"Walong Taong Gulang" - Ukol sa isang mapag-isa, mahirap, lampang mag-aaral sa punto-de-bista ng isang guro. Lagi'y napapansin niyang mahinang kumilos ang bata. Sa huli'y matutuklasan ng guro ang dahilan ng kahirapan at malnutrisyon ng bata. Hindi ito tuwirang sinabi ng kuwentista. Itinatago niya ang mga detalye; o putol-putol ang mga impormasyon para mapanatili ang misteryo.