Saturday 20 March 2010 : 01:15:18 AM Welcome back Guest. Login | Register
Search keyword:
e,g."Philippine Independence"
Home Ask a Question My Profile Register
Home / Miscellaneous / Others
Open Question
    
cyberalph
Level: Baguhan
Rating:

ano ang talambuhay ni emilio jacinto
?

j

Answered Question - 3748 views

  Email this Question to a friend

Research your answer in the web
    Answers:
Si Emilio Aguinaldo y Famy[1] (Marso 22, 1869–Pebrero 6, 1964) ay isang Pilipinong heneral, pulitiko at pinuno ng kalayaan. Isa siyang bayaning nakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 1899. Malakas ang kaniyang loob subalit nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang huli ng mga Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow tie hanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Tumakbo siya bilang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni Manuel Quezon. Sa mga huling panahon ng kaniyang buhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas.[1][2]

in the internet
0 : 1 | 0% AC
EMILIO JACINTO

Ang ‘Utak’ Ng Katipunan


Laging pinatunayan ng mga Pilipino na higit silang magiting kaysa kanilang mga pinuno. Sinu-sinong pinuno ang dumating, sinu-sinong pinuno ang naglaho; subalit patuloy ang mga Pilipino sa pagtahak sa anumang landas na itakda ng Kapalaran... --Emilio Jacinto
MAY-KAYA nang kaunti ang mga magulang ni Emilio Jacinto nang isilang siya nuong Deciembre 15, 1875. Ang kanyang ama, si Mariano Jacinto, ay tatag ang hanap-buhay bilang tenedor-de-libro (bookkeeper) sa isang bahay kalakal sa Binondo, malapit lamang sa kanilang bahay sa Trozo, sa Tondo, Manila. Nakatulong din ang hanap-buhay ng ina, si Josefa Dizon, bilang comadrona (midwife). Mula sa mayaman at kilalang angkan ng mga Dizon ang ina, kaya bata pa ay tinuruan na si Emilio. Sa gulang na 6 taon, natutuo na siya ng pangkaraniwang Español (lengua de tienda, market Spanish). Dinaan sa paulit-ulit na pagsa-ulo (cabezote, learning by rote) na karaniwang paraan ng pag-aaral nuong panahong iyon. Matatas din siya sa Tagalog na wika ng kanyang mga magulang.

Nang namatay ang kanyang ama, agad naghirap ang mag-anak. Bahagya lamang nakayanan ng ina na nag-isa nang naghanap-buhay. Ang damit nila ay mga lumang baro na tinubos nang mura ng ina mula sa bahay-sanglaan (casa de agencia, pawnshop). Nang nagsimulang pumasok si Emilio sa paaralan ni Maestro Pascual Ferrer, lagi siyang tinukso ng mga kamag-aral dahil sa pagkadukha ng kanyang suot - ang sinturon (cinturon, belt) niya ay ginupit na laylayan ng saya ng ina, ang sintas ng zapatos (showlaces) niya ay pinunit mula sa itim na basahan (trapo, rag). Nang nakatapos siya sa mababang paaralan ni Ferrer, tatag na ang kanyang pagka-tao: tahimik subalit walang takot lumaban.

Dahil sa hikahos, napilitan siyang ilipat ng ina sa kanyang kapatid, si Jose Dizon, upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa colegio. Sa tustos ng tio, nakatapos si Emilio ng bachelor of arts (licenciado) sa San Juan de Letran, matapos ng araw-araw na kutya at libak ng mga mayamang ka-clase (compañeros, classmates) dahil sa kanyang pagka-dalita. Pumasok siya sa Universidad de Santo Tomas upang mag-aral ng pagka-abogado. Nabanggit ng mga kakilala niya sa Santo Tomas nuon na tahimik pa rin siya, hamak pa rin ang damit, at wala pa ring takot makipag-suntukan. Ang nadagdag, sa ulat nila, ay ang sagad niyang hangad na maging malaya ang Pilipinas. Dala marahil ng tukso at paghamak na tinanggap mula pagka-bata, o ang mga pag-api ng Español na nabasa niya sa kumakalat nuong propaganda ng mga ilustrado. Anuman ang dahilan, sa murang gulang na 19 taon gulang, “hinog” na si Emilio sa papalapit na himagsikan.
Kartilya
Ng
Katipunan

Mga Aral ni Emilio Jacinto

Naunang sumulat si Andres Bonifacio ng mga pang-aral (cartilla, primer), subalit nang nabasa niya ang sinulat ni Emilio Jacinto, ipinalit niya ito at tinakdang alituntunin ng Katipunan.


Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay punong-kahoy na walang lilim, kung hindi makamandag na damo.
Hindi kabaitan ang gawang magaling na nagbubuhat sa pagkahambog o pag-ibig sa sarili, at hindi talaga nagbubuhat sa nasang gumawa ng magaling.
Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-ibig sa kapwa at ang pagsukat ng bawat kilos, gawa at pangungusap sa talagang Katuwiran.
Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao ay magkapantay. Mangyayari na ang isa’y hihigitan sa dunong, sa yaman, sa ganda; ngunit di mahihigitan sa pagkatao.
Ang may mataas na kaluoban, inuuna ang puri kaysa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kaluoban, inuuna ang pagpipita sa sarili kaysa puri.
Sa tao na may hiya, salita’y panunumpa.
Huwag mong sayangin ang panahon. Ang yamang nawala’y mangyayaring magbalik, ngunit panahong nagdaan na’y di na muli pang magdadaan.
Ipagtanggol mo ang inaapi, kalabanin ang umaapi.
Ang matalinong tao ay ang may pag-iingat sa bawat sasabihin. Matuto kang ipaglihim ang dapat ipaglihim.
Sa matinik na daan ng buhay, lalaki ang patnugot ng asawa at mga anak. Kung ang umaakay ay tungo sa samâ, ang patutunguhan ng inaakay ay kasamaan din.
Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuwang at karamay sa mga kahirapan nitong buhay; gamitin mo nang buong pagpitagan ang kanyang kahinaan, alalahanin (mo) ang ina na pinagbuhatan, at nag-iwi sa iyong kasanggulan.
Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba.
Ang kamahalan ng tao ay wala sa pagka-hari, wala sa tangos ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagka-pari na kahalili ng Diyos, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa: wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking gubat at walang nababatid kundi sariling wika, yaong may magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri, yaong di nagpapa-api at di nakiki-api; yaong marunong magdamdam at marunong lumingap sa bayang tinubuan.
Paglaganap ng mga aral na ito, maningning na sisikat ang a



0 : 0 | 0% AC
Si Emilio Jacinto ay isinilang noong Disyembre 15, 1875 sa Trozo, Maynila. Ang kanyang mga magulang ay sina Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Solong itinaguyod ng ina ni Emilio bilang isang kumadrona ang buhay nila mula nang mamatay ang kanyang ama. Dahil sa kahirapan, si Emilio ay tumira sa kanyang tiyuhin.

Si Emilio ay nag-aral sa Colegio de San Juan de Letran at kumuha ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas subalit ito ay natigil nang siya ay sumapi sa Katipunan noong 1896. Sa gulang na 19 siya ay isa sa mga magagaling na pinuno ng Katipunan. Siya rin ang naging tagapayo, kalihim at piskal ni Andres Bonifacio. Si Emilio rin ang editor ng Ang Kalayaan, ang pahayagan ng Katipunan. Iniakda rin ni Emilio ang Cartilla, ang batas at alintuntunin ng Katipunan kaya't siya ay tinaguriang Utak ng Katipunan.

Siya ay isa ring makata at ilan sa kanyang mga tulay ay A La Patria na hango sa Ultimo Adios ni Jose Rizal. Ang ginagamit niyang pangalan sa pagsulat ay "Dimas-Ilaw".

Sa isang sagupaan sa Majayjay, Laguna, si Jacinto ay lubhang nasugatan at binawian ng buhay noong ika-16 ng Abril, 1899 sa edad na 23.



0 : 0 | 0% AC


Related Questions:

 
   Categories
    Arts & Entertainment
    Business and Money
    Health
    Academic
    Miscellaneous
    Reference
    Relationships and Beliefs
    Science and Mathematics
    Sports and Leisure
    Technology
 
 
   Bookmarking
        Digg This
        Del.icio.us
        Yahoo My Web
 
 
   Top Henyos
umibigatnabigo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
boyhenyo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
kimonrold*
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
jac
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
cklaighe
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
 
 
 
 
   Most Viewed

Q: tingin ko lang ang pinakamahirap sagutin dito sa pinoy henyo ay mga tanong sa wika at panitikan?

Q: who is more caring boys or girls?

Q: why?

Q: Pa-add nmn po sa FB :DD?

Q: para sainyo kung sakaling maaksidente ka pero wag naman sana, ?



 
Copyright ©2010 Pinoy Henyo. All Rights Reserved.