Monday 15 March 2010 : 09:40:26 AM Welcome back Guest. Login | Register
Search keyword:
e,g."Philippine Independence"
Home Ask a Question My Profile Register
Home / Academic / History
Open Question
    
deirelrasheed
Level: Baguhan
Rating:

PAKI BIGAY PO ANG BUOD NG BANTUGAN, BIDASARI,HUDHUD, ALIM, TULALANG, TUWAANG, LABAW DONGGON, BIA NI LAM-ANG, IBALON, MARAGTAS,HARAYA, HARI NG BUKID?

Answered Question - 9644 views

  Email this Question to a friend

Research your answer in the web
    Answers:
Buod ng Biag ni Lam-ang

Sina Don Juan at Namongan ay mag-asawa na taga- Nalbuan. Sa kanyang paglilihi,nakagiliwang kainin ni Namongan ang mga hilaw na sampalok,pias (kamias), at daligan (balimbing),gayundin ang mga hinog na bayabas,dalanghita at buko o murang niyog.Gustons-gusto rin niya ang talaba,hipon,mga pagkain-kabibe,at mga damong �dagat.
Sa ikapitong buwan ng kanyang pagbubuntis,humiling si Namongan sa kanyang asawa ng balitang,isang uri ng papag na mataas ang dakong ulunan.Sa pamamagitan ng kidlat at kulog,naputol ni Don Juan ang mga kailangan kawayan sa paggawa ng balitang.Upang hindi na mahirapan sa pagbubuhat,inutusan niya ang mga kawayang magpauna na sa kanyang patungo sa kanilang looban.
May iba pang inihanda si Don Juan ng panggatong,tapayan,kalan,palayok,at panggamot ng mga dahon-lahat ay kailangan sa panganganak ni Namongan.Pagkaraan ng paghahanda,Humayo na so Don Juan upang makipaglaban sa mga kaaway na igorot,Ngunit hindi na siya nakita mula noon.
Nang isinilang si Lam-ang,sa tulong ng matandang maninisid na si marcos,marunong na agad siya magsalita.Siya ang pumili ng kanyang pangalan at ang kanyang ninong sa binyag.ang matandang si gibuan .Nagusisa rin si Lam-ang kung siya ay lehitimong anak o bastador.
Nang mabatid ang patungo ng ama sa bundok,naisip niya na tungkulin niyang tiyakin ang nagging kapalaran ng ama.nagbabasa siya sa ina ta hinarap ang mga igorot sa bundok sa harap ng ulo ng kanyang ama.Hinamon niya sa isang labanan hindi lamang ang mga pinono kundi ang lahat ng mga Igorot.Tinanggap ang hamon, kaya pinaulanan ng mga ito si Lam-ang ng mga sibat ngunit nasalo naman niyang lahat ang mga iyon.
Sa madaling salita,natalo ni Lam-ang ang mga Igorot.Umagos sa ilog Vigan ang dugo ng mga ito.
Bumaba sa bundok si Lam-ang na nanlalagkit at dumingdumi ang buhok.Naisipan pang niyang linisin ang kamalig ng palay ng ama na hindi nagagawa sa loob ng siyam na taon.Pagkaraan. sa tunog ng longgangan(gong).ipinatawag niya ang kanyang mga kaibigan babae upang patulong sa mga ito sa paliligo sa ilog.Amburayan.Nang mahugasan na ang hanyang buhok,nalason ang tuibig at naguunahan sa pagsampa sa pangpang ang mga isda,banagan at mga igat.
Upang masubok pa ang kanyang kakayahan,sinilid niya ang buwaya sa ilog.Nang magapi niya ang mga ito ay ipinatatangal niya sa mga kaibigang babae ang mga ngipin ng hayop upang gawing talisman.

Panliligaw ni Lam-ang

Nabalitaan ni Lam-ang ng kagandahan ni Donya ines Kanoyan ng kalinutian.nagbihis siya ng magara at nagpasiyang umakyat ng ligaw kahit pinalalahanan siya ng ina na mabibigo lamang.Isinama niya ang kanyang putting tandang at alagang aso.
Noon nasalubong ni Lam-ang sa daaan ang malahigante si Sumarang. Ga- pingan ang mga mata nito at ang ilong ay sinlaki ng magkatabing dalawang paa.Nagtangka itong pigilin siya sa pagtungo kay Donya Ines.Nang hindi papigil,sinibat siya ni Sumarang nginit nasalo niya ang sandata nito,Pagkaraang bigyan ng babala,si Lam-angnaman ang naghagis ng sibat kay Sumarang,Sa tulong ng hangin,natangay si Sumarang ng sibat ni Lam-ang hanging sa ikasiyam na bundok.
Pagdating ni Lam-ang sa bahay ni DonyaInes,nakita niya ang maraming manliligaw na isa'y ibig tawagin ang pansin ng dalaga.nakaisip siya ng paraan upang sa kanya mapabaling ang pansin ni Donya Ines. Pinapagaspas niya ang nga pakpak ng kanyang puting tandang at ang palikuran ng dalaga'y gumuho sa lupa.Napatakbo sa may bintana si Donya Ines sa pagkagulat.Kasunod halos niyon, pinaungol ni Lam-ang ang kayang aso at ang gumuhong palikuran ay naitindig muli. Humanga si Donya Ines sa kanyang nasaksihan kaya nanaog siya't inanyayahang pumanhik sa bahay si Lam-ang.Pinaupo siy asa luklukang ballot ng ginto,ipinagsaing siya at ipinagpatay ngb inahinh manok. Lahat ng kinain ni lam-ang ay dinampot niya mula sa mga pingang pinagkunan din ni Donya Ines ng pagkain nito.Pagkapanghalian. inusisa ni lam-ang ang mga magulang ng dalaga hingil sa kanyang sadya. Sumagot ang kanyang putting tanang; Ibi magbigay galang n gaming panginoon sa inyong maganak; at kung mararapatin ninyo,ibig niya pakasalan anginyong anak," Hindi tumutol ang mga magulang ni Dopnya Ines,ngunit humiling kay Lam-ang ng dote,kasabay ng pagpaparangalan ng mga kasangkapan sa kanilang bahay na yari sa lntay nag into
Sumugot si lam-ang na madali niyang maibigay ang dote. Hindi maubos ang laman ng kanyang mga palaisdaa,may dalawang barkong ginto ang kanyang angkan na nakipagkalakalan sa tsina na kinaroroonan ng kanyang mga kamaganak,at may naman siyang kayamanan na hindi mababawasan nang pagayun-gayun lamang.



0 : 1 | 0% AC


Ang Tuwaang ay isang epiko ng mga Manobo na ginagawa ring libangan tuwing may libing, kasal, ritwal ng pagpapasalamat para sa saganing ani, o sa isang matagumpay na pangangaso.

Ang bawat awit ng epiko ng Tuwaang ay ipinakikilala ng mang-aawit gamit ang isang tula na tinatawag ng mga Manobo na tabbayanon, na mayroong dalawang bahagi: ang tabbayanon na nagdudulot ng interes at kadalasang naghahayag ng pag-ibig at pangarap ng mang-aawit; at ang bantangon, na nagpapabatid ng simula ng pag-awit. Mayroong higit sa 50 na mga kanta ng Tuwaang, ngunit hanggang ngayon, dalawang kanta pa lamang ang nailalathala.

Ito ay ang Mangovayt Buhong na Langit (The Maiden of the Buhong Sky) at Midsakop Tabpopawoy (Tuwaang Attends a Wedding). Sa unang awit, iniligtas ni Tuwaang ang isang dilag mula sa kanyang dambuhalang manliligaw, isang lalaki mula sa Pangumanon. Gamit ang laway ni Tuwaang, napabuhay niyang muli ang mga taong pinatay ng higante. Dinala ni Tuwaang ang dilag sa kanyang bayan at doon, ay may nakasagupa na naman siyang isang katunggali. Pagkatapos, si Tuwaang at ang kanyang mamamayan ay sumakay sa isang bangka patungo sa langit.

Sa ikalawang awit, si Tuwaang ay dumalo sa isang kasalan, para lamang maging kabiyak ng babaeng ikakasal, matapos na mabigong magbigay ang lalaki mula sa Sakadna ng kabayaran para sa kasal. Natalo ni Tuwaang ang lalaki at pagkatapos ay dinala niya ang babae sa Kuaman kung saan siya ay naghari magpakailanman



0 : 1 | 0% AC


Related Questions:

 
   Categories
    Arts & Entertainment
    Business and Money
    Academic
    Health
    Miscellaneous
    Reference
    Relationships and Beliefs
    Science and Mathematics
    Sports and Leisure
    Technology
 
 
   Bookmarking
        Digg This
        Del.icio.us
        Yahoo My Web
 
 
   Top Henyos
jperana
Level:
Rating:
Instant Message Offline
umibigatnabigo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
boyhenyo
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
cklaighe
Level: Henyo
Rating:
Instant Message Offline
colinam
Level: Matalino
Rating:
Instant Message Offline
 
 
 
 
   Most Viewed

Q: bakit maraming taong bigo sa pag ibig kahit ginagawa mo na man yung best mo sa kanya????

Q: what is the reason behind the secret departure of Rizal?

Q: mga larawan ng anyong tubig ?

Q: sino and tauhan sa rizal sa dapitan ?

Q: talaan ng mga hukom sa pilipinas ?



 
Copyright ©2010 Pinoy Henyo. All Rights Reserved.