Open Question |
|
|
anu ang mag teoryang pinagmulan ng wika??
paki sagot naman
Answered Question - 34186 views
|
 |
|
|
|
|
|
| Answers: |
 |
|
|
Ang Pinagmulán ng mga Wikà ng Filipinas
Sinu-sino ang mga dayuhang nagdalá ng ibá’t ibáng wikà sa Filipinas? Iyán ang katanungan ng isáng panauhin dito sa Sarisari etc.
Maraming lahì ang nagdalá ng kaní-kaniláng salitâ sa Filipinas noóng unang panahón, ngunit ang mga wikang dinatnán nilá sa Filipinas ay taál na Filipino.
Dati'y may teoryang ang tawag ay wave theory. Ayon sa wave theory, ang mga ninunò ng lahing Filipino ay dumayo sa Filipinas nang iláng ulit o waves ng pandarayuhan sa pamamagitan ng mga tuláy na lupà na nalantád dahil mas mababaw ang mga dagat noong panahón ng kalamigang pandaigdíg (Ice Age). Nanggaling daw silá sa Indonesia, Malaysia at ibá pang lugár. Libu-libong taón daw ang pagitan ng bawat panahón ng pandarayuhan. Diumanó’y itó raw ang sanhî kung bakit may mga Ita, Ifugáw at modernong Filipino sa Filipinas. Subalit ngayón ay hindî na tinátanggáp ang teoryang itó.
Ayon sa mga bagong pananaliksík sa larangan ng wikà (comparative linguistics, lexicostatistics), ang mga wikà ng ibá't ibáng grupo sa Filipinas ay masyadong magkakahawig kayâ hindî máaaring may iláng libong taón ang pagitan ng kaní-kaniláng pagdatíng. Makikita rin sa mga bagong ebidensyá sa larangan ng arkeolohiya na tulúy-tulóy at hindî paulit-ulit ang nagíng pandarayuhan sa Filipinas.
May relasyón sa bawat isá ang mga wikà sa Filipinas. Ang pangalan ng pamilya ng mga wikang itó ay Austronesian o Malayo-Polynesian. Ang mga wikang Austronesian ay mga wikà mula sa mga pulô ng Southeast Asia hanggáng sa Easter Island na malapit sa South America.
Malamáng na ang unang mga taong nagsasalitâ ng íisáng wikang Austronesian ay dumatíng sa Filipinas mula sa hilagà (north) limáng libong taón na ang nakalipas. Nagkahiwá-hiwaláy silá at nagsikalat sa buóng kapuluán. Dahil sa habà ng panahón na nagkahiwaláy silá, untí-untíng nagbago ang kanilang pagsasalitâ. Dumatíng ang panahón na ang mga grupong itó ay hindî na nagkaintindihan. Ang ibig sabihin ay nagíng bago na ang mga wikà at pagsasalitâ ng ibá’t ibáng grupo. Ito ang mga wikang kilala natin sa Filipinas ngayón tulad ng Ilokano, Tagalog, Cebuano at marami pang ibá.
Ganitó rin ang nangyari sa ibáng mga bahagi ng Timog-Silangan tulad ng Malaysia at Indonesia. Nang simulán nilá ang pangangalakal sa mga pulô, nadalá rin nilá ang kaniláng mga bagong salitâ sa Filipinas - patí yaóng mga salitáng natutuhan nilá sa ibá pang mas malalayong bansá tulad ng India.
Mula noon hanggáng ngayón, ang mga Filipino, tulad ng lahát ng lahì sa daigdíg, ay nanghíhirám ng mga salitâ mulâ sa maraming dayuhang lahì. Masasabi nating patuloy na nagbabago ang mga wikà sa mundó dahil lahát tayo ay patuloy ang panghíhirám at paggamit ng mga bagong salitâ sa ating pangungusap.
Bagamá’t may mga wikang dayuhan na nagkaroón ng impluwensiyá sa paglagô ng mga wikang Filipino, ang Filipinas ay may sariling mga taál na wikà bago pa man itó nápuntahán ng mga dayuhan.
Mula naman sa revyuwer sa Filipino ni Criselle ng San Pedro Poveda College:
Teorya ng Wika - Pinagmulan ng wika
Ding Dong - bagay. Ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaliran ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Mga tunog ang nagpapakahulugan sa mga bagay tulad ng kampana, relo, tren, at iba pa.
Bow Wow – kalikasan. Dito ang tunog ng nalikha ng kalikasan, anuman ang pinagmulan ay ginagad ng tao. Halimbawa, ang tunog-kulog, ihip ng hanging, at iba pa.
Pooh Pooh – tao. Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan. Dito ang tunog mula sa mga tao.
Kahariang Ehipto – Ayon sa haring si Psammatichos, ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo o naririnig. Natutunan kahit walang nagtuturo. Unconsciously learning the language.
Charles Darwin – Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin of Language”, sinasaad niya ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang malikha ng iba’t ibang wika. Wika natutunan tungkol sa mga pakikipagsapalaran.
Genesis 11: 1-9 –Tore ng Babel. Story of Tower of Babel. Based on the Bible.
Wikang Aramean – Believes that all languages originated from their language, Aramean or Aramaic. Syria. May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang lenggwahe ng mga Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika.
Maraming salamat kina Paul at Criselle!
———-
Karagdagan sa teorya ng wika mula kay Myan ng TristanCafe Pinoy Forum:
TEORYANG YO-HE-HO. pinaniniwalaan na ang wika ay galing sa ingay na nililikha ng taong magkatuwang o nagtutulungan sa kanilang gawain. Ito ay ay unang nasapantaha ni NOIRE, isang iskolar noong ika-19 na dantaon.
TEORYANG MUSIKA. kilala sa teoryang ito ang DANISH na si OTTO JERPERSON. sinasaad dito na ang wika ay may melodya at tono at walang kakayahan sa komunikasyon o hindi nakakakomunika sapagkat taglay nito a
asfunction:_root.launchURL,0
|
0  :  1 | 0% AC
|
|
 |
|
|
TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA:
* Teorya sa Tore ng Babel – Ang teoryang ito ay nahalaw mula sa Banal na Kasulatan. Ayon sa pagsasalaysay, noong umpisa’y iisa ang wika ng tao na biyaya ng Diyos. Dahil sa nagkakaunawaan ang lahat, napag-isipang magtayo ng isang tore upang hindi na magkawatak-watak at nang mahigitan ang Panginoon. Nang nabatid ito ng Panginoon, bumaba Siya sa lupa at sinira ang tore. Nang nawasak na ang tore, nagkawatak-watak na ang tao dahil iba-iba na ang wikang kanilang binibigkas kaya nagkanya-kanya na sila at kumalat sa mundo.
* Teoryang Bow-wow – Sinasabi sa teoryang ito na nagkaroon ng wika ang tao dahil noong umpisa’y ginagaya nila ang tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok at huni ng ibon.
* Teoryang Ding-dong – Maliban sa tunog ng hayop, ginagaya naman daw ng tao ang tunog ng kalikasan at paligid gaya ng pagtunog ng kampana, patak ng ulan at langitngit ng kawayan.
* Teoryang Pooh-pooh – Ang tao ay nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin. Gamit ang bibig, napabubulalas ang mga tunog ng pagdaing na dala ng takot, lungkot, galit, saya at paglalaan ng lakas.
* Teoryang Yo-he-ho – Isinasaad dito na nagsimula ang wika sa indayog ng himig-awitin ng mga taong sama-samang nagtatrabaho.
* Teoryang Yum-yum – Sinasabi sa teoryang ito na ang wika ay nagmula sa pagkumpas ng maestro ng musika at sa bawat kumpas ay nagagawa niyang lumikha ng tunog mula sa kanyang labi
http://filipino3zchs.multiply.com/journal/item/26/Wika_-_kat...
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
 |
|
|
Wikang Tagalog
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Jump to: navigation, search
Ang Tagalog (mula 1961 hanggang 1987: Pilipino) ay isa sa mga pangunahing wika ng Republika ng Pilipinas at ito ang de facto ngunit hindi de jure na batayan na siyang pambansang wikang Filipino. Sinasalita rin ito sa Hilagang Kapuluang Mariana, kung saan ang mga Pilipino ang pinakamalaking pangkat etnolingwistiko.
Mga nilalaman [itago]
1 Kasaysayan
2 Ang paggamit ng Tagalog sa Pilipinas
3 Mga Wikain o Diyalekto
3.1 Maynila
3.2 Bataan
3.3 Bulacan
3.4 Batangas
3.5 Tanay-Paete
3.6 Marinduque
3.7 Lubang
3.8 Tayabas
4 Mga panlabas na kawing
[baguhin] Kasaysayan
Ang salitang Tagalog ay hinango sa salitang tagailog, galing sa tagá- na nangangahulugang "katutubo ng" at ilog, ibig sabihin ay mga taong naninirahan sa tabi ng ilog. Walang mga halimbawa ng Tagalog bago dumating ang mga Kastila. Sinasabi ng ilan na ito ay marahil sinunog ng mga unang paring Kastila, sinasabing masademonyo ito. Unti lamang ang alam tungkol sa kasaysayan ng wika. Ngunit mga ispekulasyon sa mga linguwista na ang mga ninuno ng mga Tagalog ay nagmula sa hilagang silangang Mindanao o sa silangang Visayas, kasama ng mga kamag-anak nitong mga taga gitnang Pilipinas.
Ang pinakaunang aklat na naisulat sa Tagalog ay ang Doctrina Cristiana (Christian Doctrine) noong 1593. Ito ay nakasulat sa Espanyol at dalawang uri sa Tagalog; ang una ay nakasulat sa Baybayin at ang isa naman ay sa alpabetong Latin.
[baguhin] Ang paggamit ng Tagalog sa Pilipinas
Ang Tagalog ay ginagamit bilang lingua franca ng Pilipinas, subalit ang Ingles ang ginagamit sa mga paaralan at sa pagkakalakalan, pati na rin sa bugkos ng pamahalaan.
[baguhin] Mga Wikain o Diyalekto
[baguhin] Maynila
Ang Tagalog ang siyang ginagamit na salita sa Maynila. Ito'y madalas na hinahaluan ng iba’t ibang mga panrehiyon na diyalekto. Ang Maynila ang tumatayo bilang melting pot ng mga pangkat etnolingwistiko ng bansa. Ang salitang Tagalog ng Maynila ay may pagkaorihinal, madarama mo ang istorya ng Pilipinas sa bawat pagbigkas ng mga salitang naangkop na ngayon sa diyalektong ito; bagamat hiram na salita sa dayuhang mananakop, inangkin nang sarili ng mga Filipino ang bawat salitang ito; na lagi naring gamit sa lahat ng mga usapin. May pagkamabagal ang pagsalita at may halong mga banyagang salita ang Tagalog ng Maynila; kabilang dito ang mga hiram na salita galing sa Kastila at Ingles ng mga Amerikano. Kadalasan, naipagkakasing-kahulugan na ang Taglish at ang Tagalog ng Maynila buhat ng malawak na paghiram mula sa Ingles. Ito ang naging batayan para sa Pilipino at, pagkatapos, sa Filipino.
Sakop: Kalakhang Maynila, Cavite, at lahat ng mga bayan ng Laguna sa kanluran ng Pagsanjan.
[baguhin] Bataan
Ang Tagalog ng Bataan at Zambales ay maitutulad sa Tagalog ng Maynila, bagaman madalas na nahahaluan ng Ilokano at/o Kapampangan.
Sakop: Bataan, timugang bahagi ng Zambales, Olongapo, at mga bayan ng Pampanga.
[baguhin] Bulacan
Ang Tagalog ng Bulacan ay may pagka-wordy o pagkamasalita kung ihahambing sa Tagalog ng Maynila. Maraming salita sa dyalektong Bulakenyo ay hindi nauunawaan sa Kalakhang Maynila. Bukod pa rito, mabilis magsalita ang mga Bulakenyo.
Sakop: Bulacan, Tarlac, at Nueva Ecija.
[baguhin] Batangas
Ang Batangas ang pinagmulan ng wikang Tagalog at, dahil dito, pinakamalapit sa Sinaunang Tagalog ang Tagalog na sinasalita rito kaysa sa ibang mga wikain. Ginagamit pa rin dito ang mga salitang nagmula sa Sanskrit, Arabo, at Persian. Sinasalita nang mabilis at nang may makapal na punto ang Tagalog ng Batangas, at may pagkaibang-himig ito sa dyalekto ng Maynila.
Sakop: Batangas.
[baguhin] Tanay-Paete
Sakop: Lahat ng mga bayan sa silangan ng Pagsanjan, Laguna, at Rizal.
[baguhin] Marinduque
Ang Tagalog ng Marinduque ay nagpapakita ng mga bakas ng impluwensya mula sa mga wika ng Kabisayaan. Karamaihan sa mga tagapagsalita ng Tagalog ay hindi nakakaunawa sa anyong ginagamit sa Marinduque.
Sakop: Marinduque.
[baguhin] Lubang
Isang anyo ng Tagalog ng Batangas.
Sakop: pulo ng Mindoro, kapuluang Lubang.
[baguhin] Tayabas
Ang Tagalog na sinasalita sa lalawigan ng Quezon ang pinakanaiiba sa mga anyo ng Tagalog. Malawak ang paglagom nito ng mga salitang Kastila, Fukyen, at Bikolano; ilan ding mga salita ang hindi nauunawaan nang maski kaunti ng ibang mga tagapagsalita ng Tagalog. Bukod sa karaniwang “ya”, na katumbas ng Batanggenyong “ala e”, may higit-kumulang 200 salita na ginagamit lamang sa lalawigan ng Quezon, partikular na ang mga silangang bahagi ng lalawigan. Halimbawa ang abyad (asikasuhin), balam (mabagal), dasig (usog), dayag (maghugas ng mga pinggan), hambo (maligo), lagumba (magloko-lokohan), pulandit (talsik), tibulbok (pagyanig, vibration), yano (sobra), at iba pa.
Tila nahahati rin ang Tagalog ng Tayabas sa dalawang anyo: ang anyong kanluran na mas nalalapit sa Batanggenyo at ang anyong silangan na mas nalalapit sa Bikolano.
Sakop: Quezon, Camarines Norte.
|
0  :  2 | 0% AC
|
|
 |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
 |
 |
 |
| |
Top Henyos |
 |
|
gkumar
Level: Henyo
Rating:

Offline |
 |
|
soni1
Level: Henyo
Rating:

Offline |
 |
|
writer
Level: Matalino
Rating:

Offline |
|
 |
|
|
 |
 |
 |
|
|
|
|
|