong na naroroon na sa ituktok ng bundok.
Naunahan na pala siya.
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
 |
|
|
ANG PANGIT NA INAKAY
Tag-araw sa bukid.Isang pangit na inakay ang napisa mula sa isa sa mga itlog ng inahing pato.
"Sisiw ng pabo'yan," anang isa sa mga pato sa bukid.Ngunit sa ilog,ipinakita ng pangit na inakay ang kanyang galing sa paglanggoy.Nagpasya ang inahing pato na hindi sisiw ang pangit na inakay.Ngunit naging malupit sa pangit na inakay ang ibang hayop sa kamalig,kaya nagpasya ang pangit na inakay na umalis na lamang.Napadpad ang pangit na inakay sa isang latian. Niyaya siya ng dalawang ligaw na gansa na lumipad, ngunit nabaril
ang mga ito ng mangangaso.Nilisan ng pangit na inakay ang latian.Narating niya ang kubo ng isang aleng may alagang inahing manok at pusa.Dahil nais ng inahin na mangitlog siya at gusto naman ng pusa na magmiyaw siya,umalis na lamang ang pangit na inakay.Bumalik ang pangit na inakay sa latian.Nakakita siya ng isang kawan ng naggandahan at puting-puting ibon.Ibinuka ng mga ibon ang mga pakpak at lumipad.Dumating ang taglamig.Nilukuban ng yelo ang pangit na inakay.Isang dumaraang magsasaka ang sumagip sa kanya at iniuwi siya sa bahay.Nang mahimasmasan ang pangit na inakay ay hinabol siya ng mga anak ng magsasaka.Sa takot na baka saktan siya ay kumaripas siya ng takbo palabas ng bahay.Walang ibang mapuntahan ang pangit na inakay kundi ang latian-at ang malupit na taglamig.Sa wakas,sumikat din ang araw.Dumating na ang tagsibol.Ibinuka ng pangit na inakay ang kanyang mga pakpak at nagpanto niyang nakakalipad na siya!Dumapo ang pangit na sisiw sa lawa ng isang maringal na hardin.Doon ay nakita niya uli ang mga puting ibon na may mahahagway na leeg.Mga sisne!Hinihintay niyang tukain at saktan siya ng mga sisne dahil sa kanyang kapangitan...Ngunit nang tumingin siya sa tubig ay nasalamin niya roon
ang kanyang anyo.Siya rin ay isa nang napakagandang puting sisne!Naalala ng dating pangit na inakay ang mga panlilibak sa kanya.Kung hindi sa mga hirap na dinanas niya ay hindi niya mapapahalagan ang kanyang kapalaran at magandang anyo.
ARAL NG KWENTO:
"ANG MGA PAGSUBOK AT PAGHIHRAP SA BUHAY AY MAY KATAPAT NA MAGANDANG GANTIMPALA."
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
 |
 |
 |
| |
Top Henyos |
 |
|
gkumar
Level: Henyo
Rating:

Offline |
 |
|
soni1
Level: Henyo
Rating:

Offline |
 |
|
writer
Level: Matalino
Rating:

Offline |
|
 |
|
|
 |
 |
 |
|
|
|
|
|