Friday 30 July 2010 : 06:36:43 PM Welcome back Guest. Login | Register
Home Ask a Question My Profile Register
Home / Academic / History
Open Question
    
vampire_dawn
Level: Baguhan
Rating:

anu-ano ang mga teorya tungkol sa pinagmulan ng daigdig?

sa History subject 'to.

Answered Question - 31652 views

  Email this Question to a friend

Research your answer in the web
    Answers:
Teoryang Nebular
- Si Emmanuel Kant, isang pilosoper na Aleman ang nagpanukala noong hinggil sa pinagmulan ng daigdig. Ayon kay Kant, ang daigdig, pati na ang ibang nebula, ay nagtataglay ng gas. Sa simula, ito ay malamig, ngunit sa katagalan, ang mga partikulo sa loob ng nebula ay nag-uumpugan dahil sa puwersa ng grabidad na siya naming nagtulak sa mga ito upang umikot. Habang umiigting ang masa, ito’y uminit ng uminit, hanggang sa ito’y naging bolang araw na naghahasik ng mga bolang gas na natanggal, dahil sa lakas ng “centrifugal” hanggang ang mga ito ay lumamig at naging planeta. Ito ay tinawag na “Nebular Hypothesis”.
- Ang teorya ni Kant ay sinang-ayunan ni Pierre Simon Marquis de Laplace, isang sayantist na Pranses noong 1796.

Teoryang Planetisimal
- Isa pang paniniwala ang Teoryang Planetisimal nina Prop. Thomas Chamberlain at Forest Moulton na binago ni Harold Jeffreys. Batay sa teorya, ang sistemang solar ay mula sa isang malaking bituin na sumabog nang mapalapit ito sa isa pang bituin. Ang isang kimpal na sumabog na bituin ay naging araw, samantalang ang ibang kimpal ay naging pamilya ng planeta ang bawat isa.

Teoryang Big Bang
- Ang pinaka popular na teorya ngayon ay ang Teoryang Big Bang. Ayon sa teoryang ito, ang sandaigdigan ay nabuo matapos ang malakas na pagsabog (kaya ito ay tinawag na Big Bang). Ang pagsabog na ito ay tinatayang naganap mga 20 bilyong taon na ang nakalilipas at lumikha ng malaking bola ng apoy. Nang magtagal, ang higanteng bola ng apoy na ito ay nagkadurug-durog, naging mga bituin, planeta, araw, buwan, at iba pa.
- May dalawang aspekto ang Teoryang Big Bang. Ayon sa isa, simula ng maganap ang malaking pagsabog, patuloy na lumalayo ang mga piraso ng bolang apoy sa isa’t isa kaya’t patuloy ring lumalawak ang nasasakupang espasyo ng sandaigdigan. Ayon naman sa ikalawa, ang patuloy na paggalaw ng mga bituin, gas, at iba pang sangkap ng sandaigdigan ay maaaring tumigil sa paglayo sa isa’t isa at sa halip ay puwedeng bumalik, magsalubong, at magbanggaan. Kapag nangyari ito, anila, ang simula at wakas ng sandaigdigan ay parehong magsisimula sa isang malakas na pagsabog.

Teoryang Kondensasyon
- Ang Teoryang Kondensasyon ni Robert Jostrow, ang isang araw o bituin ay nagsimula sa pamumuno ng mga masa ng hydrogen, gas, at ng atomic dust. Sa kalawakan na tumatanda, sumasambulat at nagsasabog ng mga pira-pirasong masa at sumasama sa mga bagong namumuong mga araw tulad ng mga planeta at bituin. Ang pangyayari ay paulit-ulit at walang katapusan.

Teoryang Dynamic Encounter
- Si George Buffon ay isang naturalista na nagsasabing ang daigdig ay nagsimula sa mga natunaw na sangkap na lumayo sa araw, pagkatapos ng pakikipagsagupaan sa isang Kometa. At ito’y kanyang tinawag na “Dynamic Encounter”.

1 : 1 | 50% AC

> (A. Panlipunan) Kasaysayan ng daigdig IV by Dr. Teofista Vibar, Evelina Viloria, Purificacion Sobritchea and Andrea Cassanova..
> (A. Panlipunan) Bagong Kasaysayan ng Daigdig IV by Paz Pulido, S. R. Enriquez, T. Miralles..
>(A. Panlipunan) Kasaysayan ng daigdig IV by Bro. Andrew Gonzales (FSC), and Cristina Velez..
> (A. Panlipunan) Pana-Panahon..
Kasaysayan ng daigdig III by Celia Soriano, Ma. Carmelita Samson, Consuelo Imperial, Evangeline Dallo, and Eleanor Antonio...

1 : 0 | 100% AC
meron pong teorya na mula mito...
>>>ito raw ay nagsimula sa dakilang maylalang...kung saan iba't iba ang twag...
Dito sa Pilipinas may iba't ibang katwagan...
halimbawa sa Cordillera ang tawag nila ay Kabunyian sa mga taga Bicol naman Gugurang...at madami pang iba...

>>>Ang mga mito ay mga kwento na nanggaling pa sa iba't ibang ninuno, o nagpasalin salin nalng sa mga tao.. Kaya nagkakaroon ng mito dahil sa kakulangan ng kaalaman ng mga tao.

Batay sa Relihiyon...
Ayon s Kristoyano, ito ay tulad rin ng parang sa mito, may isang lumikha. Nilikha niya ang mundo sa loob ng anim na araw...

Ang pangatlo ay ang Batay sa agham...

maraming teorya ang pinagmulan ng ating daigdig pagdating sa agham.

Unang una na rito ang Teoryang Nebular..

Ito ay konsepto ni Immanuel Kant... Ayon sakanya, ang ating solar system ay nagmula sa malaki, mainit at umiikot na nebula... Habang ito ay umiikot, sa init nito, ang gitna nito ay naging araw at ang mga maliliit na matter na natira,iyon ang mga naging planeta..

Teoryang Planetisimal..

ito ay dahil sa isang bituin na dumaan malapit sa araw, at natangay nito ang ibang parte ng araw at ito ang naging planeta..

Teoryang Tidal

ito ay may kahawig sa planetisimal... Ang konseptong ito ay nagmula kay Harold Jeffreys at James Jeans.. may isang bituin na dumaan mula sa araw at ang ibang parte(debris) nito ay natangay at iyon ang mga naging planeta...

Teoryang Kondensasyon

ito ang dahil sa isang gas cloud.. na umiikot. habang ito ay umiikot at lumiliit..dahil sa balani(gravity). ito ay lumiliit at umabot ito sa mahigit na 10 200 milyong digri. at ito ang naging solar system...

Teoryang Big Bang

Ito ay konsepto ni Fred Hoyle...
at ang teoryang big bang na ito ay ang ating mas pinaniniwalaang teoryang galing sa agham...

ito ay dahil sa hydrogen mass na sumabog sa kalawakan... at dahil sa pagsabog na iyon, ay nag karoon ng solar system...

Araling Panlipunan III
Ikawalang Edition

0 : 1 | 0% AC

   Categories
    Arts & Entertainment
    Business and Money
    Health
    Academic
    Miscellaneous
    Reference
    Relationships and Beliefs
    Science and Mathematics
    Sports and Leisure
    Technology
 
   Share
        Facebook
        Twitter
        Plurk
 
   Search
JobTitle, Company, Skills, Industry, etc.
 
   Top Henyos
gkumar
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
soni1
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
jeremyrimando
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
cracklings
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
writer
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
 
   Most Viewed

Q: ano ang dapat gawin ng gobyerno para maalagaan ang kalikasan?

Q: explain think globally act locally. ?

Q: bakit kailangan ng taong mag sexxxxxxxxxzzzzzzzzzzzzzzzz?

Q: ano ang layunin ni rizal at pangarap ni2 nung bata pa ito???????

Q: HELP PO PLS...ano po ba ang pinagmulan ng pilipinas ayon sa agham, bibliya at alamat?

Copyright ©2010 Pinoy Henyo. All Rights Reserved.