Friday 19 March 2010 : 04:38:01 PM Welcome back Guest. Login | Register
Search keyword:
e,g."Philippine Independence"
Home Ask a Question My Profile Register
Home / Academic / Wika at Panitikan
Open Question
    
mondapco
Level: Baguhan
Rating:

ano ang kahulugan ng panitikan? Ano ang ibat-ibang uri nito?

Sino - sino ang mga taong naparangalan sa ibat ibang uri ng panitikan?

Answered Question - 41693 views

  Email this Question to a friend

Research your answer in the web
    Answers:
ang PANITIKAN ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.

* Nanggaling ang salitang panitikan mula sa ‘pang|titik|an’, kung saan ikinabit ang unlaping pang- at hulaping -an sa ugat na titik. Ang may-bahid kanluraning salitang literatura ang isa pang katawagan para sa larangan ng panitikan. Nagmula ang salitang literatura sa salitang Latin - littera - na nangangahulugang "titik"

Mga uri ng panitikan:
* kathang-isip (Ingles: fiction)
* hindi kathang-isip (Ingles: non-fiction) na mga sulatin at babasahin

Mga anyo ng panitikan:
* tuluyan o prosa (Ingles: prose) - maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
* patula o panulaan (Ingles: poetry) - pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong

Mga Pilipinong Naparangalan:
* Teo Antonio - Gawad Patnubay sa Kalinga para sa larangan ng panitikan'' from the City of [[Manila]] (1996)
* Rolando Tinio - Gantimpalang Quezon sa Panitikan (1977)
* Juan SP. Hidalgo, Jr. - Gawad CCP Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan (1991)



3 : 0 | 100% AC
Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan. Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan. Ang Iliad ni Homer ang isang halimbawa ng mga mabuting likhaing pampanitikang kanluranin, maging ang Aeneid ni Vergil.


0 : 0 | 0% AC


Related Questions:

 
   Categories
    Arts & Entertainment
    Business and Money
    Academic
    Health
    Miscellaneous
    Reference
    Relationships and Beliefs
    Science and Mathematics
    Sports and Leisure
    Technology
 
 
   Bookmarking
        Digg This
        Del.icio.us
        Yahoo My Web
 
 
   Top Henyos
umibigatnabigo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
boyhenyo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
kimonrold*
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
cklaighe
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
jac
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
 
 
 
 
   Most Viewed

Q: mg halimbawa ng mga sanaysay n pang intermediate grade ?

Q: ano ang pagsusuri o analisis?

Q: ano ang halimbawa ng teoryang klasisismo?

Q: ano ang buod ng ibong adarna kabanta 2?

Q: mag bigay nang mga maiklling tulang pilipino?



 
Copyright ©2010 Pinoy Henyo. All Rights Reserved.