Wednesday 17 March 2010 : 05:02:01 PM Welcome back Guest. Login | Register
Search keyword:
e,g."Philippine Independence"
Home Ask a Question My Profile Register
Home / Academic / Wika at Panitikan
Open Question
    
elai
Level: Baguhan
Rating:

anu-ano p0h b ang mga halimbawa ng:

maikling kwentong cebuano gamit ang teoryang humanismo?

Answered Question - 4187 views

  Email this Question to a friend

Research your answer in the web
    Answers:
i am not sure if this is a cebuano. i found this sanaysay "Ako si Magiting" by Consolacion P. Conde, and it uses the Teoryang Humanismo.

AKO SI MAGITING

Ang tao sa kanyang kabataan pa lamang ay dapat nang kakitaan at karinggan ng kanyang paninindigan bilang isang mamamayan. Matuto siyang magbulay-bulay ng mga bagay-bagay sa kanyang paligid lalo't nahihinggil sa kalayaan, katahimikan at kaunlaran ng bayan. Ang kapansanan ay di sagwil upang makapaglingkod sa inang-bayan.

Nangingiti kayo, sapagkat narito ako sa inyong harapan. Nagbubuka ako ng bibig at pilit kong pinalalaki ang aking maliit na tinig!

Tunay, ako'y musmos pa lamamng kung inyong pagmamasdan. Subalit ang aking puso ay singhugis at sinlaki na rin ng inyong puso. Ang aking dibdib ay sintibay na rin ng inyong dibdib. Pahat man ang aking diwa ay nakauulinig ang aking pandinig at nakakikita ang aking mga mata. Nadarama ko ang agay-ay ng hangin, ang init ng araw, ang pintig ng buhay.Nalalasahan ko ang linamnam ng ligaya at tamis ng tuwa. Nananamnam ko ang pait ng apdo at saklap ng dalamhati. Nahuhulo ko na rin ang ganda ng kabutihan at kapangitan ng kasamaan.

Kahapon ay nasaksihan ko kung papaanong inakay ng isang batang lalaki ang isang matandang ina. Sa kapalaran ng mataong lansangan ay tumawid sila; at ang matanda ay nailayo sa panganib at kamatayan. Aniko sa sarili, gayundin ang dapat kong gawin!

Ngunit kanina sa tindahan ng Intsik sa panulukan ay nanghilakbot ako sa aking nakita. May binatilyong kagaya ko, datapwa't may hawak na bote ng alak at sa mga bulang kanilang nilalagok ay unti-unti silang nangawala sa kanilang mga sari-sarili. Maya-maya pa'y naghalibasan sa isa't isa. Ang ilan ay nangalugmok at nangahandusay. Ang iba nama'y sugatang nagsipanakbuhan. O! Kasuklam-suklam na panoorin... Naibulong ko na lamang: A, hindi ko sila dapat pamarisan!

Katutunghay ko pa lamang sa pahayagan ngayon na aking dala. Isang panawagan sa kabataan ang magpatala upang ihanda ang kanilang sarili sa pagsasanggalang sa kalagayan ng bayan. Kaya naman ako... ako nabibilang sa kabataan ay naririto upang ilaan ang aking sarili sa paglilingkod sa Lupang Tinubuan!

Bakit kayo nangingiti? Bakit nga? Bakit niyo ako pinagmamasdan mula paa hanggang ulo? mula ulo hanggang paa? Bakit? A, dahil ba sa ako'y isang pilay? At putol ang isang paa? Iyan ba ang dahilan kung bakit nag-aatubili kayong ako ay tanggapin? Iyan ba ang sanhi kung bakit minamaliit ninyo ang aking alok na paglilingkod?

Mga ginoo, nagkakamali kayo! Ako'y naririto upang magpatala-upang lumaban; hindi... upang tumakbo!



2 : 0 | 100% AC


Related Questions:

 
   Categories
    Arts & Entertainment
    Academic
    Business and Money
    Health
    Miscellaneous
    Reference
    Relationships and Beliefs
    Science and Mathematics
    Sports and Leisure
    Technology
 
 
   Bookmarking
        Digg This
        Del.icio.us
        Yahoo My Web
 
 
   Top Henyos
umibigatnabigo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
boyhenyo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
cklaighe
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
jperana
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
colinam
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
 
 
 
 
   Most Viewed

Q: ano ang matalinghagang salita?

Q: buod ng teknolohiyang pananaliksik ?

Q: ano ang ibig sabihin ng pangkatang talakyan?

Q: what is the name of the author "ang bata, ang ibon at ang ulan"?

Q: bakit pinamagatng noli me tangere ang nobela ni rizal?



 
Copyright ©2010 Pinoy Henyo. All Rights Reserved.