Tuesday 16 March 2010 : 01:16:49 PM Welcome back Guest. Login | Register
Search keyword:
e,g."Philippine Independence"
Home Ask a Question My Profile Register
Home / Miscellaneous / Others
Open Question
    
paulo_09
Level: Baguhan
Rating:

anu-ano mga teorya na pinagmulan ng daigdig?

mga espesyal na teorya

Answered Question - 9996 views

  Email this Question to a friend

Research your answer in the web
    Answers:

Teoryang Nebular
- Si Emmanuel Kant, isang pilosoper na Aleman ang nagpanukala noong hinggil sa pinagmulan ng daigdig. Ayon kay Kant, ang daigdig, pati na ang ibang nebula, ay nagtataglay ng gas. Sa simula, ito ay malamig, ngunit sa katagalan, ang mga partikulo sa loob ng nebula ay nag-uumpugan dahil sa puwersa ng grabidad na siya naming nagtulak sa mga ito upang umikot. Habang umiigting ang masa, ito’y uminit ng uminit, hanggang sa ito’y naging bolang araw na naghahasik ng mga bolang gas na natanggal, dahil sa lakas ng “centrifugal” hanggang ang mga ito ay lumamig at naging planeta. Ito ay tinawag na “Nebular Hypothesis”.
- Ang teorya ni Kant ay sinang-ayunan ni Pierre Simon Marquis de Laplace, isang sayantist na Pranses noong 1796.

Teoryang Planetisimal
- Isa pang paniniwala ang Teoryang Planetisimal nina Prop. Thomas Chamberlain at Forest Moulton na binago ni Harold Jeffreys. Batay sa teorya, ang sistemang solar ay mula sa isang malaking bituin na sumabog nang mapalapit ito sa isa pang bituin. Ang isang kimpal na sumabog na bituin ay naging araw, samantalang ang ibang kimpal ay naging pamilya ng planeta ang bawat isa.

Teoryang Big Bang
- Ang pinaka popular na teorya ngayon ay ang Teoryang Big Bang. Ayon sa teoryang ito, ang sandaigdigan ay nabuo matapos ang malakas na pagsabog (kaya ito ay tinawag na Big Bang). Ang pagsabog na ito ay tinatayang naganap mga 20 bilyong taon na ang nakalilipas at lumikha ng malaking bola ng apoy. Nang magtagal, ang higanteng bola ng apoy na ito ay nagkadurug-durog, naging mga bituin, planeta, araw, buwan, at iba pa.
- May dalawang aspekto ang Teoryang Big Bang. Ayon sa isa, simula ng maganap ang malaking pagsabog, patuloy na lumalayo ang mga piraso ng bolang apoy sa isa’t isa kaya’t patuloy ring lumalawak ang nasasakupang espasyo ng sandaigdigan. Ayon naman sa ikalawa, ang patuloy na paggalaw ng mga bituin, gas, at iba pang sangkap ng sandaigdigan ay maaaring tumigil sa paglayo sa isa’t isa at sa halip ay puwedeng bumalik, magsalubong, at magbanggaan. Kapag nangyari ito, anila, ang simula at wakas ng sandaigdigan ay parehong magsisimula sa isang malakas na pagsabog.

Teoryang Kondensasyon
- Ang Teoryang Kondensasyon ni Robert Jostrow, ang isang araw o bituin ay nagsimula sa pamumuno ng mga masa ng hydrogen, gas, at ng atomic dust. Sa kalawakan na tumatanda, sumasambulat at nagsasabog ng mga pira-pirasong masa at sumasama sa mga bagong namumuong mga araw tulad ng mga planeta at bituin. Ang pangyayari ay paulit-ulit at walang katapusan.

Teoryang Dynamic Encounter
- Si George Buffon ay isang naturalista na nagsasabing ang daigdig ay nagsimula sa mga natunaw na sangkap na lumayo sa araw, pagkatapos ng pakikipagsagupaan sa isang Kometa. At ito’y kanyang tinawag na “Dynamic Encounter”.



0 : 0 | 0% AC


Related Questions:

 
   Categories
    Arts & Entertainment
    Academic
    Business and Money
    Health
    Miscellaneous
    Reference
    Relationships and Beliefs
    Science and Mathematics
    Sports and Leisure
    Technology
 
 
   Bookmarking
        Digg This
        Del.icio.us
        Yahoo My Web
 
 
   Top Henyos
umibigatnabigo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
boyhenyo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
cklaighe
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
jperana
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
colinam
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
 
 
 
 
   Most Viewed

Q: Do you want the best MMORPG MU ONline Server!?

Q: anong feeling mo,na naging henyo ka dito sa pinoy henyo?

Q: graduating in high school and wishing to pursue college but dont know what career to take?

Q: what is the equivalent of $1000 TO PESO??? ?

Q: Ano ang panitikan?



 
Copyright ©2010 Pinoy Henyo. All Rights Reserved.