Thursday 11 March 2010 : 01:42:03 PM Welcome back Guest. Login | Register
Search keyword:
e,g."Philippine Independence"
Home Ask a Question My Profile Register
Home / Academic / Wika at Panitikan
Open Question
    
mhalditah
Level: Baguhan
Rating:

ano ang kahulugan ng pakikinig?

Answered Question - 1312 views

  Email this Question to a friend

Research your answer in the web
    Answers:
PAKIKINIG

– ang paraan ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng ating pandinig. Ang kakayahang matukoy at maunawaan ang sinasabi ng ating kausap. Ito ay nagtataglay ng pag-unawa sa diin at bigkas ng nagsasalita, ang kanyang balarila at talasalitaan, kasama ang pagbibigay-kahulugan niya sa mga ito.

Uri ng Pakikinig

1. Pasiv o marjinal na pakikinig

pakikinig habang may ginagawang ibang bagay

Hal. Pakikinig sa radyo habang nakikipag-usap, nag-aaral o gumagawa ng ibang bagay at hindi nakatuon ang pansin sa naririnig.

2. Atentiv na pakikinig

pakikinig na ang layunin ay ang kawastuhan ng pagkaunawa sa teksto. Hal. kung ibig mapakinggan ang mga detalye o paksang-diwa ng isang teksto.

3. Pakikinig na analitical

ginagawa kapag ang layunin ay ang pagtataya kung sapat, valid, mahalaga, o karapat-dapat ang teksto. Sa ganitong uri ng pakikinig tinataya ng indibidwal ang narinig batay sa sariling karanasan o sa dati na niyang kaalaman.

4. Pakikinig na apreciativ

ginagawa ng isang tao kapag siya’y nakikinig sa isang kwento, pangyayari, at musika para sa sariling kasiyahan.

Mga Pamamaraan sa Mabisang Pakikinig

1. Maging handa sa pakikinig
2. Sikaping magkaroon ng kawilihan
3. Bigyang pansin ang pagitan ng pagsasalita at pakiking
4. Kilalanin ang mahahalagang puntos
5. Iwasan ang maagang pagpuna sa tagapagsalita
6. Iwasan ang maagang pagpuna sa mensahe
7. Sikaping huwag pansinin ang mga bagay na makagagambala sa pakikinig

Mga Bagay na may Kinalaman sa Pakikinig

1. Ang kapaligiran ng silid
2. Kakayahan ng tagapakinig
3. Ang konsentrasyon ng nakikinig
4. Ang Channel

Elemento na Nakakaimpluwensya sa Pakikinig

1. Oras
2. Channel
3. Edad
4. Kasarian
5. Kultura
6. Konsepto

Mga Uri ng Pakikinig:


1. Imnpormatibo
2. Ebalwatibo
3. Empatiko
4. Pasibo (Passive)
5. Pangkasiyahan
6. Replektibo (Reflective)
7. Kritikal


Maraming hadlang sa pakikinig. Isa na dito ang mga hadlang na natural lamang na nangyayari sa paligid.Ang mga ingay,di inaasahang pangyayari at ang kawalan ng interest sa pinaguusapan.Minsan nasa tagapakinig na rin kung gagawin niyang mabisa ang pakikinig.Isa rin ang mga kapansanan sa pandinig at pagsasalita.May mga taong di nakikinig dahil sa mismong tagapagsalita,hindi kasundo,di interesado o walang kinahahantungan.Ang mabisang Pakikinig ay nakasalalay sa mga taong nakikipagkomunikasyon.



0 : 0 | 0% AC


Related Questions:

 
   Categories
    Arts & Entertainment
    Academic
    Business and Money
    Health
    Miscellaneous
    Reference
    Relationships and Beliefs
    Science and Mathematics
    Sports and Leisure
    Technology
 
 
   Bookmarking
        Digg This
        Del.icio.us
        Yahoo My Web
 
 
   Top Henyos
jperana
Level:
Rating:
Instant Message Offline
boyhenyo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
cklaighe
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
jessie1309
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
concepab
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
 
 
 
 
   Most Viewed

Q: naku aman?

Q: aspekto ng pang-abay aspekto ng pandiwa aspekto ng pangungusap?

Q: HALIMBAWA NG KWENTONG MITOLOHIYA PLS.?

Q: buod ng paghuhukom ?

Q: ano ang kasaysayan ng retorika?



 
Copyright ©2010 Pinoy Henyo. All Rights Reserved.