|
|
NANG at NG
>> Ang "nang" ay katagang kasama ng pang-abay sa pamaraan at pang-abay na pamanahon. Ang "nang" ay nagsisilbing pang-angkop sa pang-ugnay na panuring sa tinuturingan.
Halimbawa: Malakas na magsalita (paano nagsalita?) = nagsalita na malakas = nagsalita nang malakas
Hindi magandang pakinggan ang gamit ng na kung wala itong pang-angkop na sarili; ito’y dapat inangkupan na rin ng ng, kaya nagging nang (na+ng = nang). Ang nangyari, ang salitang "nang" ay "na" na pang-abay na pamaraan na inangkupan ng pang-angkop na "ng", kaya sa halip na sabihing nagsalita na malakas, ito’y naging nagsalita nang malakas.
Ang "nang" ay nagagamit ding pangatnig ng isang salita o ng isang isipan sa kapwa isipan sa isang hugnayang pangungusap bilang panimula ng katulong na sugnay o sugnay na di-makapag-iisa. Karaniwan itong ginagamit sa pagkakatnig ng pang-abay na pamanahon sa ibang bahagi ng pangungusap.
Halimbawa: Umiyak siya nang dumating sa bahay. (kailan umiyak?)
>> Ang "ng" naman ay ginagamit na pananda o pantukoy ng mga pangngalang pambalana at ginagamit ding pang-ukol na katumbas ng the, a, of the sa Ingles. Ang ng bilang pananda o pang-ukol ay sumasagot sa tanong na ng ano?
- ginagamit bilang pantukoy o pananda. (pananda + ng + pangngalan)
Halimbawa: gumawa ng kahon (gumawa ng ano?)
bumili ng gatas (bumili ng ano?)
- ginagamit bilang pang-ukol na ang katumbas sa Ingles ay with
Halimbawa: pinalo niya ng mahabang kahoy ang aso.
- ginagamit bilang pang-ukol na katumbas ng the, of the (pangngalan + ng + pangngalan)
Halimbawa: tangkay ng payong
|
4  :  1 | 80% AC
|
|
 |
|
|
NG is a conjunction word... equivalent to" OF" or sometimes in on at...
e.g. Lungsod ng Pasay (City of Pasay)
Nang is equivalent to "When"
e.g. Nang makita ko sila..(When i saw them)
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
|
|
depende kc un e...merong ung sentence na:
"Berdugo ng Maynila"
and meron dn ung,
"Nang si Nenay mag-hubad"
Gets?
Ng<==Place
Nang<==Time
|
0  :  0 | 0% AC
|
|
|