Ang wika'y kasangkapang ginagamit ng lahat ng uri o antas ng tao sa lipunan. Nagagamit ito sa iba't - ibang aspekto ng pamumuhay ng tao; pang- ekonomiya, pangrelihiyon, pampulitika, pang-edukasyon at panlipunan. Ang wika'y nawawala at namamatay kung nauubos o umuunti ang minoryang pangkat na gumagamit ng nasabing wika ngunit patuloy naman itong lumalaganap, umuunlad at nagbabago kasabay ng pag-unlad ng mayoryang pangkat na gumagamit nito.
Ang PANITIKAN ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Ito ay nanggaling ang salitang panitikan mula sa ‘pang|titik|an’, kung saan ikinabit ang unlaping pang- at hulaping -an sa ugat na titik. Ang may-bahid kanluraning salitang literatura ang isa pang katawagan para sa larangan ng panitikan. Nagmula ang salitang literatura sa salitang Latin - littera - na nangangahulugang "titik"