Open Question |
|
|
ano-ano ang mga halimbawa ng nobela?
Answered Question - 3627 views
|
 |
|
|
|
|
|
| Answers: |
 |
|
|
halimbawa ng mga nobela:
Ama (Nobela)
Ang Huling Timawa
Ang Magpapawid
Ang Monghita
Ang Probinsiyana
Ang Singsing ng Dalagang Marmol
Bagong Kristo
Bayang Nagpatiwakal
Bulaklak ng Bagong Panahon
Daluyong
El filibusterismo
Halimuyak
Halina sa Ating Bukas
Ipaghiganti mo ako!
Kasaysayan ng Magkaibigang Nena at Neneng
Lagrimas
Lakandula
Landas ng Pag-ibig
Lihim ng Isang Pulo
Luha ng Buwaya
Noli me tangere
Sanggumay
Sanlibong Pisong Kagandahan
Doktor Satan
Lope K. Santos
Si Tandang Bacio Macunat
Sugat ng Alaala
Urbana at Felisa
http://www.pinoyhenyo.com/halimbawa_ng_nobela-20080315070239...
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
 |
 |
|
|
Ang Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa? ay isang nobela na isinulat ng batikang babaeng manunulat na si Lualhati Bautista. Hinggil ito sa ginaganapang papel ng babae, katulad ng may-akdang si L. Bautista, sa lipunan ng mga Pilipino na dating pinaiinog lamang ng mga kalalakihan.
Sa mga nakalipas na panahon, sunud-sunuran lamang ang mga kababaihan sa Pilipinas sa kanilang mga asawang lalaki at iba pang mga kalalakihan. Gumaganap lamang ang mga babae bilang ina na gumagawa lamang ng mga gawaing pambahay, tagapag-alaga ng mga bata, at tagapangalaga ng mga pangangailangan ng kanilang mga esposo. Wala silang kinalaman, at hindi nararapat na makialam - ayon sa nakalipas na kaugalian - hinggil sa mga paksa at usaping panghanap-buhay at larangan ng politika. Subalit nagbago ang gawi at anyo ng katauhan ng mga kababaihan sa lipunang kanilang ginagalawan, sapagkat nagbabago rin ang lipunan. Nabuksan ang mga pintuan ng tanggapan para sa mga babaeng manggagawa, nagkaroon ng lugar sa pakikibaka para mapakinggan ang kanilang mga daing hinggil sa kanilang mga karapatan, na buhay ang kanilang isipan, na may tinig sila sa loob at labas man ng tahanan.
Ito ang paksang tinatalakay at inilalahad sa nobelang ito na may 32 kabanata. Sinasalaysay ng katha ang buhay ni Lea, isang nagtatrabahong ina, may dalawang anak - isang batang babae at isang batang lalaki - kung kaya't makikita rito ang paglalarawan ng pananaw ng lipunan tungkol sa kababaihan, pagiging ina, at ang kung paano ganapin ng ina ang kaniyang pagiging magulang sa makabagong panahon.
Naging pelikula rin ang mahabang salaysaying ito, na ginanapan ni Vilma Santos, bilang Lea, noong 1998. Pinangasiwaan ng direktor na si Chito S. Rono ang pagsasapelikula ng nobela.
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
 |
|
|
Ang El filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.
Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakompleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891.
Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
 |
|
|
Ang Luha ng Buwaya ay isang nobelang isinulat ng Pilipinong si Amado V. Hernandez. Mayroon itong 53 mga kabanata, at tungkol sa mga mahihirap na mga magsasaka na nagbuklud-buklod laban sa kagahamanan ng pamilya Grande.
Nobela ng pambansang alagad ng sining Amado V. Hernandez, ang Luha ng Buwaya (1962) ay tumatalakay sa ginagawang panggigipit ng maykayang pamilya sa mga maralita at kung paano nagkaisa ang nasabing mga dukha upang lutasin ang kanilang problema.
Inilahad sa nobela ang sistemang piyudal na kinakatawan nina Donya Leona at Don Severo Grande, na nag-aari ng malalawak na lupain sa Sampilong. Ginamit ng mag-asawa ang kanilang salapi, impluwensiya, at kapangyarihan upang paikutin at bulukin ang mga institusyong gaya ng hukuman, simbahan, at pamahalaan nang mapanatili ang kanilang interes. Kalaban ng mag-asawa ang pangkat ng mga dukhang mula sa pook-maralita, na pinamumunuan ni Bandong. Si Bandong ay isang guro na naging gabay ng mga tao sa makatwirang pagkilos laban sa mga pamamalakad ng mag-asawang Grande. Nagbuo ng kooperatiba ang mga dukha sa pagnanais na makaraos sa kahirapan. Tumindi ang tunggalian sa kuwento nang ipakulong si Bandong gayong wala naman siyang kasalanan, at sa halip ay naghasik ng lagim ang mga tauhan ng mag-asawang Grande. Sa dakong huli ng nobela'y matutuklasan na ang lupaing kinatitirikan ng mga bahay ng mga dukha ay hindi pag-aari ng mag-asawang Grande. Mauunawaan din sa wakas ng mga tao na sama-sama lamang na pagkilos nila mababago ang bulok na sistemang piyudal sa lipunan.
Ang "luha ng buwaya" ay bulaklak ng dila na nangangahulugang "mapagbalatkayo" o "pagkukunwari."
|
0  :  1 | 0% AC
|
|
 |
|
|
bata bata pano ka ginawa?
ako to ang timawa..
mahal kita di lang halata
liwanag at dilim
sino ako?
mabuhay ka anak.
sino ama mo?
aray ko po.
pangit ba ko?
yan po..
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
 |
 |
 |
| |
Top Henyos |
 |
|
gkumar
Level: Henyo
Rating:

Offline |
 |
|
soni1
Level: Henyo
Rating:

Offline |
 |
|
writer
Level: Matalino
Rating:

Offline |
|
 |
|
|
 |
 |
 |
|
|
|
|
|