Open Question |
|
|
ano ang wika?ano ang teorya ng Wika?ano ang mga katangian nito?ano ang kahalagahan nito?
ang kahulugan ng Wika.ang mga teorya kung paano lumitaw ang wika.katangian ng wika na tumutukoy sa kaibahan nito sa iba.mga nagagawa ng wika sa pang-araw araw na buhay
Answered Question - 37936 views
|
 |
|
|
|
|
|
| Answers:
|
 |
|
|
ang katangian ng wika ay:
1. ang wika ay mayroong 2 masistemang balangkas
2. ang wika ay arbitraryo
3. ang wika ay sinasalitang tunog
4. ang wika ay ginagamit sa komunikasyon
5. ang wika ay pantao
6. ang wika ay nakaugat sa kultura
7. ang wika ay malikhain
8. ang wika ay patuloy na nagbabago
9. ang wika ay natatangi
ang teorya ng wika ay:
1. teoryang bawaw
2. teoryang pooh pooh
3. teoryang tara ra boom de ay
4. teoryang ding dong
5. teoryang tata
6. teoryang yo-he-ho
ang kahalagahan ng wika ay:
1. ang wika ay instumento ng edukasyon
2. nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman
3. nagbubuklod sa bansa
4. lumilinang ng malikhaing isip
i wish makatulong pow ito sa inyo.. well ako din nahirapan sa paghanap kaya alam ko kung gano kahirap hehehe... talagang wala d2 sa internet yan..
|
1  :  2 | 33.3% AC
|
|
 |
|
|
Mga Pangunahin At Pandaigdigan katangian ng Wika ni Gleason.
1. masistemang balangkas – kapag sinasabing masistema, ang ibig ipakahulugan nito ay may kaayusan o order . bawat wika kung ganoon ay may kaaysan o order ang istruktura. May dalawang masistemang balangtas ang wika ; ang balangkas ng may tunog at ang balangkas ng mga kahulugan. Ang wika ay may tiyak na dami ng mga tunog na pinagsam- sama sa isang sistematikong paraan upang makabuo ng mga makahulugang yunit tulad ng mga salita . gayundin , ang mga salita ay mapagsasama –sama upang makabuo ng mga parirala at sugnay /pangungusap
2. sinasalitang tunog- maraming mga tunog sa paligid na makahulugan ngunit hindi lahat ay maituturing na wika . ilang sa mga halimbawa ay ang alarma ng orasan . kulog sa kalangitan, wang wang ng patrol ng pulis, lagaslas ng tubig, sagitgit ng prinpritong isda at napakarami pang iba na ma kahulugan . Subalit ang mga ito ay hindi nabubuo sa pamamagitan ng mga sangkap ng pananalita kaya hindi matatawag ng wika. Ang mga tunog ng isang wika ay nabubuo sa tulong ng ibat ibang sangkap ng pagsasalita tulad ng dila , labi , babagtingang tinig ngalangala at iba pa.
3. pinipiling at isnasaayos sa paraan arbitraryo – ang kahulugan ng arbitraryo ay napagkasunduan. Ang bawat wika ay pinipili at isinasaayos sa paraang pinagkasunduan ng pangkat ng mga taong gumagamit nito. Ang mga tunog ng binibigkas ay pinili at sinaayos para sa layunin ng mga gumagamit . ang wikang maranao halimbawa ay pinili at isinaayos para gamitin ng isang grupo ng kapatid nating muslim .
4. ginagamit sa komunikasyon – ang komunikasyon na galling sa salitang latin na comminis na ang ibig sabihin ay to work publicly with ay nagbibigkis sa mga tao para magkaisa . ito ay nag sisilibing pandikit para ang mga mamamayanan ay magsamasama tingo sa pagkakaisa. Makikita ito sa pag – oorganisa ng mga manggagawa sa kanilang hanay , sa mga debate at mga pagpapasya sa mga maiinit at komplikadong isyu, at sa panghihimok sa mga tao na baguhin ang kanilang mga nakagawian at panuntunan . sa praktikal na kadahilanan, ang pasalitang komunikasyon ay higit sa pinahahalagahan sapagkat ito ay direkta at nagpapahayag sa ibat ibang uri ng mga tao na may ibat ibang paniniwala . pagpapahalaga , kamalayan at pinangagalingan .At sa lahat ng mga ito ano ang pangunahing kasangkapan nilang ginagamit?wika ang pangunahing behikulo sa komunikasyon ng dalwa o mahigit pang taong nag-uusap . ginagamit ang wika upang ipahayag ang pangangailangan , damdamin at ang iniisip para sa pakikipag ugnayan sa lahat ng pagakaktaon.
5. Pantao – Malinaw ang sinasabi ni Gleason na ang mga wika ay pantao lamang . ipero ang mga insekto at mga hayop ay nagpapahayag din ng kanilang mga nararamdaman . ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang mga pandama at instinct. Nahihiwatigan nating bubuhos ang malaks na ulan kapag nakita nating naglilipana sa himpapawid ang maraming ibon, paruparo , tutubi o naglalabasan sa bahay nang mga ipis gayong hindi ka nag spray ng pamuksa sa mga ito. Kapag may lawin naming namamataan sang inahingmanok na may balak silain ang kanyang mga inakay , lalabas ang kanyang maternal instinct. Ang paghahagis ng buto sa dalawang aso at siguradong mag aaway ang mga iyon kung kanino dapat mapunta ang nasabing buto survival instinct.
6. nakaugnay sa kultura – sa payak na pag papakahulugan ang kultura ay paraan ng pamumuhay . kung paanong ang isang pangkat ng mga tao sa particular na lugar ay nag-iisip ; dumarama, narereak , sa ibat ibang mga pangyayari at penomenang nakapaloob sa realidad ng kanyang buhay . ang wika at kultura ay dalawang bagay na hindi mapaghihiwalay. Sa pamamagitan ng wika , nagkakaalam at nagkakaugnayan sa pamumuhay, saloobin , tradisyon , mithiin at paniniwala ang mga tao. Isang malinaw na halimbawa nito ay ang salitang rice na sa wikang ingles , binhi naani na o naluto na ay rice parin ang tawag. Samantalang sa ating wika ang binhi ay palay, ang naani ay bigas at ang naluto na ay kanin. At hindi pa rito nagtatapos ang mga iba’t ibang katwagan patungkol sa rice. Iba pa ang sinangag , bahaw ,tutong ,lugaw at maraming pang iba.ang ating kultura ay makalalaki at iyan ay masasalamin sa ating wika.
|
1  :  0 | 100% AC
|
|
 |
|
|
Ang wika ay pagpapahayag ng kuro-kuro at damdamin sa pamamagitan ng pasalita at pasulat upang magkakaunawaan ang lahat.
Kahalagahan ng Wika:
1.kasangkapan sa pakikipagtalastasan
2.kasangkapan upang makausap ang panginoon
3.instrumento para sa malikhaing pag-iisip
3.panlipunan o pangsosyal
Simusimula ng wika:
1.pagkumpas ng kamay
2.pagtango ng ulo
3.pagkibit balikat
4.paggamit ng tinig
5.pag-iling ng ulo
Katangian ng wika:
1.may masistemang balangkas
2.gamit sa komuniokasyon
3.nagbabago (dinamiko)
4.arbitraryo
5.nakabatay sa kultura
6.konsistente
7.sinasalitang mga tunog
8.pinipili at isinasaayos
|
1  :  1 | 50% AC
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
 |
 |
 |
| |
Top Henyos |
 |
|
jperana
Level: Matalino
Rating:

Offline |
 |
|
colinam
Level: Matalino
Rating:

Offline |
|
 |
|
|
 |
 |
 |
|
|
|
|
|
|
|