Thursday 09 September 2010 : 10:50:45 PM Welcome back Guest. Login | Register
Home Ask a Question My Profile Register
Home / Academic / Wika at Panitikan
Open Question
    
alfredooo
Level: Baguhan
Rating:

buod ng El Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal
?

nobela ni Jose Rizal

Answered Question - 54178 views

  Email this Question to a friend

Research your answer in the web
    Answers:
MAIKLING KABUUANG BUOD NG EL FILIBUSTERISMO

Ang Fili ay nagsisismula sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga pasahero ang mag-aalahas at nagbabalatkayong si Simoun na dili iba't si Ibarra, ang makatang si Isagani, at si Basilio. Itong huli, na ngayo'y binata na. Labintatlong taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa.

Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagkakataon ay nakatagpo ni Simoun sa pagdalaw niya sa pinagbaunan sa kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nkilala niyang si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo; at upang ang ganitong lihim ay huwag mabunyag, ay tinangka ni Simoun na patayi si Basilio. Datapwa't nakapaghunos-dli siya at sa halip ay hinikayat ang binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila sa Pilipinas. Si Basilio ay tumanggi dahil sa ibig niyang matapos ang kanyang pag-aaral.

Habang ang Kapitan Henereal ay nagliliwaliw sa Los Banos, ang mga estudyanteng Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa Kanyang Kamahalan upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay di napagtibay, ayon sa nais ng mga estudyante, sapagka't napag-alamang ang mamamanihala sa akademyang ito ay mga prayle (samahan ng pananampalataya), samantalang ang mga estudyante ay magiging tagapangilak lamang. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya.

Samantalang nangyayari ito, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang umanib sa binabalak niyang paghihimagsik at mangulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subali't hindi naibunsod ang ganitong Gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay na nang hapong yaon.

Ang ga estudyante naman, upang mapapaglubag ang kanilang sama ng loob ukol sa kabiguang natamo sa panukalang pagtatatag ng akademya ng Wikang Kastila, ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga talumpating binigkas habnag sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan.

Sapagka't ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang mapawalang-sala, kaya't sila'y nakalaya, maliban kay Basilio na walang makapamagitan ng kanyang karukhaan at pagkamatay ni Kapitan Tiyago. Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya si Basilio nguni't sa halip na makatulong ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento.

Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na idaraos upang ipagdiwang ang kasal, ang mga may matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod.

Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik na nauumang. Sinamantala ni Simoun ang ganitong pagkakataon upang ipakita si binata ang bombing kanyang niyari. Ito ay isang lampara na may hugis Granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawan ay ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto ay manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio, ang Granada ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan --- at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa isang dako naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun.



2 : 1 | 66.7% AC
Mag-iikapito pa lamang ng gabi ng araw ng kasal, at si Basilio ay palakad-lakad sa tapat ng bahay ng pinagdarausan ng handaan. Di-kawasa'y nanaog si Simoun upang lisanin niya ang bahay na yaong di malulutawan ng pagsabog. Ang nanlulumong si Basilio ay sisinod sana nguni't namalas niyang dumatng si Isagani, ang naging katipan at iniring ni Paulita. Pinagsabihan niya itong tumakas nguni't di siya pinansin kaya't napilitan si Basilio na ipagtapat kay Isagani ang lihim na pakana subali't hindi rin napatinag ang binatang ito.

"Nanlalamlam ang lampara," ang pansin na di mapalagay na Kapitan Heneral. "Utang na loob, ipakitaas ninyo, Pari Irene, ang mitsa."

Kasimbilis halos ng lintik sa sinambilat ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay nawalan ng bias ang pakana ni Simoun para sa isang paghihimagsik sa sandatahan. Siya, ay pinag-uusig ngayon ng mga may kapangyarihan, ay tumakas sa bahay ni Pari Florentino na nasa baybayin ng karagatang Pasipiko. DI naluwata'y papalapit na ang mga alagad ng batas na darakip sa kanya. Uminom siya ng lason upang huwag pahuli nang buhay. Ipinagtapat niya kay Pari Florentino ang tunay niyang pangalan at pagkatao. Isinalaysay niya sa paring ito ang malungkot na kasaysayan ng kanyang buhay mula nang siya ay bumalik sa Pilipinasna buhat sa Europa, labintatlong taon na ang nakalipas.Binanggt niya ang pag-iibigan nila ni Maria Clara at pagbabalatkayo niya na mag-aalahas sa pakay na maigupo ang Pamahalaan at makipaghiganti sa pamamagitan ng isang paghihimagsik. Pagkatapos na mpangungumpisal ay namatay si Simoun.

Sa nais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang naiwan ng mag-aalahas, kayamanang nagging kasangkapan nito sa pagtatanim ng mga bukto't na Gawain ay itinapon ni Pari Florentino sa karagatan ang kahong asero na kinatataguan ng di-matatayang kayamanan ni Simoun.



1 : 0 | 100% AC
Buod ng El Filibusterismo


Matapos ang masalimuot na pangyayari na bumabalot sa mga tauhan sa Noli Me Tangere, lalo pa itong pinaigting ng diwa ng paghihiganti, karahasan at karuwagan sa akdang El Filibusterismo sa panibagong katauhan ni Crisostomo Ibarra bilang Simuon- isang Amerikanong hilaw na mag-aalahas. Gamit ang kanyang taglay na yaman at pagiging malapit sa Gobernador Heneral ng Espanya, unti-unti niyang isinagawa ang kanyang paghihiganti sa mga prayle kasabay ng kanyang pagbabalak na itakas ang kanyang pinakamamahal na si Maria Clara mula sa kumbento ng Sta. Clara na maituturing na kakambal ng impiyerno.


Bilang kanyang paghahanda sa binabalak na pag-aalsa, tahimik siyang kumuha ng mga tauhang kanyang magiging kasangkapan. Ang isa sa mga abang ito ay si Kabesang Tales. Ginamit ni Simoun ang pagiging marahas at palaban nito upang himukin na ipaghiganti ang sariling pamilya. Di nagtagal ay sumanib din ang kanyang amang si Tandang Selo sa pagrerebelde bilang tanda ng kanyang galit sa mga Kastila partikular ang mga prayle. Ang sumunod naman ay si Quiroga. Siya ay isang negosyanteng Intsik na binigyang tulong-pinansyal ni Simoun kapalit ang kanyang pagpahintulot na ilagak ang mga baril na gagamitin sa binabalak na pag-aalsa sa kanyang tahanan. 'Di nagtagal ay nahimok din ni Simoun si Placido Penitente- isang mag-aaral na nakipagtalo sa kanyang guro dahilan sa baluktot nitong pamamalakad. 'Di naging mahirap para kay Simoun na manghimok ng kakampi sa dahilang tulad niya rin ang mga ito na napag-alab ang galit sa pakana ng mga kastila. Naiiba sa mga ito si Basilio. Sa kabila ng kapaitan ng kahapon, pinili pa rin niyang mamuhay ng walang bahid ng paghihiganti sa puso. Lubos niyang pinagpapasalamat ang pagpapaaral sa kanya ni kapitan Tiyago at ang magandang buhay na kanyang tinatamasa kasama ang kanyang kasintahan na si Juli kaya't wala na siyang mahihiling pa. Ngunit naging mapaglaro sa kanya ang tadhana. Dahil sa pagkakamali ng kanyang mga kamag-aral at mga kasapi sa AWK sa pangungutya at paggawa ng katatawanan sa mga prayle, sila'y napagbintangang mga utak ng pagbabadya ng paghihimagsik sa pamamalakad ng mga kastila. Ang mga nagkalat na paskin ay siyang naging matibay na patunay laban sa kanila. Siya'y nakulong at binawian ng lahat ng kasaganahan sa buhay. Kasabay ng kanyang pagkakakulong ay ang misteryosong pagkamatay ni Juli matapos makipagkita kay Padre Camorra upang humingi ng tulong para sa kanyang paglaya. Tuluyan naman siyang nagipit ng pumanaw si kapitan Tiyago at nang hindi siya nito pamanahan ni isang kusing. Ang mga paghihirap ng kahapon na unti-unti siyang binabalikan ay ang naging dahilan upang makianib siya sa nanghihinang si Simoun. Lubos ang pagkalumbay ng huli matapos na malaman na pumanaw na ang nag-iisang dalaga na nagbibigay-lakas sa kanya upang ipagpatuloy ang buhay. Ngunit nang magdesisyon si Basilio na makipagtulungan sa kanya, agad na sumibol muli ang kanyang diwa ng paghihiganti.


Dahil sa mapagbigay na pagmamahal ni Isagani kay Paulita Gomez hindi naging matagumpay ang balak ni Simoun na pasabugin ang tahanan ni Kapitan Tiyago na kung saan nagaganap ang magarbong salu-salo ng pag-iisang dibdib ni Juanito Pelaez at Paulita Gomez gamit ang isang mamahaling lampara. Bagkus, ito pa ang nagsilbing patunay para kay Padre Salvi na siya at si Crisostomo Ibarra ay iisa. Siya'y agad na ipinahanap upang dakipin. Upang magtago siya'y pumunta kay Padre Florentino sa pag-aakalang siya'y maiintindihan nito ngunit ang lahat ng kanyang paniniwala ay sinalungat ng pari. Nang makatanggap sila ng liham na nag-uutos na isuko ang taong tinatago ni Padre Florentino agad na nabuo sa kanyang isipan na mas mabuti pang siya'y magpatiwakal kaysa mapasakamay ng mga kastila. Namatay siyang hindi yumuyukod sa relihiyon at pamamalakad ng mga dayuhang nagpahirap sa kanya.

Ang kanyang mga kayamanan at labi ay pinaagos ni Padre Florentino sa dagat at ito'y lumubog sa kalaliman. Ito'y mananatili sa pagkakasilid hanggang ito'y matuklasan ng hinaharap.



0 : 1 | 0% AC


 
   Categories
    Arts & Entertainment
    Business and Money
    Health
    Academic
    Miscellaneous
    Reference
    Relationships and Beliefs
    Science and Mathematics
    Sports and Leisure
    Technology
 
 
   Share
        Facebook
        Twitter
        Plurk
 
 
   Search
JobTitle, Company, Skills, Industry, etc.
 
 
   Top Henyos
allenadriane
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
writer
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
La_Gioconda
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
kimonrold*
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
attorney
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
 
 
   Most Viewed

Q: kwentong jaguar ?

Q: what is the teory of francisco colin?

Q: Ano ang Morpenang Salita?

Q: ano ang pagtugon sa mensahe?

Q: ano ang dula?



 
 
Copyright ©2010 Pinoy Henyo. All Rights Reserved.