Friday 19 March 2010 : 01:25:36 PM Welcome back Guest. Login | Register
Search keyword:
e,g."Philippine Independence"
Home Ask a Question My Profile Register
Home / Academic / Wika at Panitikan
Open Question
    
arleete
Level: Baguhan
Rating:

anu po ba ang maikling kuwento pwede nyo po ba kami bigyan ng halimbawa ng maikling kuwento tungkols sa pagtatagumpay?

Answered Question - 6770 views

  Email this Question to a friend

Research your answer in the web
    Answers:
Dekada
Hector Olympus

Kuya, ano ba yung blunder?

"Anong blunder? Saan mo ba narinig yan?"

"Sabi kasi ng teacher ko sa History, blunder daw yung kaso nung Presidente kaya nakulong."

"Plunder. Plunder yon, hindi blunder."

"E, ano nga yung plunder? Ba't sya nakulong? Tsaka bakit EDSA 2? Di ba isa lang naman yung EDSA?"

Sampung taon. Isang dekada na pala ang nakalipas mula nang ipinanganak si bunso. Sa edad niyang sampu, napakaraming tanong sa isip niya na aaminin kong kahit ako ay hirap na sagutin kahit na mahigit dalawampung taon na akong nabubuhay sa mundo.

Paano ko ba ipaliliwanag sa kanya kung bakit kailangang umalis nang bansa si Nanay at si Tatay para mag-caregiver sa ibang bansa gayung pareho naman silang mga college graduates? Paano ko siya aaluin sa mga panahong naghahanap siya ng kalinga ng magulang?

Maituturo ko ba sa kanya na hindi tamang uminom, manigarilyo, magsugal at mag-drugs, gayong lantad namang ipinakikita sa TV na ginagawa ito ng mga sikat na artista sa teleserye at maging sa totoong buhay?

Kailan ko sisimulang ituro sa kanya ang tungkol sa sekswalidad? Na hindi pa kaya ng kanyang utak na harapin ang mga malalaswang babasahin at panoorin? Ako ba ang magsasabi sa kanya at magpapaliwanag kung bakit may mga taong may ikatlong kasarian?

Masasagot ko ba ang mga tanong niya kung bakit maraming nagra-rally sa kalye? Kung bakit mahaba ang pila sa bilihan ng bigas? Kung bakit laging ginagawa-tinutuklap-ginagawa ang kalsada sa tapat ng bahay? Kung ano ang ibig sabihin ng kotong? Kung bakit maraming alagad ng batas na nadadawit sa mga kontrobersyal na krimen at kung bakit laging nagagalit ang mga tao at pilit pinatatalsik ang Presidente ng bansa?

Isang dekada ng kanyang buhay pa lamang ngunit kayrami na niyang nakikitang mga pangyayari sa Pilipinas. Sa panahon kung saan kaydaling makakuha ng iba�t ibang impormasyon gamit ang telebisyon, cellphone, at Internet, hindi ko alam kung mapalad nga kaya silang mga kabilang sa X & Y Generation.

"Kuya, ano bang ibig sabihin ng corrupt? Kasi sabi sa balita, isa raw ang Pilipinas sa pinaka-corrupt na bansa sa buong mundo. Sikat pala ang Pilipinas, ha, Kuya?"

"Bunso� corrupt ang tawag kapag ang mga leader ay maraming kamaliang ginagawa sa kanilang mga trabaho. Sa madaling salita, hindi sila tapat sa kanilang mga tungkulin."

"Ayoko nang maging Pilipino, Kuya. Nakakahiya pala tayo."

"Hindi, bunso. Huwag mong ikahiya ang pagiging Pilipino. Mahalin mo ang Pilipinas dahil ito ang bayan mo. Pilipinas ang kumukupkop sa 'yo mula nang ipinanganak ka sa mundo."

Alam kong bata ka pa at maaaring hindi mo pa maiintindihan ang sasabihin ko. Pero ang mga nakikita mong kamalian ay huwag mong gawing dahilan para itakwil ang Pilipinas.

Magbabago pa ang Pilipinas. Kung hindi man ngayon, sa hinaharap; kaya't kayong mga kabataan ay kailangang gabayan at turuan ng tamang pagmamahal sa bansa. Dahil ang pagmamahal mo sa bansa ang magbibigay-daan para sikapin mong baguhin ang mga kamaliang nakikita mo sa paligid.

Marami pang dekadang darating sa iyong buhay. Marami ka pang matututunan at marami ka pang masasaksihang pangyayari sa kapaligiran� ngunit bunso, mahalin mo ang Pilipinas."


http://www.pinoyhenyo.com/answers-20080915020707981.html
0 : 0 | 0% AC
Ina, Ina Bakit Ninyo Ako Ginawa?
ni Mark Anthony V. Obsioma


Ina, ina, bakit mo ako ginawa?... Ito ang tanong ni Michael, isang walong taong gulang na batang lalaking lansangan sa kanyang ina. Ina bakit ninyo ako ginawa?

Ina bakit ninyo ako ginawa? Umiiyak-iyak si Michael nang aking ininterbyu noong Miyerkules ng hapon tungkol sa kanyang buhay kung bakit siya isang palaboy. Dapat sana ay nasa paaralan siya sa mga oras na iyon.

Ina bakit ninyo ako ginawa? Bakit ninyo ako pinapabayaan? Hindi ninyo ba ako mahal?
Nasaan na kayo ni itay?

Si Michael ay isang palaboy. Madalas siyang makikita sa labas ng MSU-IIT na nakikipagtakbuhan sa mga kapwa palaboy at minsan sa mga mag-aaral ng nasabing unibersidad sapagkat hinihipo-hipo niya ang mga babaeng mag-aaral kapag hindi ito nagbigay ng pera. Akala mo'y nakikipaglaro siya sa mga mag-aaral sapagkat may dalang tawa at ngiti kapag siya'y hinahabol. Ikaw'y magtataka kung kilala ba ng mga babaing ito ang batang si Michael. Minsan din ay kalaro niya ang mga kapwa bata na tila'y walang problema sa buhay. Mga batang musmos na dapat ay nasa paaralan nagbabasa at nag-aaral para sa kanilang kinabukasan.

Iniwan si Michael ng kanyang ina at ang lola at lolo na lang ang nag-aalaga sa kanya. Ang kanyang ina ay sinasabing nag-aabroad bilang domestic helper ngunit hindi na ito nakabalik sa kanilang bahay. Ang ama naman niya ay iniwan sila ng kanyang ina noong nalaman buntis ito at hindi na nagpakita. Kaya tanong ni Michael, Ina bakit ninyo ako ginawa?

Ina bakit ninyo ako ginawa? Minsan tanong ng bata kung mahal ba nila siya. Sa mga oras na siya'y ginawa ay naisip ba nila ang hirap na kanilang papasukin. Mula sa mga ngiti at sarap, naisip man lang ba nila kung gaano ito ka sarap ay siya ring kahirap kapag siya'y lumabas na? Napag-usaupan ba nila ang magiging kinabukasan ng batang naghahanap ng aruga ng isang ama't ina? Mga tanong ng isang bata na nandiyan lamang sa kanyang isipan at sa kanyang pusong sugatan.

Paano na lang ang sinabi ni Rizal na "Ang Kabataan ang pag-asa ng bayan" kung patuloy at mayroong mga magulang na pinababayaan ang kanilang mga anak. Ano na lang ang magiging kinabukasan ng mga batang walang kasalan at nadamay lamang sa mga hangal na magulang. Kung hindi man lang magagawa ng mga magulang ang kanilang tungkulin para sa kanilang mga anak, ang mabuti siguro'y huwag ninyo na lang buhayin ang inyong magiging anak . Dahil mahirap ang kanilang sitwasyon at mahirap na lumaki na walang mga magulang na mas masakit pa sa isang hiniwang bawang.

Ina, bakit ninyo ako ginawa?


http://www.pinoyhenyo.com/answers-20081013232742593.html
0 : 0 | 0% AC
Kahulugan

Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, ito'y isang paggagad ng realidad. Sa maikling kwento, ang ginagagad ay iyong isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.

Isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng isang maselan at nangingibabaw na pangyayari sa buhay sa pangunahing tauhan. Itoy nag-iiwan ng isang kakentalansa sa isip ng mga mambabasa, pangunahing layunin nito ay manlibang

Edgar Allan Poe "Ama ng Maikling Kuwento"

Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na nagsasalaysay nang tuloy-tuloy ng isang pangyayaring hango sa tunay na buhay. Ito'y may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang kasukdulan at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa. Ang kasukdulan ang bahagi ng kwento na nagbibigay ng pinakamasidhi o pinakamataas na kapananabikan o interes sa mambabasa. Ang kakintalan o impresyon naman ang kaisipang naiiwan sa isipan ng mga mambabasa. Ito ay matatapos sa isang upuan lamang, maari itong magpakita ng iba't ibang damdamin at bumabase sa buhay buhay ng isang tao, mayroon namang kathang isip lamang.Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikan na ang mga pangyayari ay umiinog sa buhay na mga pangunahing tauhan.


http://pinoyhenyo.com/answers-20080715142855427.html
0 : 1 | 0% AC
..na ang pagtatagumpay sa buhay sa ano mang larangan, ay hindi sapat ang sipag at tyaga, kung ukaw nman ay wla sa tamang sistema..



victordizon@rocketmail.com
ww.dxn2u.com
(09103543056/4107312)

0 : 0 | 0% AC


Related Questions:

 
   Categories
    Arts & Entertainment
    Business and Money
    Health
    Miscellaneous
    Academic
    Reference
    Relationships and Beliefs
    Science and Mathematics
    Sports and Leisure
    Technology
 
 
   Bookmarking
        Digg This
        Del.icio.us
        Yahoo My Web
 
 
   Top Henyos
umibigatnabigo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
boyhenyo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
kimonrold*
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Online
cklaighe
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
jac
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
 
 
 
 
   Most Viewed

Q: mg halimbawa ng mga sanaysay n pang intermediate grade ?

Q: ano ang pagsusuri o analisis?

Q: ano ang buod ng ibong adarna kabanta 2?

Q: ano ang halimbawa ng teoryang klasisismo?

Q: mag bigay nang mga maiklling tulang pilipino?



 
Copyright ©2010 Pinoy Henyo. All Rights Reserved.