Friday 30 July 2010 : 06:34:26 PM Welcome back Guest. Login | Register
Home Ask a Question My Profile Register
Home / Academic / History
Open Question
    
yuri.sadaharu
Level: Baguhan
Rating:

ano ang mga sinaunang kabihasnan sa asya?

nakabatay lang ito sa kontinente ng asya lamang at sa wala nang iba pa

Answered Question - 33213 views

  Email this Question to a friend

Research your answer in the web
    Answers:
ANG SINAUNANG KABIHASNAN SA ASYA

KABIHASNAN SA TIGRIS EUPHRATES

Sinasabing may higit na karapatang angkin ng kabihasnan g sumisimbulo sa pamamagitan ng ilog Tigris at Euphrates ang pag silang ng sinaunang kabihasnan. Ang mga lupain kanilang pinamahayan ay tinaguriang Mesopotamia 'Ang Lupain sa pagitan ng dalawang ilog',nadi-naglaon ay pinamahayan din ng mga Akkadian ,Babylonian at ang mga Assyrian

KABIHASNANG SUMER

Lumikha ang mga Sumerian ng sarili nilang sistema ng pag sulat na tinaguriang Cuneiform. Ang buong Sumerian ay binubuo ng malalayang pamayanan ng pinamumunuan ng mga patesi ang mga paring hari ng mga lupain. Ang mga sumreian ang kauna-unahang gumamit ng araro, paaralan at templo. Sila din ang unang gumamit ng behikulong may gulong

PAGDATING NI HAMMURABI

Watak-watak na siyudad-estado ang lupain kung kayat ito ay nilusob at madaling nasakop ng ibat-ibang pangkat .sinakop ni Hammurabi ang buong mesopotamia . Malinaw na nakasulat at ipinapatupad ang tanging parusang nakapataw sa bawat kasalanang naisagawa ng isang tao .Ang pataw na parusa ay nakabatay sa prinsipyong "Ngipin sa Ngipin/ Mata sa Mata" di nag laon nasakop din ng iba pang manlulupig ang lupain noong 334 B.C. dumating at sinakop naman ni Alexander

CONFUCIANISMO

Si Confucius ang kinikilalang pinakadakilang pilosoper ng china (551-478B.C) na nag laganap ng Confucianismo. Ang panngalang Confucius ay galing sa pangalang tsino na Kung-Fu Tze na ibig sabihin ay "Pilosoper" siya ay simple, mabait, matulungin sa tao


ANG MGA ARAL NI CONFUCIUS

Sa kagustuhan niyang sama-samang mabuhay ng maligaya ang tao , itinakda niaya ang "Golden Rule" o Gintong aral


TAOISMO

Si Lao-Tze ay isa pa sa kilalang pilosoper sa china. Siya ang kinikilalang iskolar at guro


MGA PANGARAL NI LAO-TZE

Naniniwala siya sa pananaw na natatamasa lamang ng sang katauhan .Ang tunay na kaligayahan kung siya ay nakikiisa kay tao, ang prinsipyong nagpapagalaw sa buong kanunduhan


SHINTOISMO

Shinto-daan ng diyos

Ang mga retuwal , paniniwala at pangaral ng Shinto ay nakasentro sa kinikilala nilang diyos na si "Kami"




1 : 0 | 100% AC
MGA PANGRAL NG SHINTOISMO

Pinahalagahan ng Shintoismo ang pag sasaloob ng mataas na mordidad ng sangkatauhan

HINDUISMO

Ang pinakauna at sinaunang rehiyon ng India. Ito ay itinatag ng mga indo Aryan. Noong una ang mga Aryan ay nababahala lamang sa mga kanilang bahay sa mundo at ang sinasamba lang nila ay ang mga diyos at diyosa gaya ng puno, bundok at iba pa

Di naglaon nag simulang mabahala ang mga Aryan ng maging mahirap at kumpelekado ang buhay nila


SISTEMANG CASTE

Naging bahagi ng hinduismo ang sistemang caste ang sistemang ito ay nag uuri sa mga tao sa apat na klase

1.Brahman/ mga pari

2.khastria/ mandirigma

3.vaisya/ mga mag sasaka at negosyante

4.sudra/ ang mga manggagawa


HUDAISMO, KRISTIANISMO,ISLAM

Hudaismo-relihiyong kung saan nagmula ang mga relihiyong naniniwalo sa iisang Diyos /ang Mistiyanismo at islam)

Abraham-tagapagtatag ng Hundu �nangakong magmagturo ng mga aral �sinasabi ni

YAHAWEH.

Moises-kinikilalang pinakamahahalagang bayaning HUDEO, naggabay sa kanyang mga

Kalipi patungo sa lupang pangako-destino kuna saan niya tinanggap ang 10 utos ng Diyos.


LUMANG TIPAN (OLD TESTAMENT)

dito nkapaloob ang mga pag-aaral at paniniwala sa Hudaismo.


ILAN SA MGA ARAW NG PANGILIN NG MGA HUDEO:

1)Passover - panahon ng pag-ani ng mais

2)Pentacosi - pagunita sa pagtanggap ni Moises sa 10 utos ng Diyos.

3)Sabbatli - pagunita sa pagtatapos ng paglalaglag ng mga HUDEO sa disyerto ng Sinai

KRISTIYANISMO:

Nagmula sa Hudaismo,sa isang paniniwalang tayoy nagmula sa isang Diyos,itinatag

ni HESUKRISTO n a paniniwalang anak ng Diyos na isugu sa lupa upang pangaralan ang mensaheng pag-asa at pagliligtas ng sangkatauhan.



1 : 1 | 50% AC
HADJI ( BANAL NA PAGLALAKBAY )

ANG SEREMONYA:

1)Bago pumasok sa Mecca (banal n lungsod) kinakailangang magsuot ng IHAAM ang mga muslim

2)Sa banal na mosque,ang mga muslim ay babati (TAWAF) sa pamamagitan ng pag-ikot

Ng 7 beses sa KAABA(Banal na altar ng mga Muslim)

3)Sa ika-8 araw ng Dhuil-hijan- ang ika-12 sa buwan sa kalendaryo ng mga muslim , lilipit ang pilgrim sa mina

4)tungo sa Arafa para sa sntral na ritual pagtayo mula tanghali hanggang hapon halaang nagdarasal

5)paglubog ng araw ay tutungo sila sa sa muzdelifal

6)babalik sa mina para sa pag-aalay

7)Bago umalis , bumalik at rikot sa kaaba


ISLAM

Katulad ng Kristiyanismo , ang Islam ay monoteismo. Ito ay itinaguyod ni muhammed at itinatag noong 570 A.D.. Sinasabi nito na siya ay mensahero ng diyos .At sa mga sumusunod na nag pakita si Gabriel ibinigay sa kanya ang mga paniniwala at aral na kanyang ipnangangaral. Mula noon siya ang nangaaral bilang sugo ni Allah sa daigdig

ARYAN

Ang mga Aryan ay ang unang grupo ng mga taong nagmana ng mga labi ng "Dravidian"
sa pamamagitan ng mga "Vedan" aklat ng mga tula at awit na kanilang tinipon. Ang pinakamahalaga sa mga aklat ng Aryan ay ang "Rig - Veda". Ito ang naglalaman ng mga awit ng pagdakila sa diyos at nakasulat noong 1000B.C.

KABIHASNANG INDUS

Ang sibilisasyong Indus ang isa sa luklukan ng unang kabihasnang sa timog Asia. Ayon sa mga arkeologo ang kabihasnang ito ay nagsimula pa noong 4000B.C. at lumago bilang mga panirahan ng mga magsasaka na pinangunahan ng mga kilalang kapital ng Harappa at monjenjo-Dauo. Di naglaon ang mga ito ay naglaho matapos ang pagbaha ng ilog Indus noong 1750B.C. sa kanilang paglaho , naiwan ang kanilang mga labi na nagpapatunay na ang mga itoi ay may mataas na antas na ng kabihasnang noong panahon pa lamang iyon


KABIHASNANG HUANG-HU

Sinasabing ang sibilasasyon sa ilog huang hu na may 3,000 taon na ang nakakalipas ang nanguna sa daigdig sa larangan ng sining sensya pilosopiya at kasanayan sa pamahalaan. Gamit na nila noon pa ang mga pamamahay ng gawa sa patpat na kahoy at putik.



1 : 0 | 100% AC
Ang kabihasnang Sumer na nasa Mesopotamia ang una at pinakamatandang kabihasnan sa Asya.

Maliban sa Sumer, ang iba pang sinaunang kabihasnan ay ang sa Indus at Shang.

^^,



0 : 0 | 0% AC
PANAHON NG KARIMLAN

Sa pagkamatay ni asoka limang daang taonf nakaranas ng kaguluhan at pag kawatak-watak ang India

IMPERYONG GUPTA

Noong 320A.D. itinatag ang imperyong gupta ni chardragupta sa panahong ito

MGA IMPERYO SA TIMOG-SILANGANG ASYA

Imperyong=Sri Vijaya, saliendra, mahapahit at Khimer

IMPERYONG SRI-VIJAYA

Nakilala ang imperyong sri-vijaya bilang isang imperyong pangkalakalan. Malaki ang nagging kita ng imperyong nagmula sa buhaw na tinatanggap nito sa mga mangangalakal na nagdasaan sa kipotang pinakapinunung daungon at kabisera ng jahiyam imperyo ay nasa Palembang Sumatra

IMPERYONG SAILENDRA

Gaya ng Sri-vijaya walang gaanong kaalamang katuklasan ukol sa Sailendra


DINASTIYANG SHANG

Ito ay ang dinastiyang unang namuno sa china aito ay nagging mapang alipin kung kayat itoy unti-unting humina at iinupo ng isa pang dinastiya na nagmula sa ilog wei na sakop ng yellow River. Si Chou hsin ang huling emperedor ng shang


DINASTIYANG CHOU

Ang dinastiyang chou ang siyang gumupo sa shang at nag mula 1122-1249 B.C..ang dinastiyang chou ang nag-pasimula ng sistemang feudal sa china.

DINASTIYANG CHIN

Si Shin |Huang ti ang kaunaunahang emperador ng dinastiyang chin .ang dinastiya ay dinudumihan din ng mga taong legelista/legalistic school na tumanggi sa mga aral at pangahas ni Confucius at Mencius at ipinatangkilik ang sistemang pagbibigay ng pabuga sa nakakatulong sa pamahalaan at pag papausa sa nagksala

DINASTIYANG HAN

Si Lin Pang ang nagtatag nito. Pinamumunuan nito ang china , ng may 400 na taon (202B.C.-22(A.D.) si Wuti ang kinikikilalang pinakadakilang Han at tinaguriang "Manlulupig na Mandirigma"



0 : 0 | 0% AC
SIMULA NG JAPAN

Ang simula ng bansa ay hango sa alamat na ang mga pulo ng japan ay galing kina Izanagi at Loanami na kinikilala nilang diyos. Si amaterazu na kanilang anak naman ay mga emperador at si Jimmu Tenno ang kanilang kinikilalang kauna-unahang taong emperador.Siya rin ang sentro ay yamato

UGNAYANG CHINA-JAPAN

Nagsimula ang ugnayang china-japan noong 400 A.D. sa panahong ito nagsimulang pumasok ang Budhismo sa japan sa pamamagitan ng korea

*PAMUMUNO NI PRINSIPENG SHOTOKU TAISHI AMA NG KULTURANG HAPONES*

Hinimok ni Shotoku Taishi na naninirahan sa japan ang mga makasining at manggagawa Tsino upang gumawa ng iskultura at arketekturang may salitang Tsino Korean

Ang aklat-kasaysayang hapones na pinamagatay "kaniki Records" of ancient mattews (mga tala ng mga sinaunang bagay)ay ipinapalabas noong 712 dito kaununahang ginamit ang wikang hapones (Nippongo)



0 : 0 | 0% AC
*sumerian,
*babylonian,
*persiano,
*phoenician,
*hebreo,
*chaldean,
*hittites,
*assyrian.....



0 : 0 | 0% AC


 
   Categories
    Arts & Entertainment
    Business and Money
    Health
    Miscellaneous
    Reference
    Relationships and Beliefs
    Science and Mathematics
    Academic
    Sports and Leisure
    Technology
 
 
   Share
        Facebook
        Twitter
        Plurk
 
 
   Search
JobTitle, Company, Skills, Industry, etc.
 
 
   Top Henyos
gkumar
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
soni1
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
jeremyrimando
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
cracklings
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
writer
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
 
 
   Most Viewed

Q: ano ang dapat gawin ng gobyerno para maalagaan ang kalikasan?

Q: explain think globally act locally. ?

Q: bakit kailangan ng taong mag sexxxxxxxxxzzzzzzzzzzzzzzzz?

Q: ano ang layunin ni rizal at pangarap ni2 nung bata pa ito???????

Q: HELP PO PLS...ano po ba ang pinagmulan ng pilipinas ayon sa agham, bibliya at alamat?



 
 
Copyright ©2010 Pinoy Henyo. All Rights Reserved.