|
|
Batay sa Relihiyon...
Ayon s Kristoyano, ito ay tulad rin ng parang sa mito, may isang lumikha. Nilikha niya ang mundo sa loob ng anim na araw...
Ang pangatlo ay ang Batay sa agham...
Maraming teorya ang pinagmulan ng ating daigdig pagdating sa Agham.
Teoryang Nebular.
Ito ay konsepto ni Immanuel Kant. Ayon sakanya, ang ating solar system ay nagmula sa malaki, mainit at umiikot na nebula. Habang ito ay umiikot, sa init nito, ang gitna nito ay naging araw at ang mga maliliit na matter na natira,iyon ang mga naging planeta.
Teoryang Planetisimal..
Ito ay dahil sa isang bituin na dumaan malapit sa araw, at natangay nito ang ibang parte ng araw at ito ang naging planeta.
Teoryang Tidal
Ito ay may kahawig sa planetisimal. Ang konseptong ito ay nagmula kay Harold Jeffreys at James Jeans. May isang bituin na dumaan mula sa araw at ang ibang parte(debris) nito ay natangay at iyon ang mga naging planeta.
Teoryang Kondensasyon
Ito ang dahil sa isang gas cloud, na umiikot. habang ito ay umiikot at lumiliit. Dahil sa balani(gravity). ito ay lumiliit at umabot ito sa mahigit na 10 200 milyong digri at ito ang naging solar system.
Teoryang Big Bang
Ito ay konsepto ni Fred Hoyle at ang teoryang big bang na ito ay ang ating mas pinaniniwalaang teoryang galing sa agham. Ito ay dahil sa hydrogen mass na sumabog sa kalawakan at dahil sa pagsabog na iyon, ay nag karoon ng solar system.
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
 |
|
|
Mula sila sa paligid-ligid, at kung totoo ang hinuha na sadyang matagal na sila sa Pilipinas, naglakad lamang sila nuong tag-ginaw. Malamang marami sa kanila ang namangka, kahit na ngayon ay wala silang kaalaman sa pagdaragat, sapagkat ang mga Negrito sa ibang pulo, gaya ng mga taga-Andaman, sa Indian Ocean, ay marunong gumawa ng bangka at maglakbay sa ilog at dagat.
Dahil dito, hindi mapagsasarili ang kasaysayan ng Negrito sa Pilipinas, kailangan tignan ang pali-paligid, ibang pook na maaaring pinanggalingan ng mga Negrito. Maliban sa mga Aeta, may 2 pang malaking pangkat ng mga Negrito: sa Semang, Malaysia, at sa pulu-pulo [archipelago] ng Andaman, sa gitna ng dagat ng India [Indian Ocean] sa tapat ng Myanmar, ang dating Burma.
Mayroon ding katibayan sa Vietnam na Negrito ang unang tao duon. May mga bungo na nahukay na 25 o 50 libong taon ang tanda. May mga alamat sa Myanmar ng mga taong pandak, maitim at may buhok na kulut-kulot na kumakain ng tao, na nanirahan sa tabi ng mga ilog at dagat duon nuong unang panahon.
Ang mga Negrito sa Andaman lamang ang tanging napahiwalay nang matagal sa ibang tao dahil nasa gitna sila ng dagat ng India [Indian Ocean]. Kinukuro na kung sila ay susuriin, sila ang makapagpapatibay na nakarating nga sa Asia ang mga ninuno ng mga taong kasalukuyan [homo sapiens] mula Africa. Ayon sa kurukuro, kung mapapatunayan ito, masasabing unang nakarating ang Negrito sa Asia 100,000 taon SN sapagkat iyon ang panahong dumanak sila sa timog China at baka sa India rin.
Ang mga Negrito sa ibang lugar, gaya ng Vietnam, Pilipinas, Malaysia at Indonesia, ay nahaluan na ng ibang tao, naging mestizo, at naging pangkaraniwang mamamayan na, gaya ng mga taga-Melanesia, Papua at New Guinea. Ganito ang nangyari sa Negrito, maliban sa nalalabing angkan-angkan, pangkat-pangkat. Gaya ng mga Batak na patago-tago sa gubat at isa-isang nawawala, ang karamihan ay nagkaugnay at napasama na sa ibang pangkat.
|
0  :  1 | 0% AC
|
|
 |
|
|
sir ang theory ni Charles Darwin ata na nagmula daw ang tao sa apes
may theory dn na nagmula ang tao sa mga microorganisms na nasa paligid ligid
at may theory din po na nagtransform ang tao sa mga different species noong unang panahon due to Chemical Reactions
un lang po ang lahat ng naaalala ko...
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
|