Saturday 20 March 2010 : 07:05:19 AM Welcome back Guest. Login | Register
Search keyword:
e,g."Philippine Independence"
Home Ask a Question My Profile Register
Home / Academic / History
Open Question
    
Intelligent Emo
Level: Baguhan
Rating:

ano ang history ng Pilipinas?

Answered Question - 1894 views

  Email this Question to a friend

Research your answer in the web
    Answers:
Nagsimula ang kasaysayan ng Pilipinas nang dumating ang mga sinaunang tao sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga tulay na lupa 30,000 taon na ang nakalilipas. Ang unang tala na pagbisita na mula sa Kanluran ay ang pagdating ni Fernando Magallanes sa pulo ng Homonhon, sa timog-silangan ng Samar noong Marso 16, 1521. Nagtayo ng mga permanenteng paninirahan sa Cebu kasabay ng ekspedisyon ni Miguel López de Legazpi noong 1565, at marami pang mga paninirahan ang itinatag pa-Hilaga hanggang sa maabot ng mga kolonyalista ang Look ng Maynila sa pulo ng Luzon. Nagtatag ng isang ciudad (town) sa Maynila at dito nagsimula ang panahon ng kolonyalisasyon ng Espanya na nagtagal ng tatlong siglo.

Nagsimula ang rebolusyon laban sa Espanya noong Abril ng 1896, na pagkaraan ng dalawang taon ay humantong sa proklamasyon ng kalayaan at ang pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas. Ngunit ang Kasunduan sa Paris, na naganap sa katapusan ng Digmaang Espanyol-Amerikano, ay naglipat ng pamamahala sa Pilipinas sa Estados Unidos. Nagsimula ang kolonyal na pamamahala ng Estados Unidos sa Pilipinas noong Disyembre ng 1899, kasama ang limitadong lokal na pamamahala noong 1905. Ang parsyal na pagsasarili ay iginawad noong 1935, bilang paghahanda sa isang ganap ng kalayaan mula sa Estados Unidos noong 1945. Ngunit ang 10-taong transisyon mula sa komonwelt patungo sa isang soberanyang bansa ay naantala dahil sa pagsakop ng Hapon sa Pilipinas noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. At pagkatapos ng pagkatalo ng mga Hapones noong 1945. At ang huling pagbabalik ng mga sundalong Pilipino at Amerikano para sa Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas mula 1944 hanggang 1945. Kaya ang ganap na kalayaan ay iginawad lamang sa Pilipinas noong Hulyo 1946.

Umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas noong dekada 1950 at 1960, ngunit nagkaroon ng kaguluhan noong mga huling taon ng dekada 1960 at mga unang taon ng dekada 1970 laban sa mapang-aping diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos na nagdeklara ng batas militar noong 1972. Dahil sa malapit na relasyon ng Pangulo ng Estados Unidos na si Ronald Reagan kay Pangulong Marcos, sinuportahan pa rin siya ng Estados Unidos kahit na kilala ang kanyang administrasyon sa malawak na kurapsyon at pang-aabuso ng mga tao. Ang mapayapang Rebolusyon sa EDSA noong 1986 ang nagpatalsik kay Marcos (na tumakas sa Hawai'i lulan ng isang helikopter na pag-aari ng militar ng Estados Unidos, kung saan siya nanatili hanggang sa siya'y mamatay) at ang nagbalik ng demokrasya sa bansa. Ngunit nang nagsimula ang panahong iyon, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pulitika at humina ang ekonomiya ng bansa.


http://tl.wikipedia.org/wiki/Kasaysayan_ng_Pilipinas
0 : 0 | 0% AC


Related Questions:

 
   Categories
    Arts & Entertainment
    Academic
    Business and Money
    Health
    Miscellaneous
    Reference
    Relationships and Beliefs
    Science and Mathematics
    Sports and Leisure
    Technology
 
 
   Bookmarking
        Digg This
        Del.icio.us
        Yahoo My Web
 
 
   Top Henyos
umibigatnabigo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
boyhenyo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
kimonrold*
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
jac
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
cklaighe
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
 
 
 
 
   Most Viewed

Q: bakit sa aprika nag mumula ang pinaka unang tao sa mundo ?

Q: sino sino ang mga pamgulo ng pilipinas ?

Q: ano ang kahalagahan ng pamahalaan? plz now ko na po kailangan ung answer!!!

Q: si nu ang kaunaunahang bayani ng pilipinas ?

Q: what is the uses and importance of history?



 
Copyright ©2010 Pinoy Henyo. All Rights Reserved.