|
|
Etimolohiya
Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language - tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon.
Pinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita. (Tingnan ang mga sining na pangwika). Subalit kabilang din rito ang pagsusulat, mga wikang pasenyas, larangan ng musika, sining ng pagpipinta, pagsasayaw, at maging ang matematika. "Wika" ang lahat ng mga ito kung gagamitin ang malawakan na kahulugan ng wika.[1] Sa ilang pagkakataon, tinatawag ding dila (piguratibo), salita, diyalekto, o lingo (sariling-wika ng isang grupo, [bigkas: ling-gow, mula sa Ingles]) ang wika.
Kasaysayan at teorya
Hindi lubos na nalalaman kung saan, kailan, at paano nagsimula ang paggamit ng wika. Subalit mayroong mga hinuha at kuru-kuro ang mga dalubhasang nagsipagaral ng paksang ito. Isa sa mga teoryang ito ang nagsasabing "ginaya ng mga sinaunang tao ang mga tunog na narinig niya sa kalikasan." Halimbawa ng mga tunog na ito ang mga kahol ng mga asong-gubat o ng mga bumubukal na sapa. Dahil sa iba't ibang interpretasyon o gawi sa paggaya ng mga "tunog ng kalikasan" na ito kaya nagkaroon ng maraming mga wika sa mundo.
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
 |
|
|
alam mo ba na noong unang panahon talaga ay iisa lang ang wika ng mga tao sa balat ng lupa??? nagsimula lang magkaroon ng ibat ibang wika noong magtangka ang tao na hindi sundin ang utos ng Dios na kalatan ang lupa... mababasa yan sa biblia sa GENESIS 11:1 patuloy..
- ito ang story, noong nagsimulang dumami ang tao ay nagbalak silang magtayo ng isang tore naaabot hanggang langit, at ang purpose ng tore ay para wag silang magkahiwa-hiwalay na kahit magpunta ang iba sa ibang lugar ay makakabalik pa rin sa pinaka tahanang lugar nila...
kaya ang ginawa ng Dios iginiba nya yung templo at duon nagkaroon ng ibat ibang wika, at dahil sa hindi na sila magkaintindihan lahat nagpasya na lamang silang maghiwa hiwalay... yun po yun...
pero kung makikita natin ang purpose ng Dios sa paguutos na kalatan ang lupa ay para rin sa tao... kung lahat kasi ng tao magtitipon tipon o maninirahan lang sa isang lugar o bansa, baka mamatay tayong lahat, halimbawa lahat ng tao sa pilipinas tumira, magiging poluted ito sa napakabilis na panahon, magkakaubusan ng pagkain, magkakaroon ng tagutom at kapag may nagkasakit... mabilis kakalat... isipin lang natin ang halimbawang dumudumi tayo isang beses isang araw na lang halimbawa,, kapag inipon natin yun sa isang lugar napakarami nun... kaya dapat ikalat ang tao... hope you understand tol...
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
 |
|
|
simple answer lang ang ibibigay ko ha,,dahil noong unang panahon marami silang mga ginagawa,,eh wala silang alam sabihin kung papano magpatulong,,kaya nagisip sila ng mga wika,,at pagkatapos naghiwahiwalay sila at doon nagkaroon ng iba't ibang wika..
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
|
|
Ang wika ay nagmula sa pangangailangan ng tao na magpahayag ng sarili at saloobin. Sa matagal na panahon, ang mga tunog na likha ng bibig ay bumuo sa mga kataga at salitang nagbuklod upang magsimula ang isang wika.
Depende sa lunan ng pinagmulan ng isang wika, nagkaron ng malaking pagkakaiba dahil sa kasanayan at pagsasalin salin nito sa ibat ibang henerasyon na patuloy na nagpayabong ng wika. Ito'y totoo hanggang sa ngayon.
Ang wika din ang pinagmulan ng kagawiang pagsulat sa papel upang ipahayag ang sarili.
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
|