Friday 30 July 2010 : 06:36:49 PM Welcome back Guest. Login | Register
Home Ask a Question My Profile Register
Home / Academic / Wika at Panitikan
Open Question
    
jhalynne santos
Level: Baguhan
Rating:

ano ang kahulugan ng dayalek, sosyolek ay idyolek?
ano ang mga katangian ng wika?

Answered Question - 9590 views

  Email this Question to a friend

Research your answer in the web
    Answers:
Varayti ng wika ayon kay Cafford na permanents para sa mga tagapagsalita / tagabasa

A.dayalekto
Ang dayalekto ay batay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay. Nakikita ito kaugnay ng pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita o grupo ng tagapagsalita sa isa sa tationg dimension: espasyo, panahon at katayuang sosyal.
Halimbawa:
Tagalog-Bulacan
Tagalog-Batangas
Tagalog-Laguna

B. Idyolek
- ay isang varayti na kaugnay ng personal na kakanyahan ng tagapagsalita o wikang ginagamit ng partikular na indibidwal.
- Ang mga tanda ng idyolek ay maaaring idyosinkratiko tulad ng paggamit ng partikular na bokabularyo nang madalas.
- Ayon pa rin kay Catford, permanente nang matatawag ang idyolek ng isang taong may sapat
na gulang.

Katangian ng Wika ayon kay Gleason:
1. Ang wika ay mga tunog na pinili at isinaayos sa pamamaraang pinagkasunduan ng mga taong gumagamit nito.
2. Ang wika ay paraan ng pakikipagtalastasan. Ginagamit ito upang ipahayag ng tao ang kanilang kaisipan, damdamin at pangangailangan.
3. Ang wika ay mga isinatinig na mga tunog. Maraming tunog sa paligid ngunit hindi lahat ng tunog ay maituturing na wika. Ang mga tunog na maituturing na wika ay ang mga tunog na isinatinig sa tulong ng iba't-ibang sangkap ng pagsasalita gaya ng dila, ngalangala, babagtingang - tinig, atbp.
4. Ang wika ay pantao. May mga tunog ding isinatinig ng mga hayop gaya ng kahol ng aso, unga ng kalabaw o tilaok ng manok, atbp. ngunit ang mga ito ay hindi wika. Ang wika ay pantao at magagamit ito sa pagsasalin ng kultura at may sistemang tunog at kahulugan.
5. Ang wika ay hindi maihihiwalay sa kultura. Nakabatay ang wika sa kultura ng taong gumagamit ng wika. Sa pamamagitan ng wika nagkakaugnay ang tradisyon, kaugalian, mithiin, at paniniwala ng mga tao.
6. Walang wikang nakatataas at mababang uri ng wika. Bawat wika ay may kanya-kanyang katangian at kalikasan.





0 : 0 | 0% AC


 
   Categories
    Arts & Entertainment
    Academic
    Business and Money
    Health
    Miscellaneous
    Reference
    Relationships and Beliefs
    Science and Mathematics
    Sports and Leisure
    Technology
 
 
   Share
        Facebook
        Twitter
        Plurk
 
 
   Search
JobTitle, Company, Skills, Industry, etc.
 
 
   Top Henyos
gkumar
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
soni1
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
jeremyrimando
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
cracklings
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
writer
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
 
 
   Most Viewed

Q: ano ang pamayanang komersyal?

Q: kasingkahulugan ng bida?

Q: guys si Manuel L. Quezon ba ay mayroong sariling tula tungkol sa kahulugan ng wika?

Q: magbigay ng limang pyesa sa oration tungkol sa nutrisyon?

Q: sino si patis tesoro?



 
 
Copyright ©2010 Pinoy Henyo. All Rights Reserved.