ang MAIKLING KWENTO ay isang maikling kathang pampanitikang nagsasalaysay ng pang araw-araw na buhay na may isa o ilang tauhan,may isang pangyayari at isang kakintalan.
EXAMPLES:
-> kwento ng katutubong kulay
--> kwento ng pakikipagsapalaran
---> kwento ng kababalaghan
----> kwento ng tauhan
-----> kwento ng katatawanan
_+++PAGONG AT MATSING+++_
Ang Pagong at ang Matsing ay tungkol sa kabutihan ng isang pagong tusong matsing na nagtanim ng kalahati ng punong saging. Sa pag-iisip na ang itaas na bahagi ay mamumunga pa, tinanim ng tusong matsing ang itaas na bahagi nito ngunit natuyo. Napunta sa pagong ang pangit na ibabang bahagi ng puno ngunit may ugat, ngunit paglaon ay namunga ito. Dahil hindi makapanik ng puno ang pagong para makuha ang prutas, ang matsing ang kumuha nito. Ngunit kinain lahat ng matsing ang bunga at nilaglag lamang ang balat nito sa pagong. Sa galit ng pagong, kumuha ito itinanim ang matutulis na suso sa paligid ng puno at nagtago sa ilalim ng bao ng niyog. Bumaba ang matsing at nasugatan sa patibong ng pagong. Hinanap nito ang pagong. Bilang parusa, binigyan n�ya ng pagpipilian ang pagong: durugin gamit ang pambayo o itapon sa tubig. Nilinlang ng pagong ang matsing at pinili ang pagdurog sa kanya upang hindi siya malunod sa tubig. At itinapon ng matsing ang pagong sa tubig, at dito siya nagtatatawa.
|