Wednesday 10 February 2010 : 03:17:23 AM Welcome back Guest. Login | Register
Search keyword:
e,g."Philippine Independence"
Home Ask a Question My Profile Register
Home / Academic / Wika at Panitikan
Open Question
    
sandyscake
Level: Baguhan
Rating:

anu ang tula?
uri ng tula?
mga halimbawa ng uri ng tula

plz answer my question

Answered Question - 55702 views

  Email this Question to a friend

Research your answer in the web
    Answers:
Ang Tula

“Ang tula ay isang pagbabagong-hugis ng buhay. Isang paglalarawan ng buhay na hinango sa guniguni na pinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang nag-aangkin ng tumpak na aliw-iw at lalong mainam sa mga sukat at tugma,” ayon kay Alejandro at Pineda.


Uri ng Tulang Tagalog

1. Tulang Liriko. Itinatampok dito ng makata ang kanyang sariling damdamin at pagninilay at hindi gaano ang mga panlabas na pangyayari at tagpo sa buhay o ang kalagayang kinaroroonan.

Ang mga uri nito ay ang mga sumusunod:


a. Awit –Ang karaniwang paksa nito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan.

b. Soneto – Ito ay tulangmay 14 na taludtod, hinggil sa damdamin at kaisipan, may malimaw na kabatiran sa likas na pagkatao.

c. Oda – Ito ay nagpapahayag ng isang papuri ng isang panaghoy o ng iba pang masiglang damdamin, walang tiyak na bilang ng pantig o taludtod sa isang saknong.

d. Elehiya – Nagpapahayag ito ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita sa isang yumao. Ang halimbawa ay tula ni Jose Corazon De Jesus na “Isang Punong Kahoy”.

e. Dalit – Ito ay mga awit na pumupuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen.


2. Tulang Pasalaysay. Naglalarawan ito ng mga mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay na natatagpuan sa mga taludtod na nagsasaaysay ng isang kwento.


a. Epiko o Tulang Bayani – Ito ay nagsasalaysay ng kabayanihang halos hindi mapaniwalaan sapagkat nauukol sa mga kababalaghan. Halimbawa nito ang epiko n mga Ilokano na “Biag ni Lam-ang.”

b. Korido – Ito ang tulang nagtataglay ng walong pantig sa bawat taludtod. Karaniwang mahaba at may mahusay na banghay ng mga pangyayaring isinasalaysay. May himig mapanglaw at malimit na may paksang kababalaghan at maalamat at karamihan ay hiram sa paksang Europeo. Ang halimbawa nito ay “Ibong Adarna.”

c. Awit – Ito ay nagtataglay ng labindalawang pantig sa bawat taludtod. Higit na masigla ito kaysa korido. May malambing at marikit na pangungusap at nangangailangan ng malalim na kaisipan. Ang halimbawa nito ay ang tulang “Florante at Laura.”


3. Tulang Pandulaan. Sadyang ginawa ito upang itanghal. Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o dili kaya’y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay. Patula ang usapan dito.

Saklaw ng uring ito ang nga komedya, trahedya, melodramang tula, dulang parsa.



4. Tulang Patnigan. Tulang sagutan na itinatanghalng mga nagtutunggaliang makata ngunit hindi sa paraang padula, kundi sa tagisan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino sa paraang patula.


a. Balagtasan – Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Ito’y sa karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.

b. Karagatan – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na “libangang itinatanghal” na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat.

c. Duplo – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan.







2 : 2 | 50% AC
Ang tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa ibat ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ang anyo at estilo ng tula sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula.

Ang tula ay may mga saknong at taludtod. Ito ay may lalabindalawahing pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba.

Mga Uri ng Tula

1. Malayang taludturan
2. Tradisyonal
3. May Sukat Walang tugma.
4. Walang Sukat May tugma.

Mga Uri ng Tula

1. Liriko o Pandamdaming tula
- emosyonal

a. Awit o Kanta
- kundiman (pag-ibig)
b. Elihiya
- mapanglaw
- tungkol sa kamatayan o kalungkutan
c. Oda
- matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay parangal)
d. Soneta
- binubuo ng 14 taludtod o linya
- nangangailangan ng mabigat o matinding pagkukuro-kuro

2. Nalalarawan
- naglalahad ng pangyayari

3. Naratibo
- nagsasalaysay

4. Padula/Drama
- monolog

5. Tulang may aral
- nagbibigay ng pahayag kung anong dapat mong gawin

halimbawa: Balagtasan

6. Pampagkataon
- may tiyak na pagdiriwang


http://tl.wikipedia.org/wiki/Panulaan
0 : 1 | 0% AC
Ang panulaan o tula
ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula.

Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, at lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba.


Mga anyo ng tula:


Malayang taludturan
Tradisyonal
May sukat na walang tugma.
Walang sukat na may tugma.


Mga uri ng tula:


Liriko o pandamdaming tula
Awit o Kanta - tungkol sa pag-ibig; kundiman
Elihiya - mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan
Oda - matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay parangal)
Soneta - binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng mabigat o matinding pagkukuro-kuro
Nalalarawan - naglalahad ng pangyayari
Naratibo o nagsasalaysay
Padula/Drama
Tulang may aral - nagbibigay ng pahayag kung anong dapat mong gawin; halimbawa: balagtasan
Pampagkataon - may tiyak na pagdiriwang


Elemento ng tula:


Saknong - isang grupo ng mga salita sa loob ng isang tula na may dalawa o higit pang taludtod.
Sukat - bilang ng pantig ng tula.
Tugma - pinag-isang tunog sa hulihan ng mga taludtod.
Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.
Kaanyuan (conssonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa katinig.
Nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng pagtutugma:
Mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, t, s ay nagtutugma ang dulumpatig
Mga nagtatapos sa l,m, n, ng, w, r, y
Sining o kariktang - paggamit ng pili, angkop at maririkit na salita. Nagbibigay ng pangkalahatang impresyon sa bumabasa.
Talinghaga - tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.
Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula
Anyo - porma ng tula.
Tono/Indayog - diwa ng tula.
Persona - tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan




libro ng filipino
0 : 0 | 0% AC


Related Questions:

 
   Categories
    Arts & Entertainment
    Business and Money
    Health
    Academic
    Miscellaneous
    Reference
    Relationships and Beliefs
    Science and Mathematics
    Sports and Leisure
    Technology
 
 
   Bookmarking
        Digg This
        Del.icio.us
        Yahoo My Web
 
 
   Top Henyos
cklaighe
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
concepab
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
colinam
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
loterina
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
kulangkulang
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
 
 
 
 
   Most Viewed

Q: ano ang ng doce pares ?

Q: ano ang gamit at pagkakaiba ng salitang "din" at "rin?"

Q: sinu sino ang naging pangulo ng pilipinas at ang mga magagandang nagawa nila sa pilipinas at ang?

Q: ano ang ibig sabihin ng mananagana?

Q: ano ang mga stratehiyang pansuri?



 
Copyright ©2007 Pinoy Henyo. All Rights Reserved.