Friday 19 March 2010 : 02:36:58 PM Welcome back Guest. Login | Register
Search keyword:
e,g."Philippine Independence"
Home Ask a Question My Profile Register
Home / Academic / Wika at Panitikan
Open Question
    
rona lorica
Level: Baguhan
Rating:

anu ang uri ng lahat ng liham at halimbawa nito?

liham ng pagkahirang,liham ng pagpapahalaga,liham ng pasasalamat,liham ng pabibitiw,liham ng sukrisyon,liham ng paghingi ng
tulong,liham ng ngpapaliwanag,liham ng paanyaya

Answered Question - 27393 views

  Email this Question to a friend

Research your answer in the web
    Answers:
Liham na kumukuha ng impormasyon tungkol sa isang bagay

506 Lakas St.
Bacood, Sta.Mesa
Ika-10 ng Setyembre,______

Ang Dekano
Kolehiyo ng Businesss Administration
Pamantasan ng Santo Tomas

Ginoo:

Katatapos ko po lamang sa haiskul at nagbabalak na mag-aral sa inyong pamantasan. Nais ko pong magpatala sa Kolehiyo ng Businesss Administration. Maaari po bang malaman kung kalian at saan kayo magbibigay ng pagsusulit sa mga bagomg magpapatalang mag-aaral? Nais ko rin pong malaman kung anu-ano ang mga kailangang dalhin bago makapagsulit at gayon din ang halagang ibabayad sa application form.

Ipinaaabot kop o ang taos-puso kong pasasalamat.

Magalang na sumasainyo,
Luz Del Mundo

========================================

2. Liham na nag-aanyaya ng panauhing tagapanayam

Manuel Roxas High School Paco, Maynila Hulyo 5,_____

Dr. Estrella Roxas
Dekana, Kolehiyo ng Nutrisyon
Emilio Aguinaldo College

Mahal na Doktora Roxas:

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon, magkakaroon ang aming paaralan ng iba't ibang gawain at palatutuntunan na magbibigay-sigla sa kahalagahan ng pagdiriwang na ito.

Isang seminar na kaugnay ng Buwan ng nutrisyon ang idaraos sa aming paaralan na dadaluhan ng mga guro at tagamasid mula sa iba't ibang mataas na paaralan ng sangay ng paaralang Lungsod ng Maynila. Dahil po rito nais naming kayong anyayahan na maging panauhing tagapanayam tungkol sa paksang "Ang Kahalagahan ng Nutrisyon sa Kalusugan". Ito'y gaganapin sa ika-10 ng Hulyo, taong kasalukuyan sa awditoryum ng paaralan. Alam ko pong may malawak kayong kaalamang maibabahagi sa aming mga guro.

Inaasahan kop o ang inyong pagdalo.

Matapat na sumasainyo,
Gng. Lucila Santos Punungguro



0 : 3 | 0% AC
LIHAM PAGBATI
---------------------------

885 Coronado St.
Makati, Metro Manila
Setyembre 6, 1992

Mahal naming Rosa,

Malugod ka naming binabati sa iyong pagkapanalo sa Timpalak Pagkukwento noong nakaraang Linggo ng Wika.

Kaming lahat ay humanga sa iyong magandang tinig. Tuwang-tuwa kami nang malaman naming ikaw ang nanalo sa siyam na kalahok. Talaga namang mahusay ang ginawa mong pagkukwento. Parang totoo ang iyong sinasabi at natural ang iyong pagkilos. Marahil, ang isa pang ikinapanalo mo'y ang iyong mahusay na paghikayat sa mga manonood.

Talagang magaling ka! Kaming lahat ay bumabati sa iyo.

Ang iyong mga kamag-aral,
6-Molave

==========================

halimbawa ng liham paanyaya

97 Tikay, Malolos
Bulacan
Mayo 17, 1992


Mahal kong Betty,

Sa darating na Sabado ay kaarawan ko. Inaanyayahan ko kayong lahat sa isang munting salu-salo sa aming bahay-bakasyunan sa Malolos, Bulacan.

Ito ay magsisimula sa ganap na ika-2:00 ng hapon. Isama mo ang iyong mga kapatid at magulang.

Inaasahan ko kayong lahat.


Nagmamahal,

Lota

==============================

liham pangungumusta

2719 Ma. Aurora
Makati, Metro Manila
Ika-16 ng Hulyo, 1992


Mahal kong Cristina,

Kumusta ang iyong pag-aaral? Matataas ba ang iyong mga marka?

Pagbutihin mo sana ang iyong pag-aral upang matuwa ang iyong mga magulang ha?

Sa sunod kong pagsulat ay ipadadala ko sa iyo ang mga litrato natin noong nakaraang pista rito sa Makati.

O sige ha? Kumusta mo na lang ako sa iyong mga kapatid at magulang.


Ang iyong kaibigan,

Alice

=================================

LIHAM PASASALAMAT

1726 Leveriza
Pasay, Metro Manila
Hunyo 18, 1992


Mahal kong Maritess,

Labis akong nagpapasalamat sa ipinadala mong bagong damit noong magtatapos ako sa Mababang Paaralan.

Ang sabi ng nanay ko ay bagay na bagay raw sa akin ang kulay ng tela at yari niyon. Lalo raw akong nagmukhang dalagita.

Hustong-husto iyon sa akin. Ang sabi nga ng kapatid ko ay para raw isinukat. Talagang tuwang-tuwa ako at gandang-ganda sa iyong regalo.

Salamat na muli.


Nagmamahal,

Marilyn

==================================

LIHAM PAKIKIRAMAY


130 Lealtad
Sampaloc, Manila
Mayo 5, 1992


Mahal kong Linda,

Kaming magkakaklase ay nakikiramay sa pagkamatay ng iyong Lolo Sebyo. Huwag kang labis na malungkot. Ipinagdarasal namin ang kanyang kaluluwa. Nawa ay maging matahimik siya sa kabilang buhay.

Ipahatid mo sa iyong pamilya ang aking pakikiramay at ng aking mga kamag-aral.

Ang iyong kaibigan,

Amy



0 : 10 | 0% AC
may isa akong alam
1)Liham pangkaibigan-liham para sa kaibigan



0 : 2 | 0% AC
Mr. Ernesto B. Arsula
11 Camatchili St.
Makati City
January 29,2010
RE: Rekomendasyon

Ginoong Arsula:


Isang magandang umaga po ang ipinaaabot ko sa inyo.

Nais ko po sanang irekomenda sa inyong kumpanya ang aking dating empleyado na si Vincent Sulapas, Siya ay naging empleyado namin bilang isang Sales Representative simula noong 2007-2009 at nagtrabaho sa ilalaimn ng aking pamamahala.

Sa mga nagdaang taon ng kanyang paninilbihan sa aming kumpanya, nagpamalas siya ng husay sa kanyang trabaho, sipag at determinasyon. Isa siya sa mga nagpakita ng galing sa pagbebenta ng mga produkto at lahat ng mga mamimili ay wiling-wili sa kanyang aking galing sa pagbebenta.
Si Vincent ay napakahusay na empleyado at nais ko siyang irekomenda sa inyong kumpanya.

Sumasainyo,

Vincent Paul G. Fillarca
Tagapamahala
VASH Publishing House Inc.











0 : 0 | 0% AC


Related Questions:

 
   Categories
    Arts & Entertainment
    Business and Money
    Health
    Miscellaneous
    Academic
    Reference
    Relationships and Beliefs
    Science and Mathematics
    Sports and Leisure
    Technology
 
 
   Bookmarking
        Digg This
        Del.icio.us
        Yahoo My Web
 
 
   Top Henyos
umibigatnabigo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
boyhenyo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
kimonrold*
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
cklaighe
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
jac
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
 
 
 
 
   Most Viewed

Q: ano ang pagsusuri o analisis?

Q: mg halimbawa ng mga sanaysay n pang intermediate grade ?

Q: ano ang buod ng ibong adarna kabanta 2?

Q: ano ang halimbawa ng teoryang klasisismo?

Q: mag bigay nang mga maiklling tulang pilipino?



 
Copyright ©2010 Pinoy Henyo. All Rights Reserved.