Saturday 20 March 2010 : 09:20:23 AM Welcome back Guest. Login | Register
Search keyword:
e,g."Philippine Independence"
Home Ask a Question My Profile Register
Home / Academic / Wika at Panitikan
Open Question
    
akoito
Level: Baguhan
Rating:

anu ba ang mga uri ng teoryang pampanitikan at anu rin ang mga kahulugan nito???

Answered Question - 19290 views

  Email this Question to a friend

Research your answer in the web
    Answers:
Teorya ng Panitikan

REALISMO

Sa teoryang ito higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan . May mga bahaging
nagpapakita ng mga makatotohanang paglalarawan sa tao , lipunan at kapaligiran.

Ang mga akdang nasa ilalim nito ay nagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan at iba pang katulong na tauhan . Pinagbabatayan nito ang totoong buhay na madaling madama ng
mga mambabasa . Nangangailangan ng mahabang panahon ang mga pangyayari . Marami rin ang tagpuan.
Ito'y na mayagpag sa Panahon ng Kastila at Makabagong Panahon.

ROMANTISISMO


Naniniwala ang mga Romantisist na ang tao ay may kapasidad na bumuo ng sarili nilang daigdig . Sa panahon ng mga suliranin makakalikha ang tao ng mga gawaing maaring makaaliw sa kanya upang sandaling lumipas ang dinadala na naghahari sa kabuuan ng akda. Ang mga ito ay maaring madama sa tulong ng mga salitang ginagamit sa akda.
Sa pamamagitan nito, makikilala ng nangingibabaw na damdaming napulutan sa kabuuan ng akda.
Ito'y namayagpag sa Panahon ng Amerikano (1990-1940)

HUMANISMO


Binibigyan -pansin ang magagandang saloobin ng taong nakapaloob sa isang akdang pampanitikan. Binibigyan din ng pansin ang magagndang damdaming taglay ng isang tao.Itinataas din ang karangalan ng tao bilang sentro ng akda.Ipinakikita ang magagandang saloobin ng tao na nakapaloob sa mga tiyak na pahayag sa akda . Maari ring idagdag ang magagandang damdaming taglay ng tauhan.Ito'y namayagpag sa Makabagong Panahon.


EKSISTENSYALISMO


Binibigyan-diin ang mga bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala , kilos, at gawi ng tauhan.Gumagawa siya ng pagpapasya na kailangan niyang harapin anuman ang magiging kahinatnan nito.Mahalagang makita ang kalakasan ng paninindigan ng tauhan.Malaya siya sa kanyang pagbuo ng desisyon at king paano niya ito harapin.Ito'y namayagpag sa Panahon ng Kastila at Kasalukuyan.


NATURALISMO


Ang mga akdang nagbibigay-diin sa teoryang ito ay nagpapakita ng mga pangyayaring nakatutulong ang mga piling salita at mga pahayag upang pangibabawin ito.Ipinakikita rin ang epekto ng kapangitan ng kalagayan sa mga tauhan nito.Ito'y isa sa mga namamayagpag sa Kasalukuyan.




1 : 0 | 100% AC
1.Romantismo - ito ay isang istilo sa sining at panitikan. Mas may diin ito sa damdamin kaysa katwiran. Mas may diin sa imahinasyon at kutob kaysa lohika. Pinapanigan ng romantisismo ang maluwag na daloy ng emosyon at malayang kilos kaysa pinipigil at pag-aayos. Sa lahat ng aspeto, kabaligtaran ng klasisimo ang romantisismo. Ang pokus ay ang emosyon at imahinasyon ng tauhan sa akda. Nababatay ang tula ditto. Ang tula ay isang akdang pampanitikan na nagpapahiwatig ng matinding saloobin at maigting na kaisipang gumigising sa diwa ng mambabasa.

2.Humanismo - ang teoryang ito ay nagbibigay ng pagpapahalaga sa buhay ng isang tao. Kung saan ang sentro ng akda ay ang tao. Ang tao ang siyang pinahahalagahan dito. Siya lamang ang makagagawa ng paraan upang siya ay umunlad at ikatatagumpay niya. Siya rin ang nakagagawa ng ikababagsak at ikalalagapak ng kanyang buhay. Pwedeng gamitin ng sanaysay dito.

3.Bayograpikal - ang teoryang ito ay patungkol sa may-akda ng mga akdang pampanitikan. Siya ang nagsusulat o sumusulat ng mga akdang pampanitikan na ating nababasa magpasahanggang ngayon. Ang teoryang ito ay tumutukoy sa karanasan ng may akda sa kanyang sinulat na akda. Makababasa tayo ng ilang mga pangyayaring nangyari sa tunay na buhay ng may-akda upang masmapaganda pa nito ang paghubog sa kanyang sinulat na akda. Kakikitaan din ito ng pilosopiya ng may akda sa dahilang kababasaan ito ng kanyang pananaw. Patungkol ito sa mga bagay na nais niyang ihatid sa mga mambabasa. Pwedeng gamitin ng tula dito.

4.Klasisismo - ang isang akdang pampanitikan tulad ng kuwento ay nagpapahayag ng mga ekspresyon o saloobin ng karanasan sa buhay. Ang mga karanasan ay nagsisilbing aral na dapat maikintal sa kaisipan ng mambabasa. Kaya't dapat suriin ang pagiging marangal ng mga tauhan batay sa kilos, pananalita, paniniwala, at paghahatid ng kaisipan. Naaayon ang pagsusuring ito sa teorya ng klasisismo.

5.Realismo - Sinusuri ang akda sa pamamgitan ng pagtukoy sa tiyak na bahagi nito na nagpapatunay ng pagkakaroon ng transpormasyon ng tauhan sa pisikal, emosyonal, intelektuwal, espiritwal, at sikolohikal na aspekto. Naayon ng dula dito. Ang dula ay isang akdang pampanitikan na nagbibigay-kasagutan sa isang malalim na suliranin, naglalarawan ng kalikasan ng tao, at nagpapahayag ng tunggalian ng kalooban at damdamin ng mga tauhan.

6.Feminismo - ang teoryang ito ay mababatay sa papel na ginagampanan ng kababaihan sa tahanan o sa lipunan. Naaayon ang tula dito. Binibigyang-pansin kung paano inilalarawan ang mga babae, paano sila kumikilos, ang kanilang pananaw sa sarili at ang papel na kanilang ginagampanan sa lipunan. na ginagampanan ng kababaihan sa tahanan o sa lipunan. Naaayon ang tula dito. Ang kaisipang feminista ay bunga ng kilusan ng makabagong kababaihan noong banding 1960. May diwang pulitikal ito na mahigpit na tumututol sa lipunang patriyarkal at sexist.

7.Sikolohikal - sinasabing walang katapusan ang diwa at espiritu ng tao na makalaya sa kinabibilangangdaigdig. Sinisikap ng tao na kahit hinahangad niya ang kanyang kalayaan, naniniwala siyang hindi maihihiwalay sa daigdig ang tao nang walang pagbabagong magaganap sa kalikasan.

Ang tula ay may katangiang maglarawan ng mga tiyak na matulaing imahen batay sa isang salita, isang talutod, kabuuan at pamagat ng akda. Halimbawa, sa tulang "Ang Diyos at ang Agham", makikita ang imahen ng mga astronaut na lumapag sa buwan at ng patuloy na pagsasaliksik kung may buhay nga sa ibang planetang tulad ng Mars. Dito nailalapat ang mga kaalaman tungkol sa teoryang imahismo.

9.Eksistensiyalismo - ang mga tauhan ng akda any nagkakaroon ng mga paniniwala na labis nilang pinahahalagaan. Ipinapakita rin ng teoryang ito ang kalayaan at pagiging awtentiko. Isinasaad din ang teoryang ito, ang pagpapasiya sa sariling kilos, pagpili, at paggalaw na tanging tagapagbigay ng pagpapahalaga sa katauhan.

10. Formalismo - isa sa mga layunin nito ay mabigyan ng pagpapakahuluganang matatalinghagang salitang ginamit ng may-akda.





1 : 0 | 100% AC
To continue what Autumn has...

FORMALISMO

Pinagtutuunan ng pansin sa teoryang ito ay ang mga istruktura o pagkabuo nito. Isa sa mga tinitignan ay ang kabisaan ng pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag .

Kabilang din dito ang Sukat sa tula na nagpapakita ng bilang ng pantig sa bawat taludtod.Maaring itong lalabindalawahin,lalabing-anim at iba pa.

Ang Tugmaan naman ay ang pagkakahawig ng mga tunog ng mga huling salita sa bawat taludtod.

Kariktan naman kapag gumagamit ng maririkit na salita upang mapukaw ang damdamin at kawilihan ng mambabasa.

Dahil may adhikaing gawing obhektibo ang pagsusuri , wala rin lugar ang opinyon at interpretasyon ng mambabasa.Itoy namayani sa Panahon ng Amerikano at Kasalukuyan.


MARXISMO


Mahalagang mapagtuunan ng pansin ang mga bahaging tiyakang nagpapakita ng paglabanan ng malakas at mahina; mayaman at mahirap . Makabuluhan rin kung paano natalo ng mahina ang malakas ; ng mahiyap ang mayaman.Ginagamit ng mga oriyentasyon na ito upang mabuksan ang mga isipan at ang mga mata ng tao sa pang-aapi at pagsasamantalang nagaganap sa lipunan.Ito'y sumibol sa Panahon ng Kastila at Hapon, at namayagpag naman sa makabagong panahon.


IMANISMO


Nakatutulong nang malaki sa teoryang ito ay ang mga larawang-diwa o imahe sa ikagaganda ng akda . Tumutukoy ito sa mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa. Nagpapatalas ito sa pandama ng mga mamababsa. Ito'y naghari sa Panahon ng Amerikano.


MORALISTIKO


Ipinalalagay ng mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay isang nilalang na balon ng maraming kaalamn. Ginagamit ng manunulat ang kanyang akda bilang instrumentong maaring paghanguan ng mga aral na gagabay sa pangaraw-araw na buhay at pagdedesisyon ng kanyang mambabasa. Kung gayon, maari niyang dalhin ang kanyang mambabasa sa mabuti o masamng landas. Namayagpag ito sa Panahon ng Kastila at Makabagong Panahon.


SOSYOLOHIKAL


Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto ng kanyang panahon, lugar, mga kaganapan ,kultura,at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon. Dahil dito, ipinalalagay na ang akdang kanilang nilikha ay repleksyon o salamin ng mga nagaganap sa lipunang kanyang kinalalagyan. Namayagpag ito sa Panahin ng Propaganda.



0 : 0 | 0% AC
BAYOGRAPIKAL
Naniniwala ang mga bayograpikalista na ang manunulat ay nagsusulat ng mga bagay na personal niyang nararanasan at nakikita sa kanyang paligid . Kung gayon, ang mga isinusulat niyang mga akda ay mga hibo o impluwensiya ng mga karanasan at nangyari sa buhay.Ito'y namayagpag sa Kasalukuyan.


SIKOLOHIKAL
Ayon ka Freud ( Ama ng Sikolohiya ), ang tao ay isang Iceberg na lumulutang sa ibabaw ng karagatan. Nahahati ang Iceberg sa dalawa ang nakikitang bahagi at ang nakalubog na bahagi. Ang nakikitang bahagi ay ang malay na bahagi ng ating katauhan-ito ang mga impormasyon na alam ng tao ukol sa kanyang sarili. Ang nakalubog na bahagi naman ay ang di-malay na bahagi ng ating katauhan. Tungkulin ng manunuri nito na pag-aralan ang kabataan at personalidad ng may akda at kung paano nilikha ng manunulat ang kanyang akda.Namayagpag ito sa kasalukuyan.


ARKETIPAL
Ayon kay Carl Jung , naniniwala siya sa pananaw ni Freud na may di-malay na bahagi ang tao,subalit hindi ito personal na unconscious,bagkus ay kolektibong unconscious .Naniniwala rin siya na magkakatulad o iisa lamang ang karanasan ng nasa di-malay na bahagi ng isipan ng mga tao.Bunga ito ng iisang karanasan ng mga ninuno ng tao na naipapasa sa kasalukuyang henerasyon.Dahil dito , nakalilikha ang mga manunulat ng mga imahen at pangyayaring hango sa mga sinaunang teksto. Patuloy itong namamaygpag sa Kasalukuyan.


FEMINISMO
Sa teoryang ito, maaring tignan ang imahen ,pagpapakalarawan ,posisyon ,at gawain ng mga babae sa loob ng akda at maaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen ng mga babae sa akda.Ito'y maaring komokompows ng mga panlipunan ,kultural ,pulitikang pamamalakad , teorya ,at moral na pilosopiya na isyu na may kinalaman sa di pantay o pantay na kalagayan ng kasarian. Ito'y namamayagpag sa Panahon ng Hapon.



0 : 0 | 0% AC
REALISMO
Sa teoryang ito higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan . May mga bahaging nagpapakita ng mga makatotohanang paglalarawan sa tao , lipunan at kapaligiran. Ang mga akdang nasa ilalim nito ay nagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at iba pang katulong na tauhan . Pinagbabatayan nito ang totoong buhay na madaling madama ng mga mambabasa . Nangangailangan ng mahabang panahon ang mga pangyayari . Marami rin ang tagpuan. Ito'y na mayagpag sa Panahon ng Kastila at Makabagong Panahon.
HUMANISMO
Binibigyan -pansin ang magagandang saloobin ng taong nakapaloob sa isang akdang pampanitikan. Binibigyan din ng pansin ang magagndang damdaming taglay ng isang tao.Itinataas din ang karangalan ng tao bilang sentro ng akda.Ipinakikita ang magagandang saloobin ng tao na nakapaloob sa mga tiyak na pahayag sa akda . Maari ring idagdag ang magagandang damdaming taglay ng tauhan.Ito'y namayagpag sa Makabagong Panahon.
EKSISTENSYALISMO
Binibigyan-diin ang mga bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala , kilos, at gawi ng tauhan.Gumagawa siya ng pagpapasya na kailangan niyang harapin anuman ang magiging kahinatnan nito.Mahalagang makita ang kalakasan ng paninindigan ng tauhan.Malaya siya sa kanyang pagbuo ng desisyon at king paano niya ito harapin.Ito'y namayagpag sa Panahon ng Kastila at Kasalukuyan.
Formalismo
Pinagtutuunan ng pansin sa teoryang ito ay ang mga istruktura o pagkabuo nito. Isa sa mga tinitignan ay ang kabisaan ng pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag .
Kabilang din dito ang Sukat sa tula na nagpapakita ng bilang ng pantig sa bawat taludtod.Maaring itong lalabindalawahin,lalabing-anim at iba pa.
Ang Tugmaan naman ay ang pagkakahawig ng mga tunog ng mga huling salita sa bawat taludtod.
Kariktan naman kapag gumagamit ng maririkit na salita upang mapukaw ang damdamin at kawilihan ng mambabasa.
Dahil may adhikaing gawing obhektibo ang pagsusuri , wala rin lugar ang opinyon at interpretasyon ng mambabasa.Itoy namayani sa Panahon ng Amerikano at Kasalukuyan.


FEMINISMO

Sa teoryang ito, maaring tignan ang imahen ,pagpapakalarawan ,posisyon ,at gawain ng mga babae sa loob ng akda at maaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen ng mga babae sa akda.Ito'y maaring komokompows ng mga panlipunan ,kultural ,pulitikang pamamalakad , teorya ,at moral na pilosopiya na isyu na may kinalaman sa di pantay o pantay na kalagayan ng kasarian. Ito'y namamayagpag sa Panahon ng Hapon.




0 : 0 | 0% AC
1.Romantismo - ito ay isang istilo sa sining at panitikan. Mas may diin ito sa damdamin kaysa katwiran. Mas may diin sa imahinasyon at kutob kaysa lohika. Pinapanigan ng romantisismo ang maluwag na daloy ng emosyon at malayang kilos kaysa pinipigil at pag-aayos. Sa lahat ng aspeto, kabaligtaran ng klasisimo ang romantisismo. Ang pokus ay ang emosyon at imahinasyon ng tauhan sa akda. Nababatay ang tula ditto. Ang tula ay isang akdang pampanitikan na nagpapahiwatig ng matinding saloobin at maigting na kaisipang gumigising sa diwa ng mambabasa.

2.Humanismo - ang teoryang ito ay nagbibigay ng pagpapahalaga sa buhay ng isang tao. Kung saan ang sentro ng akda ay ang tao. Ang tao ang siyang pinahahalagahan dito. Siya lamang ang makagagawa ng paraan upang siya ay umunlad at ikatatagumpay niya. Siya rin ang nakagagawa ng ikababagsak at ikalalagapak ng kanyang buhay. Pwedeng gamitin ng sanaysay dito.

3.Bayograpikal - ang teoryang ito ay patungkol sa may-akda ng mga akdang pampanitikan. Siya ang nagsusulat o sumusulat ng mga akdang pampanitikan na ating nababasa magpasahanggang ngayon. Ang teoryang ito ay tumutukoy sa karanasan ng may akda sa kanyang sinulat na akda. Makababasa tayo ng ilang mga pangyayaring nangyari sa tunay na buhay ng may-akda upang masmapaganda pa nito ang paghubog sa kanyang sinulat na akda. Kakikitaan din ito ng pilosopiya ng may akda sa dahilang kababasaan ito ng kanyang pananaw. Patungkol ito sa mga bagay na nais niyang ihatid sa mga mambabasa. Pwedeng gamitin ng tula dito.

4.Klasisismo - ang isang akdang pampanitikan tulad ng kuwento ay nagpapahayag ng mga ekspresyon o saloobin ng karanasan sa buhay. Ang mga karanasan ay nagsisilbing aral na dapat maikintal sa kaisipan ng mambabasa. Kaya't dapat suriin ang pagiging marangal ng mga tauhan batay sa kilos, pananalita, paniniwala, at paghahatid ng kaisipan. Naaayon ang pagsusuring ito sa teorya ng klasisismo.

5.Realismo - Sinusuri ang akda sa pamamgitan ng pagtukoy sa tiyak na bahagi nito na nagpapatunay ng pagkakaroon ng transpormasyon ng tauhan sa pisikal, emosyonal, intelektuwal, espiritwal, at sikolohikal na aspekto. Naayon ng dula dito. Ang dula ay isang akdang pampanitikan na nagbibigay-kasagutan sa isang malalim na suliranin, naglalarawan ng kalikasan ng tao, at nagpapahayag ng tunggalian ng kalooban at damdamin ng mga tauhan.

6.Feminismo - ang teoryang ito ay mababatay sa papel na ginagampanan ng kababaihan sa tahanan o sa lipunan. Naaayon ang tula dito. Binibigyang-pansin kung paano inilalarawan ang mga babae, paano sila kumikilos, ang kanilang pananaw sa sarili at ang papel na kanilang ginagampanan sa lipunan. na ginagampanan ng kababaihan sa tahanan o sa lipunan. Naaayon ang tula dito. Ang kaisipang feminista ay bunga ng kilusan ng makabagong kababaihan noong banding 1960. May diwang pulitikal ito na mahigpit na tumututol sa lipunang patriyarkal at sexist.

7.Sikolohikal - sinasabing walang katapusan ang diwa at espiritu ng tao na makalaya sa kinabibilangangdaigdig. Sinisikap ng tao na kahit hinahangad niya ang kanyang kalayaan, naniniwala siyang hindi maihihiwalay sa daigdig ang tao nang walang pagbabagong magaganap sa kalikasan.

Ang tula ay may katangiang maglarawan ng mga tiyak na matulaing imahen batay sa isang salita, isang talutod, kabuuan at pamagat ng akda. Halimbawa, sa tulang "Ang Diyos at ang Agham", makikita ang imahen ng mga astronaut na lumapag sa buwan at ng patuloy na pagsasaliksik kung may buhay nga sa ibang planetang tulad ng Mars. Dito nailalapat ang mga kaalaman tungkol sa teoryang imahismo.

9.Eksistensiyalismo - ang mga tauhan ng akda any nagkakaroon ng mga paniniwala na labis nilang pinahahalagaan. Ipinapakita rin ng teoryang ito ang kalayaan at pagiging awtentiko. Isinasaad din ang teoryang ito, ang pagpapasiya sa sariling kilos, pagpili, at paggalaw na tanging tagapagbigay ng pagpapahalaga sa katauhan.

10. Formalismo - isa sa mga layunin nito ay mabigyan ng pagpapakahuluganang matatalinghagang salitang ginamit ng may-akda.



0 : 0 | 0% AC


Related Questions:

 
   Categories
    Arts & Entertainment
    Business and Money
    Health
    Miscellaneous
    Reference
    Relationships and Beliefs
    Academic
    Science and Mathematics
    Sports and Leisure
    Technology
 
 
   Bookmarking
        Digg This
        Del.icio.us
        Yahoo My Web
 
 
   Top Henyos
umibigatnabigo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
boyhenyo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
kimonrold*
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Online
jac
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
cklaighe
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
 
 
 
 
   Most Viewed

Q: pls give me an example of a pamanahong papel sa pilipino... pls im begging you guys?

Q: magbigay ng kwentong inilalahad ang pagiisa o enumerasyon?

Q: halimbawa ng eupemistiko at ang kahulugan nito ?

Q: example sa monologo pls?

Q: is this a person ?



 
Copyright ©2010 Pinoy Henyo. All Rights Reserved.