> Ang varayti ng wika ay ang pagkakaroon ng natatanging katangian na
nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyunal na
makatutulong sa pagkilala sa isang partikular na varyasyon o varayti ng wika.
> Ito rin ang pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa bansa.Maaaring ang pagkakaiba ay nasa bigkas, tono, uri at anyo ng salita.
Nagbigay si Cafford (1965) ng dalawang uri ng varayti ng wika.
A. permanents para sa mga tagapagsalita / tagabasa
Nabibilang dito ay:
1.dayalekto
Ang dayalekto ay batay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay. Nakikita ito
kaugnay ng pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita o grupo ng
tagapagsalita sa isa sa tationg dimension: espasyo, panahon at katayuang
sosyal.
Halimbawa:
Tagalog-Bulacan
Tagalog-Batangas
Tagalog-Laguna
2. Idyolek
- Samantala ang idyolek ay isang varayti na kaugnay ng personal na kakanyahan ng tagapagsalita o wikang ginagamit ng partikular na indibidwal.
- Ang mga tanda ng idyolek ay maaaring idyosinkratiko tulad ng paggamit ng partikular na bokabularyo nang madalas.
- Ayon pa rin kay Catford, permanente nang matatawag ang idyolek ng isang taong may sapat
na gulang.
B. pansamantala dahil nagbabago kung may pagbabago sa sitwasyon ng pahayag.
Kasama rito ang register, mode at estilo:
1. Ang register ay varayting kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita
sa oras ng pagpapahayag.
Halimbawa:
sayantipikong register
panrelihiyong register
pang-akademikong register
2. Ang estilo ay ang varayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap.
Ang estilo ay maaaring formal, kolokyal at intemeyt o personal.
3. Ang mode ay ang varayting kaugnay sa midyurn na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng pasalita o pasulat.