Ilang Uri ng Tayutay
Alliteration -Pag-uulit ng naunang tunog na katinig.
Euphemism
Pagpapalit ng salitang mas magandang pakinggan kaysa sa salitang masyadong matalim o bulgar. Halimbawa: Imbes na, Ang lolo niya ay natigok, mas mainam na sabihin na, Ang lola niya ay sumakabilang buhay.
Hyperbole o Eksaherasyon
Paggamit ng di pangkaraniwan na salita o palabis na paghahayag ng isang bagay.Halimbawa: Sa labis na kagutuman, kaya kong kumain ng sampung baka.
Irony o Kabalintunaan
Pag-gamit ng salita na ang ibig sabihin ay ang kabaligtaran nito.
Metaphor o Pagwawangis
Pagkukumpara ng dalawang magkaibang bagay na may isang importanteng bagay na pinagkatulad
Metonymy
Pagpapahayag sa pamamagitan ng paggamit ng isang salitang may kaugnayan sa nasabing bagay. Halimbawa: Iniwasan na niya ang bote at baraha na nangangahulugang iniwasan na niya ang pag-inom ng alak at pagsusugal.
Onomatopoeia
Pagbuo o paggamit ng mga salita na mula sa tunog ng mga bagay-bagay. Halimbawa: tik-tak ng orasan, twit-twit ng ibon, tahol ng aso
Personification o Pagsasatao
Pagbibigay ng katangian o damdaming pantao sa mga bagay na walang buhay.
Pun
Paglalaro sa mga salita o pag-gamit ng isang salita na iba't-iba ang kahulugan.
Simile o Pagtutulad
Pagtutulad ng isang bagay sa isa pang bagay gamit ang salitang tulad ng, parang, kawangis ng, kasing atbp. Halimbawa: Ang balat niya ay kasingputi ng niyebe.
|