Penge nmn ng Buod ng Luha ng Buwaya kc kailangan ko sa Filipino subject nmin...?
plZZZ kung nka format na xa na pang book report masmaganda ^^ heheheheheh salamat pow sa inyong tulong nid na nid ko lang kc amp ung teacher ko eh..............
Luha ng Buwaya (tears of the crocodile) is a novel written by the Filipino Amado V. Hernandez. It composes of 53 chapters. The story is about poor farmers uniting against the greedy desires of the prominent family of the Grandes.
In Filipino idioms, "crocodiles" were used to symbolize those people who are corrupt. The "buwaya" in the title of the novel refers to the Grandes, who were very greedy for money.
Nobela ng pambansang alagad ng sining Amado V. Hernandez, ang Luha ng Buwaya (1962) ay tumatalakay sa ginagawang panggigipit ng maykayang pamilya sa mga maralita at kung paano nagkaisa ang nasabing mga dukha upang lutasin ang kanilang problema.
Inilahad sa nobela ang sistemang piyudal na kinakatawan nina Donya Leona at Don Severo Grande, nna nag-aari ng malalawak na lupain sa Sampilong. Ginamit ng mag-asawa ang kanilang salapi, impluwensiya, at kapangyarihan upang paikutin at bulukin ang mga institusyong gaya ng hukuman, simbahan, at pamahalaan nang mapanatili ang kanilang interes. Kalaban ng mag-asawa ang pangkat ng mga dukhang mula sa pook-maralita, na pinamumunuan ni Bandong. Si Bandong ay isang guro na naging gabay ng mga tao sa makatwirang pagkilos laban sa mga pamamalakad ng mag-asawang Grande. Nagbuo ng kooperatiba ang mga dukha sa pagnanais na makaraos sa kahirapan. Tumindi ang tunggalian sa kuwento nang ipakulong si Bandong gayong wala naman siyang kasalanan, at sa halip ay naghasik ng lagim ang mga tauhan ng mag-asawang Grande. Sa dakong huli ng nobela'y matutuklasan na ang lupaing kinatitirikan ng mga bahay ng mga dukha ay hindi pag-aari ng mag-asawang Grande. Mauunawaan din sa wakas ng mga tao na sama-sama lamang na pagkilos nila mababago ang bulok na sistemang piyudal sa lipunan.
Ang "luha ng buwaya" ay bulaklak ng dila na nangangahulugang "mapagbalatkayo" o "pagkukunwari."