Saturday 20 March 2010 : 12:13:51 AM Welcome back Guest. Login | Register
Search keyword:
e,g."Philippine Independence"
Home Ask a Question My Profile Register
Home / Academic / Wika at Panitikan
Open Question
    
merL15
Level: Baguhan
Rating:

ano ang halimbawa ng maikling kwento?

boud ng maikling kwento at pagpapahalaga nito

Answered Question - 12080 views

  Email this Question to a friend

Research your answer in the web
    Answers:
Ina, Ina Bakit Ninyo Ako Ginawa?
ni Mark Anthony V. Obsioma


Ina, ina, bakit mo ako ginawa?... Ito ang tanong ni Michael, isang walong taong gulang na batang lalaking lansangan sa kanyang ina. Ina bakit ninyo ako ginawa?

Ina bakit ninyo ako ginawa? Umiiyak-iyak si Michael nang aking ininterbyu noong Miyerkules ng hapon tungkol sa kanyang buhay kung bakit siya isang palaboy. Dapat sana ay nasa paaralan siya sa mga oras na iyon.

Ina bakit ninyo ako ginawa? Bakit ninyo ako pinapabayaan? Hindi ninyo ba ako mahal?
Nasaan na kayo ni itay?

Si Michael ay isang palaboy. Madalas siyang makikita sa labas ng MSU-IIT na nakikipagtakbuhan sa mga kapwa palaboy at minsan sa mga mag-aaral ng nasabing unibersidad sapagkat hinihipo-hipo niya ang mga babaeng mag-aaral kapag hindi ito nagbigay ng pera. Akala mo'y nakikipaglaro siya sa mga mag-aaral sapagkat may dalang tawa at ngiti kapag siya'y hinahabol. Ikaw'y magtataka kung kilala ba ng mga babaing ito ang batang si Michael. Minsan din ay kalaro niya ang mga kapwa bata na tila'y walang problema sa buhay. Mga batang musmos na dapat ay nasa paaralan nagbabasa at nag-aaral para sa kanilang kinabukasan.

Iniwan si Michael ng kanyang ina at ang lola at lolo na lang ang nag-aalaga sa kanya. Ang kanyang ina ay sinasabing nag-aabroad bilang domestic helper ngunit hindi na ito nakabalik sa kanilang bahay. Ang ama naman niya ay iniwan sila ng kanyang ina noong nalaman buntis ito at hindi na nagpakita. Kaya tanong ni Michael, Ina bakit ninyo ako ginawa?

Ina bakit ninyo ako ginawa? Minsan tanong ng bata kung mahal ba nila siya. Sa mga oras na siya'y ginawa ay naisip ba nila ang hirap na kanilang papasukin. Mula sa mga ngiti at sarap, naisip man lang ba nila kung gaano ito ka sarap ay siya ring kahirap kapag siya'y lumabas na? Napag-usaupan ba nila ang magiging kinabukasan ng batang naghahanap ng aruga ng isang ama't ina? Mga tanong ng isang bata na nandiyan lamang sa kanyang isipan at sa kanyang pusong sugatan.

Paano na lang ang sinabi ni Rizal na "Ang Kabataan ang pag-asa ng bayan" kung patuloy at mayroong mga magulang na pinababayaan ang kanilang mga anak. Ano na lang ang magiging kinabukasan ng mga batang walang kasalan at nadamay lamang sa mga hangal na magulang. Kung hindi man lang magagawa ng mga magulang ang kanilang tungkulin para sa kanilang mga anak, ang mabuti siguro'y huwag ninyo na lang buhayin ang inyong magiging anak . Dahil mahirap ang kanilang sitwasyon at mahirap na lumaki na walang mga magulang na mas masakit pa sa isang hiniwang bawang.

Ina, bakit ninyo ako ginawa?



0 : 0 | 0% AC
The Dreamer
Francis Maycacayan

Tabla ang scores sa 72, tatlong minuto pa ang natitira sa final quarter. Muli akong tinapik ni coach para pumasok ulit sa hard-court.

Apat na minuto rin akong napahinga mula ng habulin ko ang 13 puntos na kalamangan ng kalaban, at ngayon nga ay tabla na dahil sa palitang score ng dalawang team.

Hinubad ko na ang suot kong warmer at nagpaalam ako sa table official para pumasok. Eksaktong "deadball," pwede nang sumabak. Sigawan ang mga tao nang narinig nilang pumasok na ang number 27 - matutunog na palakpakan, sipol at sigaw ng pangalan ko. Para bang di ko alam ang uunahin pag natapos na ang game: autograph signing, picture taking, o interview.

Ipinasa agad sa akin ang bola at itinira ko agad sa tres. "Number 27 for three points!!!!!"

"yes!" Pumasok ang tira. Para akong celebrity, nakabandera ang pangalan ko sa court. Ngunit magaling ang numero singko ng kalaban, dumrive sya at nakakuha ng foul, na-i shoot nya ang bonus shot kaya tabla na naman ang score.

"Time-out!" Senyas ko kay ref. Gusto kong gumawa ng play. Two minutes left, sabi ng komentarista.

Tumunog na ang buzzer hudyat ng balik-laro para sa last two minutes ng final quarter,. Ako ang nag-inbound ng bola at ibinalik sa akin. Pinatay ko muna ang oras para makadiskarte nang maayos. Sigaw si coach ng "Gamitin mo ang oras!" kaya iyon ang ginawa ko.

Ngunit naagaw sa akin ang bola nang tangkain ko itong ipasa. Sobrang bilis ng singko at naipasok nya ang bola. 85-83 ang score abante ang kalaban 24 seconds left sa ballgame.

Sa amin ang bola, na-inbound ng kakampi ko at ako agad ang hinanap niya para pasahan. Bahagya kong pinatalbog talbog ang bola. Kung kanina ay takbong kabayo at kayod marino ang ginawa ko sa court, ngayon ay nilagyan ko ng disiplina. Kailangang mai-shoot ko at makakuha ako ng foul.

Hanggang sa nakakita ako ng puwang sa gitna at buong lakas akong sumalaksak. Sigurado makakakuha ako ng foul.

Lay - up with matching tap the board ang ginawa kong pang-finale. Pasok, ngunit may naramdaman akong sakit mula sa aking likuran - isang hampas mula sa kalaban. "Ref, foul!" Sabay pito ni ref at senyas na may foul nga daw. Subalit mukhang di ko na kayang itira ang bonus shot sa sobrang sakit na natamo ko. Dahan-dahang nagdilim ang paningin ko. Unti - unting nawala ang crowd, ang fans, si ref, at ang buong court ... at ako nga ay bumagsak.

Maya - maya pa ay naka - aninag ako ng isang matandang babae, nagngangalit ang mga panga nito sa galit at nakatingin sa aki...

Hanggang sa sya ay sumigaw: "Punyeta ka Mamerto, kapag di ka pa bumangon diyan itong batya na ang tatama sa 'yo! Tanghali na wala pa akong tubig panlaba!"



0 : 1 | 0% AC
Isang Araw ng Pamamalikmata
Vlad Gonzales

Isang karaniwang araw sa isang karaniwang unibersidad, sa isang pangkaraniwang klase, sa isang pangkaraniwang silid - aralan, bumisita ang isang Salamangkero. Salamangkero, iyon ang pagpapakilala niya sa sarili niya, pero walang sinuman sa loob ng pangkaraniwang silid - aralan ang naniwala sa kanyang pagpapakilala. Sa totoo lang, wala siyang espesyal na pisikalidad na magpapatotoong siya'y may kung anong mahika. At sa totoo lang, wala naman talagang pumapansin sa kanya, walang gustong makinig. Ang mahika'y isang malayong konsepto na para sa mga taong nasa silid, bukod pa sa nakalipas na ang maraming oras ng paglalabas - pasok sa napakaraming mga klase't pagod na ang lahat para makinig o manood sa mga bagay na wala silang interes. Kung di pa naawa / naintriga ang guro'y hindi na pinapasok ang bisita.

"Kumbinsihin mo kami." Masungit ang tono ng isang estudyante. Tumango-tango ang guro't mga kamag-aral.

Pinapikit ng salamangkero ang kanyang mga tagapanood. Pinapikit, ipinataboy ang liwanag sa mga mapanuring mata. Lumipas ang ilang segundo.

"Ngayon, kayo'y dumilat." Malakas ang tinig - panggulat ng salamangkero. Dumilat ang lahat.

"Masdan ninyo, naglaho na mula sa mundo natin ang mga kaeskuwela ninyo."

Tumingin - tingin sa paligid ang mga tagapanood. Pilit na tinandaan kung sino ang kanilang nasa kanan, kaliwa, harap, likod. Binalasa ng guro ang kanyang index cards, siniyasat ang listahan ng mga pangalan. Tila parang walang nawawala, parang wala namang pagbabago. Nagsisimula pa lang pumasok ang Hulyo, hindi pa kabisado ng bawat isa ang hubog ng mukha, amoy, pananalita't porma ng kani - kanilang mga kasama. Pero nakasisiguro sila, walang sinumang kaibigan o kakilala ang nawala, walang anumang maliit na bakas ng pagbabago. Magkakasama pa rin sila't isang malaking istorbo, isang malaking panloloko ang pag-aabang na makumbinsi ng bisitang Salamangkero.

"Nasasayang lang ang aming araw," ang sabi ng isa.

"Walang pinag - iba sa napakaraming mga manloloko," dagdag pa ng isa.

"Kung nagpatuloy na lang tayo sa ating leksyon, sana'y may natutunan pa tayo."

Nauubos na ang pasensya ng mga tagapanood. Sumesenyas na sa kanyang relo ang guro. Muli, nakiusap ang salamangkero, isang sandaling pagpikit, at maipapakita niya, maipapamalas ng kanyang mahika ang totoo.

"Narito," ang sigaw ng salamangkero pagkatapos ipabukas ang mga mata ng kanyang mga tagapanood, "narito ang inyong ama, ina, nobyo, nobya, asawa, kaibigan, kapatid, anak, narito ang lahat ng taong pinakaiingatan ninyo sa inyong mga kaloob-looban!"

Tatlong inuuod na katawan ang gumulat sa guro't mga estudyante. Tatlong katawang batbat ng pagkaagnas. Tatlong piraso ng lamang sa pagkabulok ay wala nang pagkakakilanlan. Ang kataka - taka, walang anumang bakas ng nakasusukang alingasaw, walang tanda ng anumang baho ang mga nakatayong bangkay. Ang pagkagulat ay napalitan ng pagkainis, ng pag-uusisa.

"Aba, sino naman ang mga ito? Wala sa wangis nila ang kahit na sinong kakilala ko!"

"Walang amoy, wala na ring mata, ilong, wala nang hubog ang katawan! Baka halimaw o demonyo!"

"Oo, demonyo! Isang ilusyon! Isang panloloko!"

Biglang naglaho ang Salamangkero, kasama ng tatlong katawang inuuod. Kasabay ng kanilang pagkawala ang paglalaho ng kanilang alaala mula sa isip ng guro't mga mag-aaral. Nagpatuloy ang klase sa kanilang leksyon, nagpatuloy sa pag-usad sa kanilang araw. Isang pangkaraniwang araw, isang mahaba, nakababagot, isang paulit-ulit na karaniwang araw. Samantala, sa isang tagong lugar sa unibersidad, nabuwal ang isang matandang puno. Walang sinumang nakarinig sa pagbagsak, walang sinumang nakakita ng pagkakalaglag.


http://www.pinoyhenyo.com/answers-20081013232742593.html
0 : 0 | 0% AC


Related Questions:

 
   Categories
    Arts & Entertainment
    Business and Money
    Health
    Academic
    Miscellaneous
    Reference
    Relationships and Beliefs
    Science and Mathematics
    Sports and Leisure
    Technology
 
 
   Bookmarking
        Digg This
        Del.icio.us
        Yahoo My Web
 
 
   Top Henyos
umibigatnabigo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
boyhenyo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
kimonrold*
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
jac
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
cklaighe
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
 
 
 
 
   Most Viewed

Q: mag bigay nang mga maiklling tulang pilipino?

Q: pls give me an example of a pamanahong papel sa pilipino... pls im begging you guys?

Q: halimbawa ng eupemistiko at ang kahulugan nito ?

Q: is this a person ?

Q: anu ang tagpuan?



 
Copyright ©2010 Pinoy Henyo. All Rights Reserved.